fifty six**

7.8K 166 1
                                    

(Raikoo POV)

Para bang napako na lang ang mga paa ko dito sa lupa at hindi na ako makagalaw pa. Nahihirapan akong huminga at nagsisikip ang dibdib ko na para bang may gustong emosyong lumabas. Ang saya pala sh*t. Ang saya na makita ang taong mahal mo na may kayakap na iba ang masaklap pa nito. Alam kong mahal siya ng lalaking yakap niya ngayon. Yung lalaking lagi niyang pinagtatabuyan pero ngayon heto yakap na niya. Ano ng next nito papayag na siyang makipagdate?? Magiging sila na??

Kailangan ko na bang bumili ng kandila para tirikan ang puso ko. Wala na eh. Sinaktan ko siya ng paulit ulit. Alam kong ako ang dahilan ng pagdudusa niya ngayon. Pero ta*na ang sakit p*ta. Ang sakit nilang tingnan kaya pati mata ko naluluha na dahil sa sakit ng tanawin na nakikita ko.

Sana pala kanina ko pa siya nilapitan. Edi sana ako yung yakap niya ngayon.Edi sana ako ang nagcocomfort sa kanya ngayon. Sana ako ang kasama niya ay hindi si Andrei. Oo tama kayo ng nabasa. Kayakap lang naman niya si Andrei ngayon. Noong time kasi na lalapitan ko na siya bigla na lang dumating si Andrei at boom ayun na.

"Masakit diba." nagulat na lang ako ng may magsalita sa tabi ko.Pagtingin ko si Thunder hyung pala.

"Oo." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hanggang kaya ko ayaw ko munang magsalita dahil mapahagulgol na lang ako dito.

"Alam mo bang ganyan din ang nararamdaman ni Winter. Ang pinagkaiba nga lang ngayon. Si Winter walang kinampihan. Pero ikaw meron."

Natigilan ako sa sinabi niya. Sapul eh. Tagos tagusan ang tama sakin.

"Wala kang karapatang umiyak dahil lang sa nasasaktan ka sa nakikita mo. Dahil mas masakit pa dyan ang nararamdaman ng kapatid ko dahil sayo. G*go ka kasi kung ano lang ang nakita mo yun lang pagbabatayan mo. Hindi ka man lang marunong magtanong at makinig. I'm really disappointed sayo Raikoo. Akala ko pa naman sayo ko pwedeng ibilin si Winter sa pag alis ko pero it turns out na mas karapat dapat si Andrei kesa sayo."

Lalo kong di napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sinabi niya. Totoo kasi eh napakagag* ko talaga. Pati tiwala nila sakin nawala na. Hindi pa man nagsisimula ang laban talo na.

Umalis na si Thunder hyung pero nandito pa din ako nakatingin sa kanya. Sa kanila. Nagtatawanan na sila ngayon. Ganto ba talaga kasakit ang magmahal. Bakit para akong sinasaksak ng daang beses makita ko lang silang masaya. Hindi naman ako nagtaksil sayo Winter eh. Kahit kelan hindi ka mapapalitan sa puso ko. Mali ang iniisip mo.

end**

(Third Person POV)

Sa bahay ni Rhon tulala lang sila sa sala habang naghihintay na bumalik si Thunder at Raikoo. Iba ang mood ng lahat ngayon. Walang nagkukulitan. Walang nagkukwentuhan. Walang Glen na inaasar si Kevin. Walang Leo na pilit pinapagluto si Tim. Wala ding Rhon at Sky na nagdadance revo. Tahimik din ngayon si Sean at Kai. Well except kay Nathan na matagal ng tahimik at Sian na matagal ng seryoso. Isama mo na din si Ryuu na kalmado. Lahat ng nangyayari sa bahay hindi normal.

"Ang saklap ng buhay na to. Tae una nawala kapatid ko tapos sumunod pa mahal ko. Nasan ang hustisya?? Ano sino ng sunod Yung Mama ko?? Yung katulong??? Yung driver?? o baka naman yung guard namin?"- litanya ni Kai kaya napatingin sa kanya lahat.

"Gag* ilang weeks na silang nawawala ngayon ka pa nagkaroon ng ganang mag emote. Ano to gag*han ha Kai??" sabi sa kanya ni Kevin.

"Sorry naman nadelay yung emotion ko eh. Ngayon lang nagprocess sa utak ko yung drama scene kaya lang langya sinira niyo ang spot light. Time to shine ko na sana eh." Sagot ni Kai habang nagdadrama pa.

"Gag* ka Kai. Delay your face. Kala mo naman ikaw lang nawalan ako din kaya nawawala din kapatid ko." pagpapatahimik ni Sky kay Kai.

"Yeah my myy is also missing."- Nathan.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now