thirty three**

9.9K 211 32
                                    

(Winter POV)

Ngayon ang araw na uumpisahan na namin ang shifting sa pagluluto. Si Ralph ngayon breakfast. Nagluto siya ng egg roll at ramen. Take note na siya mismo gumawa ng noodles dahil ayaw niya sa mga instant na pagkain. Bakit ganun ramen at egg roll lang yun pero ang sarap. Napakaunfair talaga bakit ang sarap ng luto niya. Si Weiwei nga todo puri tss gusto lang ng refill pasimple pa.

--

Nung tanghali naman si Raikoo ang nagluto. Nagluto siya ng Beef Caldereta at Crispy Chicken wings. Well okay naman.

Pasado na luto niya.

Mapapagtiyagaan na.

Makakain naman.

Di naman ganun kasama ang lasa.

Oh sige na aamin na masarap siya magluto sobra.

Nakakainis nga kasi Inubos nila yung Caldereta konti lang tuloy nakain ko. Syempre mag iinarte muna ako pero langya di nila ako pinansin kanya kanya silang lamon. Pati si Clyde nagkaroon ng sariling mundo sinolo ang isang bowl ng chicken wings.

--

Nung gabi si Ren naman ang nagluto. Waahhh grabe wala na akong masabi sa kanila bakit silang magkakaibigan masasarap magluto. Nasan ang hustisya sa mundo.

Nagluto si Ren ng fish fillet with asparagus. Heaven pwede ko na siyang ihired na private chef ko. Todo papuri ako sa kanya. Lalo na si Leo hyung ayaw na niya ngang ipakausap samin si Ren. Sinolo ng putek mag uusap daw sila tungkol sa pagkain.

**kinabukasan..

Dooms day naba?? Napuno lang kasi ng usok ang kusina.

Kawawa yung bacon naging uling. Yung hotdog naman nadulok. Yung itlog di ko mawari kung itlog nga ba yun. tapos ang masaklap yung fried rice may buong sibuyas at carrots. As in buo di man lang hiniwa ano to pagkaing baboy??

"Mimi sure kang papakain mo samin to?"- sabi ko

"Uhm best is it edible?"- Min wei

"Mimi pagkain ba talaga to?"- Iki

Kaming tatlo lang ang nagreact kasi silang lahat tulala pa din. Di nakaget over sa usok sa kusina na pollute ata mga utak nila.

Walang gumagalaw ng pagkain nagulat na lang ako ng magsimulang kumain si Nathan hyung. Waaaahhhh no choice kumain na kami.

pwee ang sama ng lasa. Nagsisisi ako at kumain pa ako. Si Clyde baby di nakaya nag cereal na lang.

--

Ngayong tanghali si Iki naman. Nagluto siya ng nilagang baboy na nilagyan ng bahay kubo. Pano ko nasabi?? Lahat na lang ata ng gulay sa bahay kubo sinama niya. Nagmukha tuloy pakbet pero pinipilit niya nilagang baboy daw yun.

Tapos si Kai hyung unang kumain sabi niya masarap daw pagtikim ko sobrang pait. Ampalaya ata yung nalasahan ko.

"Bash bakeeeeettt ang bitter mo." tanong ko

"waahh bash di ko din alam bakit naging bitter alam ko hinaluan ko yan ng sugar para sweet."- Iki

"Anong kulay nung asukal na hinalo mo?"- Mimi

"Color black. Nagtataka nga ako kasi alam ko kulay ng sugar white at brown pero keri lang kaya nilagay ko na."- Iki

"Bash kape yung nilagay mo. Sana man lang nilagyan mo ng creamer para di masyadong mapait."- sabi ko

"Sige bash next time lagyan ko ng creamer pati na din gatas para all in one. May nilagang baboy na tas may pakbet pa tsaka instant coffee na din. Lahat lahat nasa isang putahe."- Iki

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now