fifty two**

7.7K 173 3
                                    

(third person POV)

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa din mahanap ng shadow ang mga kaibigan nilang nawawala. Abala si Leo at si Kevin sa paghahanap kay Elise. Habang si Nathan at Sky naman ay nasa States pa din at abala sa paghahanap kay Mimi. Si Ryuu naman ay sinamahan na ni Glen sa paghahanap kay Yeolum. Habang si Winter at Kai naman ay kay Iki. Tinulungan naman ni Thunder si Rhon para sa pagtrack ng kailangan nilang informations. Habang ang limang natitira ay pinoprotektahan ang hindi mga miyembro ng shadow.

Nagdududa na din si Rhon sa system ng shadow ngunit di niya pinapahalata sa mga kasama. Tanging siya at si Winter lang ang may alam nito. Nag umpisa na siyang magduda sa mga kasama sa bahay. Ngunit sino sa kanila?? Di niya magawang magbintang sa shadow members dahil matagal na niyang kakilala ang mga ito ngunit ang mga members lang ang nakakaalam ng password ng system. Wala namang kahina hinala sa hindi mga members kaya hindi na niya alam kung sino ba ang gustong magpahamak sa kanila. Sigurado na siyang hindi si Winter at Kai. Hindi din si Sky at Nathan. Sigurado na din siya na hindi si Leo, Ryuu at Thunder. Nahihirapan na siyang timbangin ang trabaho niya sa mga kaibigan niya. Paano kung isa palang shadow ang ahas? Ano ng mangyayari sa grupo nila. Pero paano kung hindi naman isa sa miyembro?

Paano kung isa pala ito sa lima na kasama nila sa bahay ngayon. Ngunit bakit naman sila tatraydurin ng mga ito kung pati ang mga buhay nila ay nanganganib din. Lahat naman sila magkakaibigan ngunit bakit may isa sa kanila na gustong magdala sa mga buhay nila sa panganib.

Isang linggo na ang makalipas ngunit wala pa ding progress ang lahat ng pagsisikap nila. Absent sa uni ng isang linggo ang mga wala sa bansa. Lahat sila ay sinabing ginawang exchange student para na din hindi magtaka ang mga studyante.

Ngunit isang bisita ang dumating na hindi inaasahan ng lahat. Dumating ang kapatid ni Roo galing sa Italy. Matagal na ding kakilala nila Raikoo, Ren at Ralph ito. Isa ito sa mga naging kaibigan nila. Kaya tila ba nabawasan ang problema nila pagkakita dito. Pinakiusapan nila si Rhon at Thunder na kung maaari ay doon na tumira ang kapatid ni Roo. Kahit na nagdadalawang isip pumayag na din ang dalawa dahil baka masama ito sa gulo at makuha din ng kalaban.

Nagsimula namang gumawa ng system si Rhon na lingid sa kaalaman ng lahat. Sa ngayon wala siyang tiwala sa mga tao sa paligid niya. Silang dalawa lang ni Winter ang nakakaalam nito. Naipaalam na din niya kay Winter ang pagtira ng kapatid ni Roo sa bahay niya. Katulad niya may masama na ding kutob si Winter sa bagong dating pero sinarili ito ni Winter dahil hindi pa naman niya ito nakikita at nakikilala.

Dalawang linggo na ang nakakaraan pero wala pa din silang balita sa nga nawawalang kaibigan. Isang balita ang gumimbal kay Rhon. Kilala na ng mga kalaban ang shadow. Nahack niya ang isang site ng black hawk clan gamit ang bagong system na ginawa niya at ito ang bumungad sa kanya. Dali dali niya itong ipinaalam kay Winter para na din magawan na nila ng paraan. Natukoy na din niya kung nasan ang mga nawawalang kaibigan ngunit binilinan siya ni Winter na wag munang ipaalam sa iba dahil na din sa may spy silang kasama. Napauwi na wala sa oras ang mga shadow members dahil na din sa utos ng pinuno nila.

Nang makarating ang lahat sa bahay ni Rhon isang babaeng hindi nila kakilala ang bumungad sa kanila. Naningkit naman ang mga mata ni Winter ng makitang lagi itong nakaligkis sa braso ni Raikoo. Mabuti na lang at napakalma siya ni Tim kundi nasugod na sana niya ang babae.

"guys siya nga pala si Cassey. Kapatid siya ni Roo at dito na muna siya pansamantala." ang sabi ni Thunder sa mga bagong dating.

Irap lang ang ginanti ng shadow dito dahil nararamdaman nilang hindi ito dapat pagkatiwalaan. Ngunit lahat sila ay naging tahimik at nakatingin lang kay Winter na anumang oras ay maaari ng masugod si Cassey at Raikoo. Bago pa mag init ang ulo ni Winter ay agad niyang pinapasok sa meeting room ang shadow para na din mapag usapan ang plano nila.

Revenge of the Gangster's TwinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora