last chapter** part one

8.4K 172 2
                                    

(Third Person POV)

Napatingin ang lahat sa dumating at ganun na lang ang tuwa, gulat at takot na naramdaman nila ng makita kung sino ito. Tila ba dininig ng diyos ang panalangin ng mga bihag dahil dumating ang kanina pa nila hinihintay.

"Winter" ang tanging lumabas sa bibig ng shadow pati na din sa mga bihag.

"So the Almighty Poison is here. Ano yan pa Super hero effect ka?? Ngayon ka lang dumating para ikaw ang maging bida. Well sad to say hindi kita hahayaang maging bida dito dahil sa sandaling ito bilang na ang mga oras mo." sigaw sa kanya ni Cassey.

"Alam mo Dark Ivy kung ako sayo di ako magsasalita ng tapos. Baka kasi kainin mo sinabi mo at mapahiya ka sa Clan mo. Hindi mo alam kung saan ka dapat kumampi. Hindi mo alam na mismong buhay mo nilalagay mo sa alanganin." nakangising sabi ni Winter na tila ba pinapahiwatig ang nabasa niya sa notebook ni Autumn.

"Puro ka daldal. Tingnan natin kung makapagsalita ka pa matapos ng gagawin sayo ng mga kasamahan ko. Sugurin niyo siya at wag niyong hahayaang makakalabas dito yan ng buhay." utos ni Cassey sa mga kasamahang assassin.

Bago pa man makasugod sa kanya ang mga assassin may binatong bote at injections si Winter kay Thunder. Ito ang mga ginawa niyang gamot bago makarating sa isla.

"Turukan mo sila bawat isa para hindi sila maapektuhan ng mga lason at para bumalik na din ang lakas niyo. Tahiin mo na din ang hiwa sa tyan ni Ryuu para mabilis na umepekto ang gamot na ibibigay mo." utos niya dito ng hindi man lang tumitingin.

Kahit na nanghihina ginawa ni Thunder ang inutos sa kanya ng kapatid. Ginamot niya ang mga kasamahan niya at ang sarili niya. Ngunit dahil hindi naman siya ganun kabilis kumilos natagalan siya sa kanyang ginagawa.

"Sana pala nakinig ako sa kanya noon. Kung nagsanay pa sana tayo mabilis ko sana kayong nagamot at napagtanggol. Ngayon alam ko na kung bakit ganong training ang pinagawa sakin ni Winter." sabi ni Thunder sa sarili.

Sabay sabay na sumugod ang mga assassin ng BHC kay Winter pero tulad ng dati niyang ginawa tumalon siya sa ere at mabilis na pinakawalan ang mga daggers niya na may lason. Ang lason ng mga ito ay ang lason na si Winter lang ang nakakagawa. Kahit na maliit na amount lang nito ang tumama sa kalaban makalipas ang ilang segundo babawian na ito ng buhay.

Tila ba naulit ang nangyari noong nakipaglaban si Winter sa Pheonix dahil paglapag niya ng paa niya sa sahig bagsak ang 20 na assassin na akmang susugod sa kanya. Nilabas na ni Winter ang katana niya na siyang ginagamit niya sa pagpatay sa mission niya. Siya naman ngayon ang sumugod sa mga kalaban at walang habas na pinaghihiwa niya ang mga katawan nito gamit ang katana niya.

Umaagos na ang dugo sa kamay ni Winter. Dugo ng mga assassin na napatay niya pero gaya kanina tila ba hindi nauubos ang mga assassin na lumalabas kung saan. Dinig pa din sa loob ang malalakas na pagsabog galing sa labas na gawa naman ni Andrei. Si Jimei naman ay pumasok sa isang kwarto sa loob ng hideout na siyang nagkokontrol sa mga system ng Clan.

"Para saan pa at nagtraining kayo kung ilang segundo lang patay na kayo." frustrated na sigaw ni Cassey ng makita ang mga bangkay na nakakalat sa sahig.

Habang patuloy pa din sa pakikipaglaban si Winter nalunasan na ni Thunder ang mga kasama ngunit nanghihina pa din sila. Sila Raikoo naman ay hindi na kumukurap sa panonood ng pakikipaglaban ni Winter. Ngayon lang nila ito nakitang seryoso sa pakikipaglaban. Bakas sa mukha nito ang labis na galit na bawat hampas ng katana na hawak nito tila ba ito na ang magpapasya sa mga buhay ng mga tao doon.

Lumipas ang ilang minuto at palakas ng palakas ang nakakalaban ni Winter. Natatagalan na siyang pabagsakin ang bawat isa sa mga ito pero nagagawa pa din niyang hindi magpatalo.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now