fifty three**

7.5K 168 1
                                    

(Winter POV)

It's monday at as usual kailangan ko na namang pumasok sa uni. Kahit naman madami na kaming problema hindi naman pwedeng hindi pumasok dahil magdududa ang iba at mas delikado para samin yun. Pagpasok ko sa Uni todo bati at welcome sila sakin. Hindi ko kasabay sila hyung dahil nga umuwi ako samin. Hindi ko kasi maatim na makita ang itsura ng pugita na yun. Eh halata naman na puro surgery lang ang mukha niya, hindi tulad ko pure natural. Nababanas lang talaga ako pag nakikita ko silang magkalapit ni Raikoo. Para kasing tuko yung pugita na yun sarap ibalik sa dagat na pinanggalinggan niya.

Pagpasok ko sa room. Wow lang ha. Talagang pati upuan ko inangkin na niya. Oh well upuan lang naman yun at wala akong pakialam. Naghanap na lang ako ng bagong upuan at kung mamalasin ka nga naman oh. Sa tabi pa ako ni Andrei napadpad pero okay na din ito kaysa naman makatabi ko ang pugita na yun. Yuck duh di ko matitiis na makasama yun baka mapatay ko pa siya dahil di naman siya kawalan.

"Gyoul baby nakabalik kana pala." masiglang sabi sakin ni Andrei. Napatingin naman samin si Raikoo. Tss bahala ka mamatay ka sana sa selos.

"Ah yah. Nung friday pa." nakangiting sabi ko. I make sure na napakatamis ng ngiti ko. Dahil sa ngiti na yun nakukuha ko ang gusto ko.

"Waahh Gyoul baby talaga bang nginitian mo ako. Ikaw ba talaga yan ha." sigaw niya sakin kaya lahat ng kaklase namin samin na nakatingin. Oh just great.

"Hindi. Hologram ko lang ito. Wala talaga ako dito. Seriously Andrei masama bang ngumiti. Maganda lang talaga ang gising ko." sabi ko pa din sa kanya na nakangiti.

On the side of my eye nakita ko na shock ang itsura nila Ren, Roo at Ralph. Habang si Raikoo naman ay nakakunot ang noo. I think i like this game already.

Natapos ang buong araw na lagi lang ako natutulog. Noong lunch break pinambili ako ng pagkain ni Andrei. Now i know what's his worth. Sila hyung naman inutusan kong magmanman sa buong uni kaya hindi sila nagpakita sakin maghapon.

Pauwi na sana ako ng bigla na lang akong harangin ng isang pugita. Yeah right this Cassey girl ang may ganang humarang sa dyosa.

"We need to talk." bungad niya sakin. Anong akala niya masisindak niya ako. Kahit na kapatid pa siya ni Roo mapapatay ko siya pag ako sinagad niya.

Imbis na magsayang ng laway sa pakikipag usap sa kanya kuha na lang ako ng isang libo sa wallet ko at binigay sa kanya. Nakita ko namang tumaas ang kilay niya. Oh well guhit na nga lang ata ang kilay niya. Aba nahiya pa siya at nagtira sana sinagad na lang niya at inahit lahat hiyang hiya naman ang nakakakita sa guhit na kilay niya.

"Aanhin ko to aber?" mataray na sabi niya sakin habang hawak ang perang binigay ko.

"Pambili mo ng kausap. Nakakaawa ka naman walang kumakausap sayo. Trying hard ka kasi masyado. Alam mo teh payo lang siya din namang hindi ka kagandahan aba eh lumayo layo ka sakin kasi nagmumukha kang basahan. No offense okay pero I'm just telling the truth." sabi ko sa kanya with my famous smirk. Lalong tumaas ang kilay niya. Nakikipagpataasan ata sa mt. everest kaya pinipilit niya itaas lalo ang kilay niya. Ano yun gusto niyang masungkit ang world record.

"How dare you. Excuse me lang noh di hamak naman na mas maganda at sexy ako sayo." aba eh kay kapal pala ng mukha ng babaeng ire. Sarap lihain ng mukha. Kaya lang di ata pwede papel de liha dito. Igrinder ko na lang kaya what yah think??

"Alam ko namang insecure ka sa beauty ko coz its pure natural. Unlike you puro surgery. Hindi pa ba nabanat ang mukha mo sa sobrang daming surgery na natamo mo?? I pity you. Mahirap naman talaga kung natural ka ng pangit. Kaya nga payo lang pag nakikita mo na akong parating lumayo kana kasi natatalbugan lang kita, lalo ka tuloy pumapangit." sabi ko sa kanya with a smile.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now