fifty four**

7K 176 1
                                    

(Third person POV)

Maagang nagtipon tipon ang mga studyante sa gym na uni dahil ngayon ang hinihintay nilang sports fest. Medyo badtrip pa din si Winter dahil na din sa nangyari sa kanila ni Cassey kahapon. Pero dahil sa mahilig siya sa sports ito ang nagpagaan ng loob niya. Medyo naalibadbaran nga lang siya dahil sa kung saan niya gustong sumali doon din sasali si Cassey na para bang nakikipagkompitensya sa kanya.

Samantalang kanya kanya din ng sali ang mga shadow. Students were divide into ten teams. Ang shadow members, pati na din sila Ren, Roo, Ralph, Raikoo, Rina at Cassey ay sama sama sa Red Team. Other teams are Yellow, White, Black, Green, Blue, Orange, Brown, Violet, and Pink.

Kasama sa basketball team sila Sean, Sian, Nathan, Sky at Glen. Habang sa volleyball naman Sila Thunder, Kevin, Ryuu, Rhon, Tim at Leo. Habang si Kai ay nagsarili sa darts.Sila Ren, Roo, Ralph at Raikoo naman ay kasama sa soccer team. Si Rina naman ay sumali sa Table tennis singles. Sa kasamaang palad magkasama sa Volleyball girls si Winter at si Cassey.

Nakaabot lahat sila sa finals ngunit mas naunang natapos ang laban ng soccer kaya naisipan nila Raikoo na manood ng laban nila Winter at Cassey. Noong una maayos naman ang laban. Laging nakakascore si Winter dahil sa pamatay niyang spike na walang makasalo mula sa mga kalaban. Best of five ang finals at panalo na ng dalawa sila Winter isa na lang at sila na ang champion sa volleyball girls.

Nagserve ang kateam nila Winter ng bola nasalo naman ito ng kalaban at nagform sila ng play. Maagap sanang iboblock ni Winter ang bola ng biglang humarang si Cassey kaya hindi niya nablock ang bola at natouch nito ang court. Nagkapuntos ang kalaban dahil dito. Hindi alintana ni Winter ang puntos dahil mas iniinda niya ngayon ay ang sugat ng kamay niya. Nakalmot siya ng kuko ni Cassey which is sinandya nito dahil mayroong blade ang kuko nito. Malalim ang hiwa sa braso ni Winter pero hindi niya ito pinansin at tinalian na lang ng towel. Naagaw naman ang atensyon ng lahat ng biglang umiyak si Cassey dahil may dugo ang kamay nito. Nagpanic ang lahat at wala ng nakapansin sa kamay ni Winter na binalutan niya ng puting towel pero ngayon kulay pula na dahil sa dugo.

"Raikoo help me My hand is bleeding." pekeng pag iyak ni Cassey kaya nilapitan siya agad ng apat para dalhin sa clinic.

Pagdating nila sa clinic hinugasan ang kamay nito ng nurse ngunit walang nakitang sugat. Gayon na lang ang pagtataka ng lahat kung papaanong nagkaroon ng ganun kadaming dugo ang kamay nito pero wala naman itong sugat.Pinagpahinga na lang ng nurse si Cassey sa clinic dahil na din sa naghehysterical ito dahil sa nabaling kuko. Hindi naman siya maiwan ng apat dahil na din sa nag aalala sila dito. Tila ba nawaglit na sa isip nila si Winter at nakay Cassey lang ang atensyon nila.

Sa kabilang banda pumunta na lang si Winter sa field dahil doon walang tao. Nilabas na niya mula sa bag niya ang medicine kit niya. Binuhusan niya ng alcohol ang nagdudugong sugat kaya naman napakagat na lang siya sa ibabang parte ng labi niya para mapigilan ang pagsigaw sa sobrang hapdi. Matapos niyang linisin ang sugat niya ay nag inject siya sa sarili niya ng pampatigil ng pagdurugo at anesthesia bago tahiin ang mahabang sugat sa kamay. Pagkatapos niyang matahi ang kamay ay kumuha na siya ng betadine para panggamot sa natamong sugat. Binalutan niya ng gasa ang sugat at sinicure gamit ang medical tape. Nagsuot siya ng jacket para walang makahalata sa gasa sa kamay niya. At naglakad siya pabalik sa gym na para bang walang nangyari.

Lingid sa kaalaman ni Winter ay may isang studyante na nakakita ng ginawa niya. Ito ang founder ng fans club niya sa school at talagang naawa at nalungkot ito sa sinapit ng dalaga. Nakuhanan niya ang buo at actual na paggagamot ni Winter sa sarili at dali dali niya itong iniupload sa site ng club nila. Mabilis na kumalat ang balita dahil na din sa halos lahat ng kalalakihan ay kasapi sa fans club niya. Maraming naawa at nakisimpatiya kay Winter. Marami ding nagalit sa may gawa noon kay Winter dahil sinaktan nito ang campus princess nila.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now