nineteen **

12.3K 253 1
                                    

(Autumn POV)

Di ko na alam kung anong nangyari matapos akong patulugin ni Hyung. Waahhh ang sama niya talaga. Pasalamat sila di ako lumaban. Kung wala lang yung apat na yun baka bali bali na buto nilang walo ngayon.

Friday na pala at ngayon ang performance namin. Bale yung prinactice namin ay inabot din ng 8 minutes. Binago kasi nila. Tss gusto daw muna nilang iparinig mga golden ehem voice ehem nila. Kakanta daw sila ng Miracles in December ng EXO. Diba parang malungkot yung kanta na yun. Parang timang lang sila eh. Dapat sana yung lively na kanta yung kinakanta nila.

Pero dahil favorite ko yun pumayag ako basta ako ang kakanta tuwing chorus. Pumayag sila sa isang kondisyon. Di daw ako pwedeng makitang kumakanta kasi daw malalaos sila. Mga tanga lang. Pag talaga nag isip sila minsan di ko alam kung mas matanda ba talaga sakin.

**

Natapos naman yung performance namin. Song and dance number. Puro tilian at kung ano anong kalandian na naman ang nakapaligid sakin amp*tek.

Maski sila Hyungs naaalibadbaran na sa sobrang ingay at tili ng paligid. Di na nga ata sila nakinig sa program tsismis dito tsismis doon tungkol sa performance namin.

Niyaya ko na sila hyung na umalis pero ayaw pa nilang umalis. Tss bahala kayo. Hinigit ko na lang si Mimi at si Iki para naman may kasama ako. Si Mimi nga ayaw umalis sa tabi ni Nathan hyung baka daw kasi may sumulot. Tapos  pati si Iki ayaw ding umalis dahil ayaw iwan si Kai hyung.

Ano ba talaga sila?? Diba lagi silang nagtatalo bakit ngayon para na silang lintang di mapaghiwalay which is really weird.

Akala ko sumunod sakin yung dalawa. P*tek hindi pala. Itali ko kaya sila sa dalawang lalaki na yun!. Ay hindi baka matuwa pa yung dalawang gaga. Tss

Lumakad na lang ako papunta sa rooftop i need fresh air and peace. Siguro naman walang maingay sa rooftop kasi pag meron makakapatay ako. I swear.

Pagpasok ko sa rooftop walang tao. Buti naman kung ganun. Umupo ako sa gilid at natulog. Wala eh ganun talaga. Once na gusto kong matulog, matutulog ako kahit saan pa ako abutan ng antok.

Naalimpungatan ako nung naramdaman kong may nakatingin sakin. Malakas ang sense ko kahit pa tulog ako.

"hey"- Raikoo

"oh ikaw pala. Kala ko naman kung sino na nakatingin sakin."- ako

"pinapanood lang naman kitang matulog."

"eh. Bakit naman??"

"ang ganda mo eh." tss bola. Bolahin mo lolong mo.

"sana pinicturan mo na lang ako. Pag nalusaw ako mawawalan ng maganda sa mundo."

"ikaw na maganda."

"alam ko di mo na kailangan pang ulitin."

"alam mo ba crush kita"- Raikoo. So crush na nya ako. Well my plan works well na.

Revenge of the Gangster's TwinOù les histoires vivent. Découvrez maintenant