fifty one**

8.2K 174 14
                                    

(third person POV)

Pagdating nilang lahat sa bahay ni Thunder naabutan nila ang bahay na magulo at sira ang mga gamit. Agad naging alerto ang shadow at hinalughog ang buong bahay sa pag aakalang nandoon pa ang may gawa noon. Napuno naman ng takot ang itsura ng mga hindi miyembro ng shadow. Samantalang si Winter ay tila ba nag iisip na parang may mali sa mga nangyayari.

"Oww sh*t." sigaw ni Winter kaya lahat ng atensyon napunta sa kanya.

"Bakit dongsaeng?" puno ng pag aalala na sabi ni Thunder sa kapatid.

"Si Elise. Sh*t hanapin niyo si Elise." puno ng otoridad na sabi ni Winter kaya agad kumilos ang shadow. Pagkasabi noon ni Winter naalala ng lahat na naiwan nga pala ang dalaga dahil masakit ang ulo nito. Ayaw naman nitong magpasama sa kanila dahil nga susunod din daw ito sa uni pero hindi naman nakasunod.

Hinalughog ng lahat ang buong bahay maging ang buong subdivision para mahanap si Elise ngunit hindi nila ito makita. Lalo silang nag alala dahil na din sa kalagayan nito na pabago bago ang ugali at makakalimutin. Inabot sila ng gabi ngunit ni bakas ni Elise ay wala silang nakita. Nagtipon tipon sila sa bahay para malaman kung may nakahanap na dito ngunit lahat sila ay bigo.

"Kasalanan ko ito kung pinilit ko na lang sana siya na magpaiwan ako hindi sana mangyayari ito." paninisi ni Leo sa sarili.

"No wala na tayong oras para magsisihan. Rhon hyung tingnan mo ang cctv ng buong bahay para malaman natin kung ano ba talaga ang nangyari." sabi ni Winter.

Gayon na lang ang lungkot at pag aalala sa mukha ng lahat habang pinapanood ang pagdukot ng black hawk clan kay Elise. Nanlaban ang dalaga kaya sinaktan pa ito ng mga dumukot sa kanya. Iyak ng iyak si Rina habang pinapanood ang Unnie niya na nahihirapan. Puno naman ng galit ang mata ng shadow dahil sa ginawa ng mga dumukot sa dalaga. Naikuyom na lang ni Winter ang kamao niya dahil sa labis na ang ginawa ng mga kalaban sa kaibigan. Walang kaawa awa itong binugbog at sapilitang sinama. Puno na ng dugo ang mukha at katawan nito pero patuloy pa din ito sa paglaban at pag gapang palayo sa mga gustong dumukot dito. Panay ang sigaw nito ng tulong at ng pangalan ni Leo.

Nagulat ang lahat ng biglang sinuntok ni Leo ang vase sa tabi niya na naging dahilan ng pagkabasag nito.

"Kung nandito lang sana ako. Sana naipagtanggol ko siya. Sana hindi siya nasaktan ng ganito. Kahit naman loka loka ang babaeng yan hindi ko naman gugustuhin na may mangyaring masama sa kanya. Tang** ang tanga tanga ko. Nasaktan siya dahil di ko siya naipagtanggol." sabi nito habang humahagulgol.

Nagsimula na ding umiyak ang lahat maliban kay Winter na nag aapoy sa galit ang mga mata. Tila ba nakikita niya si Autumn sa sinapit ni Elise. At hinding hindi niya mapapayagan na may mangyari ulit na ganito. Pinalipat niya ang lahat sa bahay ni Rhon dahil mas maganda ang security sa bahay nito. Inutusan na din niya si Rhon para malaman kung nasan ang kinaroroonan ni Elise.

Inabot na ng hating gabi ngunit walang makuhang lead si Rhon. Tila ba may kung anong humaharang sa kanya para malaman ang kinaroroonan ni Elise. Dahilan ng lalong pagpanic ng lahat. Ngayon lang hindi makatrack ng information si Rhon which is kahina hinala. Magaling ito sa technology ngunit bakit hindi niya mahanap ang kaibigan.

Sinabi ni Rhon kay Winter ang nangyari kaya parang napaisip din ang dalaga. Naisip nilang dalawa na baka may isa silang spy ng kalaban na kasama na siyang pumipigil para makakuha sila ng information. Ngunit ang tanong sino?? Sino ang spy?? Sino ang ahas na siyang magpapahamak sa kanila.

12:30 ng madaling araw. Hindi pa din sila natutulog dahil na din sa lahat gustong mahanap si Elise. Nagulat na lang ang lahat ng biglang magring ang phone ni Ryuu. Sinagot naman ito agad ng binata kaya nanatiling tahimik ang lahat at ang boses lang nito ang naririnig sa buong sala.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon