ten**

15.2K 294 4
                                    

(raikoo POV)

Nandito ako ngayon sa hospital and still nasa critical na condition pa din si Ren. Bali ang isang kamay at paa niya kaya kailangang ipasemento. Masyado din nabugbog ang katawan niya kaya hanggang ngayon di pa din siya nagkakamalay.

Siya lang ang makakapagbigay linaw sakin ng mga nangyari. Madaming napatay na members ko at ayaw ko ng maulit yun. Bilang emperor kailangan kong maprotektahan ang gang. Kailangan kong malaman kung sino ang kalaban. Pero pano ko magagawa yun kung ang makakapagbigay ng linaw sa lahat ay hanggang ngayon wala pa ding malay.

"Boss kamusta na si Uno." 2

"Ganun pa din hindi pa nagiging." sabi ko sabay pakawala ng buntong hininga.

"Tingin mo boss yung anim ang may gawa nyan."-3

"Mukhang iba ang nakabangga nila. 30 ang napatay at halos lahat ng yun magaling naman makipaglaban. Isama mo pa si Ren. Rank 1 natin yan pero napuruhan."

"Anong gagawin natin ngayon. Kailangan natin silang ipaghiganti. Buti nalang di natu--" di na natapos ni dos ang sasabihin niya ng magmulat ng mata si Ren.

Dali dali kaming tumawag ng doctor at chineck kung okay na ba si Ren. Di nagtagal lumabas ang mga doctor at nailipat na sa ward si Ren.

Pagpasok namin sa room niya agad siyang niyakap ni 2 at 3.

"Wahh Ren akala ko mawawala kana."-2

"Pinagalala  mo ako alam mo ba yun."-3

"Tanga mo naman bakit di ka lumaban."-2

"Dapat di ka nagpatalo sa--" -3

"Lumaban ako kaya lang magaling siya."- Ren

Magaling siya?? Ibig sabihin isang tao lang ang may gawa nito.

"Anong ibig mong sabihin?" nagawa kong itanong.

"Tingnan mo ito." sabi niya sabay turo sa braso niya. May nakasulat dun.

"Don't mess up with Poison?"

"Siya nga. Siya lang din ang pumatay sa iba."- Ren

"Anong ibig mong sabihin?"

"Shadow. Sila ang nakabangga ng Phoenix. Di ko alam kung paano napunta dun ang Shadow. Naka black ninja attire sila at naka mask. Kung di ako nagkakamali siyam silang lahat."

"..."

"Gusto daw nilang makipaglaro. Nagpalitan sila ng salita ng Phoenix. In the end nagbigay ng deal ang Shadow. 1vs. 30 ang laban."

"Hindi nga 1 vs. 30?" singit ni 2

"Tumahimik ka nga muna." sabi ni 3 sabay batok kay 2.

"Tuloy mo."- ako

"Minaliit ng Phoenix yung deal kasi nga 30 sila, madami. Pinapili din ng Shadow kung sino sa kanila ang lalaban. Ang pinili ng Phoenix ay yung maliit na payat. Boses babae. Sinabihan pa ng weak ng Phoenix kasi payat nga lang. Pumuwesto siya sa pagitan ng 30 na gangmates natin. Bago mag umpisa ang laban. Sumigaw yung napili ng HEAL ORASAN MO tapos nagsalita yung Heal."-Ren

"..."

"Ang sabi niya NE POISON. Dun na nagsimulang kabahan ang Phoenix. First time na sasali sa laban ang leader ng Shadow. Wala pang nakakakita satin kung paano siya makipaglaban kasi nga di ba members lang niya ang kumikilos. Nagsimula ang laban. Para siyang lumulutang sa ere. Kasabay ng pagbaba niya sa lupa ang pagbagsak ng 30 sa lupa at lahat ng yun wala ng mga  buhay."

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now