EPILOGUE **part one

8.6K 157 8
                                    

"Let's all pray for the soul of our beloved one who is now at our father's paradise. Amen." huling salita ng pari na nagbebendisyon sa kabaong sa loob ng Garden of Souls Cemetery.

Kumpleto ang labing dalawang miyembro ng Shadow. Pati na din si Raikoo, Ren, Ralph, Rina, Min wei, Jimei, Andrei, Miyuki, Elise, Yeolum, Mikaella, Mimi at maging si Cassey.

Maraming mga taong nagsidalo na nakakulay itim at puti. May mga luha at bakas ang labis na lungkot sa kanilang mga mukha. Mula ng matapos ang bangungut nila 2 months ago akala nila makakaligtas ito. Dalawang buwan itong nakipaglaban sa hospital. Ngunit sumapit din ang araw na hindi na kinaya ng katawan niya ang labis na paghihirap.

Nagsimula ng ihulog ang kabaong sa hukay. Isa isa na ding nagsi alisan ang mga tao maliban sa barkada. Tila ba hanggang ngayon hindi pa din nila matanggap ang lahat.

"Maraming salamat sa lahat. Tinuring mo kaming kaibigan, kabarkada at kapamilya. Hindi man ganoon kaganda ang naging samahan natin alam kong totoo ka sa mga panahon na yun. May mga pagkakataon talagang nahaharap ka sa pagsubok. At naging matatag ka dahil doon pero kinuha ka na ni lord. Kinuha ka na niya samin." umiiyak na sabi ni Thunder.

Nagsimula na ding magbigay ng kanilang huling mensahe ang iba. Puno ng luha ang bawat mensahe nila para sa isang kaibigan. Kaibigang nakasama nila sa pagharap sa isang masalimot na yugto ng kanilang buhay.

Huling lumapit si Cassey sa hukay. Tahimik ang bumalot sa lahat. Alam nilang kung may isang taong mas nasasaktan sa mga nangyayari ay si Cassey ito. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa naganap two months ago mula noong nagising siya last month. Ngayon sinisisi pa din niya ang sarili niya dahil sa pagkamatay ng isang taong hindi man lang niya nahingan ng patawad.

"Okay i think this is really awkward" bungad niya na may basag na tinig."Pero still i want to say my sincere sorry for everything that I've done. Kung binuksan ko lang sana ang puso at isip ko tulad ng sinabi mo sakin siguro masaya tayo ngayon. Kung maibabalik ko lang sana ang mga oras na nagkasama tayo magiging mabuti ako promise yan. Kaya lang nasa huli nga ang pagsisisi." natigil siya at bigla na lang napahagulgol."Sorry. sorry talaga. sorry sa lahat lahat. Patawarin mo sana ako." Napatigil ulit siya at tumingin sa kabaong bago ihulog ang hawak niyang bulaklak."Sorry Kuya." at tuluyan na siyang napaluhod sa lupa habang patuloy na umiiyak.

Kung naguguluhan kayo kung anong nangyari?? Lets flash back the day after ng nangyaring laban.

flashback**

Dinala nila ang tatlong malubhang sugatan sa hospital ng mga Jansen. Matapos ang ilang oras nailabas na si Cassey sa ER pero comatose pa din ang dalaga. Habang si Winter naman ay sinusubukang iligtas ng mga Magagaling na doctor ng kanilang Clan. Hindi nila maalis ang lason sa katawan nito kayà nilagyan na lang nila ang dextrose nito ng gamot na pampalakas at pampatibay ng katawan. Ito na lang ang tanging paraan na magagawa nila.

Sa kabilang banda kritikal din ang lagay ni Roo dahil ang sugat na natamo nito ay tumama sa liver at kidney niya. Tumulong si Thunder sa paggamot sa kanya ngunit masyadong delikado ang operayon na naganap.

Sabay na inilabas sa ER ang dalawa at dinala sa ICU ng nasabing ospital. Patuloy pa din sa pagtuklas kung ano ba ang maaaring pantanggal ng lason sa katawan ni Winter.

**one month after still flashback..

Nagising si Cassey mula sa isang buwan na pagkacoma. Sinabi sa kanya ng assigned nurse ang kalagayan ng kuya niya at ni Winter kaya ang sarili niya ang sinisi niya.

Humingi siya ng tawad sa lahat pero galit pa din sa kanya ang mga ito. Ngunit hindi kalaunan napatawad na din nila si Cassey sa sincere nitong paghingi ng sorry at para hindi na din nito sisihin pa ang sarili.

**another one month after..

Nagulo ang lahat ng nagising si Roo mula sa pagkacoma nito. Mahahalata mong nanghihina ang katawan nito dahil na din sa natamong saksak at mga sugat.

Kumpleto ang Shadow ng mga oras na yun sa loob ng hospital kaya agad nila itong pinuntahan. Pinaalam din ni Thunder kay Ralph, Ren at Raikoo na nagising na ito. Ang tatlo na din ang nagsabi kay Cassey na nagising na ang kapatid na ng mga oras na yun ay nasa Singapore kasama ng Ina. Agad itong nagbook ng flight para makauwi at makita ang kapatid.

Pagkadating nila Ren, Ralph at Raikoo sa hospital nasa loob ng room ni Roo ang lahat ng Shadow. Walang nagsasalita sa kanila. Awkward silence ang namamagiran sa lahat dahil na din sa nagawang pagtataksil noon ni Roo. Pero alam nila sa mga sarili nila na pinatawad na nila ito. Si Cassey nga napatawad nila si Roo pa kaya na napilitan lang para sa kapatid.

Naputol ang katahimikan ng magsalita si Roo.

"H-hyung..... pa-patawarin n-niyo sana a-ako." nahihirapang sabi nito. "Oo noong u-una n-nakikisama lang a-ako pero noong n-nakilala ko n-na kung sino t-talaga kayo i swear totoo a-ang mga pinakita ko. Tinuring k-ko kayong mga na-nakatatanda k-ong kapatid. Ma-mabubuting kaibigan. S-sorry kung n-nilagay ko kayo sa a-alanganin. S-sorry kung n-nadamay kayong lahat. Sana p-patawarin niyo ako." hirap na hirap na sabi nito habang patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mukha.

"Matagal kana naming pinatawad Roo kaya sana magpagaling kana." mahinahong sabi ni Ryuu sabay pat sa kamay nito.

"B-brad patawarin n-niyo ako sa panloloko k-ko sa i-inyo. Ma-matatalik ko kayong k-kaibigan pero n-niloko ko kayo. R-Ralph pa-patawarin mo ako kung fi-nrame up kita. S-sana m-mapatawad niyo din a-ako." ani Roo habang pautal utal at hirap magsalita.

"Hindi naman kami galit sayo Roo. Hindi ako magagalit sa bestfriend ko. Kaya magpalakas ka ha. Babawi ka pa saming tatlo." umiiyak na sabi ni Ralph sabay yakap kay Roo.

"S-salamat sa i-inyo. Paki-pakihingi a-ako ng tawad k-kay W-winter. Ma-mapapanatag na d-din ako." sabi ni Roo kasabay ng pagtunog ng aparato na nakakabit sa katawan niya.

Agad siyang nilapitan ni Thunder at nilapatan ng lunas pero binawian na siya ng buhay. Kasabay ng pagtakip ng tela sa mukha ni Roo dumating ang humahangos na si Cassey.

"K-kuya?? Anong nangyari sa kuya ko?" tanong niya sa kanila pero iling lang ang sinagot nila habang umiiyak.

"Huwag kayong magbiro ng ganyan. Kuya *sob* bumangon ka dyan. Nagbibiro lang sila diba *sob*. Kuya paano *sob* na kami ni Mama *sob*. Please kuya gumising ka. Kuya *sob* . Kuya patawarin mo ako *sob*"

end of flash back**

Matapos ang libing ni Roo dumiretso sila sa hospital. Daily Routine na nila ang pagbisita kay Winter na tila ba wala ng buhay. Maputla na ang balat nito maging ang nga labing mapupula ngayon ay wala ng kulay. Namayat na din ang katawan nito na tila ba sumusuko na.

Sa loob ng dalawang buwan walang tigil si Thunder sa pag imbento ng gamot na makakapag alis ng lason sa katawan nito. At sa loob ng dalawang buwan na yun lagi na lang siyang umuuwing nanlulumo.

Umuwi na din sa kanya kanya nilang pamilya ang lahat. Wala ng gustong tumira sa mga tiniran nilang bahay dahil puro alaala nito ang kanilang nakikita.

Si Raikoo naman ay tinuloy ang naudlot na training. Bahay-hospital- hideout ang naging mundo niya. Sinisisi din niya ang sarili dahil hindi man lang niya nagawang tulungan ang babaeng pinakamamahal niya.

Sa bawat araw na dumadaan unti unti na nawawala ang pag asa nila. Lalong lumalala ang lagay ni Winter. Kahit mga experto sa lason walang magawa. Pati mga magulang nila ay pumunta na sa iba't ibang bansa para humanap ng panlunas ngunit hanggang ngayon wala pa din silang panlunas.

"Winter please magpakatatag ka. Konting panahon pa." sabi ni Raikoo habang tanaw si Winter sa labas ng bintana ng kwarto nito.

_____________________________________

ceikret

Hinati ko po yung epilogue into three parts.. mianhe

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now