sixty four**

8K 167 2
                                    

(Third Person POV)

Matapos ang ilang minutong pag iisip mabilis na pinatamaan ni Sean ng dragger ang censore ng laser. Mabilis na kumilos ang shadow para makawala sa laser bago ito bumalik.

"Mukhang minaliit ko ang shadow. Well not bad. Kaya lang sana di na lang kayo umalis doon. Edi sana hindi kayo masasaktan." sabi ng babae sa kanila.

"Sino kaba talaga ha?"- Sian

"Easy Blaze. Tatanda ka agad niyan sige ka. Well ako lang naman si Dark Ivy. Tandaan niyo ang pangalan na yan dahil yan ang pangalan ng magpapabagsak sa one and only mighty Shadow. Kawawa naman kayo iniwan kayo ng Leader niyo sa ere."

Lalong nanggigil ang Shadow dahil sa sinabi nito. Sumugod agad si Leo hawak hawak ang mga assassin tools niya pero may mga naglabasang assassin mula kung saan. Agad na pinigilan ng mga ito ang mga hawak na tools ni Leo kaya wala na din siyang nagawa dahil hindi naman ganun kalakas ang katawan niya. Sinubukan niyang tumayo at pinulot niya ang latigo niyang bakal na may talim sa dulo(sorry di ko alam ang name nun haha). Napabagsak niya ang mga kalaban niya pero may isang sumugod mula sa likod niya. Sinaksak siya ng dagger na may lason at agad na tinuhod ang sikmura niya. Kahit na nanghihina pinilit na tumayo ni Leo pero patuloy pa din siyang pinag sisipa ng mga kalaban.

Nakita ni Elise ang nangyari kay Leo kaya wala na siyang ibang ginawa kundi umiyak kakatawag sa pangalan nito. Gayun na lamang ang pagkabigla niya ng sumuka ng dugo si Leo at humarap sa kanya sabay taas ng kamay na para bang inaabot siya.

"Elise. Ililigtas kita" nanghihinang sabi ni Leo habang pinipilit na tumayo.

Si Thunder naman ay nag umpisa na ding makipaglaban. Gamit niya ang samurai niya na may lason. Napatigil lang siya sa paglaban ng makita niya si Leo na nanghihina. Pinuntahan niya agad ito para sana lunasan pero may bigla na lang bumaril sa braso niya. Bigla na lang namanhid ang braso niya at hirap na siyang gamutin si Leo. Pinilit niyang maitabi si Leo at mailayo sa mga kasamahan na naglalaban.

"Leo. Leo huwag kang matutulog. Idilat mo mga mata mo. Please Leo. Sorry di kita agad natulungan. Please Leo wag kang sumuko." nag aalalang sabi ni Thunder. Kasunod nito ang pagdilat ni Leo.

"Hyung si Sean hyung tulungan mo. Napuruhan na din siya." pautal utal na sabi nito kaya agad namang lumingon si Thunder kay Sean.

Madami dami na ding napatay si Sean gamit ang katana niya pero bigla na lang siyang nakaramdam ng tusok ng karayom sa mga kamay niya. Nabitawan niya ang katana niya dahil sa namanhid ang mga kamay niya at hindi na niya mahawakan pa ang katana niya. Sinubukan pa din niyang lumaban gamit ang paa niya. Sinisipa niya ang mga kalaban minsan namin ay backflip siya sabay landing sa batok ng kalaban kaya agad itong binabawian ng buhay. Napagod na ang paa niya sa kakalaban ngunit tila hindi nauubos ang kalaban. Nanghihina na din ang mga paa niya at namamanhid pa din ang mga kamay niya. Sinipa niya ulit ang isa niyang kalaban ngunit dahil na din sa pagod na siya nasapo ng kalaban ang paa niya at naibalibag siya nito sa pader. Tumama ang likod niya sa pader kaya ininda niya ang sakit ng balakang niya. Naramdaman na lang niya na pati ang katawan niya namamanhid na kaya hindi na siya nakalaban pa.

Nilapitan agad ni Thunder si Sean at tinabi kay Leo. Tinurukan niya ito ng panlaban sa lason para na din mawala ang epekto ng lason na siyang magpamanhid sa katawan nito.

Kasalukuyan naman nakikipaglaban si Sian sa mga assassin ng BHC. Dahil na din sa liksi nito nahihirapan ang mga kalaban niya na matamaan siya. Suntok, Sipa at hampas ng katana ang natatamo ng mga kalaban sa kanya kaya agad na binabawian ng buhay ang mga ito. Tila ba hindi siya napapagod sa pakikipaglaban pero napahinto siya ng makita ang kakambal na katabi ni Leo. Pinangtatanggol sila ni Thunder sa mga gustong umatake sa dalawa. Hindi niya namalayan na may papalapit na pala sa kanyang kalaban na may hawak ding katana. Nakailag naman siya pero nasugatan pa din siya.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now