thirty four**

8.8K 204 0
                                    

(Heal POV)

Nagising ako na masakit ang katawan ko at puro puti ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Pero bakit sa langit ako napunta?? Madami na akong napatay kaya di ako tatanggapin sa langit.

"Thunder gising kana pala"

"San Pedro ikaw ba yan??" sabi ko

"Taena ka Thunder nabugbog ka lang pati utak mo naalog?"

"Sino ka ba si satanas?"

"Putek oh. Kami to. Ako si Ren at hindi si Satanas."- Ren

"Oh kayo palang tatlong ugok haha kala ko nasa langit na ako eh."- ako

"pinadala ka ngayon dito sa hospital ni Winter kasi nga limang araw ka ng di nagigising."- Roo

"Nasan yung iba?"- tanong ko

"Ang alam namin bumalik ang Shadow sa Korea. Si Min Wei at Mimi naman nagshopping kasama si Rina. Tapos si Clyde at Miyuki pumunta daw sa Auntie niyo hinatid sila ni Raikoo."- Ralph

"Si Winter nasan?"

"Naiwan sa mansion si Winter."- Ren

"tara uwi na din tayo sa Mansion ayos na pakiramdam ko." tatayo na sana ako nung pigilan ako ni Roo.

"Malakas ang ulan patilain muna natin."- Roo

Pagkasabi niya nun biglang nagfunction ang utak ko. Sh*t malakas ang ulan at nag iisa sa bahay si Winter. Taena problema ito.

"Sh*t tawagan mo si Raikoo kailangan niyang umuwi agad bago mahuli ang lahat."

"bakit anong nangyayari kumalma ka muna pwede ba."- Ren

"Si Winter hindi siya pwedeng maiwan ng umuulan ng malakas. Kailangan mo siyang ikulong bago niya mapatay lahat ng tao na makakasalubong niya. Sh*t kanina pa ba umuulan?? Baka napano na si Winter. Hindi niya makontrol ang sarili niya pag umuulan."

"Wait tawagan ko si Raikoo."- Ralph

Lumabas si Ralph para tawagan si Raikoo. Sana umabot ka Raikoo. Ayaw kong umabot sa puntong madami siyang mapatay tulad noong araw na namatay si Autumn.

end**

(third person POV)

Pagkatapos tawagan ni Ralph si Raikoo bumalik ito sa kwarto ni Thunder para sabihin na papunta na si Raikoo sa mansion.

Kinuwento na din ni Thunder sa kanila ang nangyari noong araw na namatay si Autumn.

flashback**

Pagkalapag ng private plane sa hideout ng Red blood Clan agad na dinala ni Winter si Autumn sa likod ng hideout. Umuulan noon ng malakas at kumukulog din at kumikidlat. Nilapag ni Winter si Autumn sa ilalim ng puno kung saan sila laging nakaupo at doon na nag umpisa ang lahat.

Naipon lahat ng galit at hinanakit ni Winter. Hindi na nya nakontrol ang sarili niya lalo na ng nakita niya ang wala ng buhay na katawan ni Autumn. Sa isang iglap nakapasok na sa hideout si Winter at nilabanan lahat ng mga assassin na nagtatraining doon. Lahat ng madaan niya pinapatay niya ng walang awa. Sinubukan siyang pigilan ng lahat ng mga assassin doon pero lahat sila napatay niya walang natira kahit na isa.

Nagsidatingan din ang ibang mga assassin ng clan nila pero lahat sila natalo din niya. Lahat ng iiwanan niyang katawan ay wala ng buhay. Hanggang sa dumating na din ang shadow at nakita ang lahat ng mga kasamahan nila na wala ng buhay. Kahit na di sila pinasunod ni Winter sumunod pa din sila. Maging sila walang nagawa kay Winter. Hindi nila ito matalo kahit na magtulong tulong silang lahat.

Hanggang sa dumating ang Pinuno at napatulog niya si Winter. Pero paggising ni Winter hindi na niya maalala ang lahat. Sinabi sa kanya ng shadow ang mga nagawa niya at nakiusap siya na kapag umulan ulit ikulong na lang siya sa isang kwarto para di na ulit makapatay ng mga taong walang laban at walang kasalanan.

end**

(Heal POV)

"Ibig sabihin yung Poison na nakita na namin ay hindi pa totoong lakas ni Winter?"- Ren

"Oo. Lahat kami natalo niya ng walang kahirap hirap. Daan daang walang buhay na katawan ang nagkalat sa hideout ng panahon na yun. Lahat sila mga assassin na kasapi sa Clan. Dahil sa pangyayari na yun kumonti ang assassin ng Clan pero kinatakutan pa din ang Clan namin dahil kay Poison." paliwanag ko sa kanila. Parang hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Parang nabalitaan ko na dati ang pagkamatay ng daan daan na assassin sa isang iglap lang. Si Winter. Siya ba yun?"- Ralph

"Oo siya ang may gawa nun. Pero hindi pinalabas ng pinuno kung sino ang may gawa. Yun na din ang dahilan kung bakit ako ang laging kasama ni Winter sa mission dahil pag di na niya makontrol ang sarili niya papatulugin ko na lang siya." -ako

"Taena bakit pinapunta mo dun si Raikoo. Pano kung siya ang mapatay ni Winter."- Roo

"Hindi siya papatayin ni Winter. Si Raikoo lang ang makakapag pakalma kay Winter. Dahil kung tayo ang pumunta doon malamang hindi na tayo sisikatan ng araw."- sabi ko.

"Pano mo nasisiguro yan? Kaibigan natin ang mapapatay pag nagkataon."- Ren

"Magtiwala tayo sa kanila problema lang niyan siguradong wala na tayong bahay na mauuwian pag di agad nakadating si Raikoo."

Sana nga Raikoo. Sana matulungan mo si Winter. Sana umabot ka at mapabalik mo sa normal si Winter bago siya makapatay ng mga tao na makakasalubong niya.

end**

(Raikoo POV)

Pauwi na ako sa mansion nung biglang tumawag sakin si Ralph at pinagmamadali akong makauwi. Di ko alam kung ano ang nangyayari pero nung sinabi niya na nasa panganib si Winter agad kong binaba ang tawag at nagmadaling makauwi.

Pagdating ko sa bahay lahat sarado. Lahat ng pinto at bintana may mga harang na bakal at di ako makapasok. Inikot ko ang labas ng bahay pero wala akong madaanan. Nakarinig ako ng ingay sa loob ng bahay na lalong nagpakaba sakin. Winter hintayin mo lang ako.

Dahil wala akong choice umakyat ako sa bubong at binasag ang salamin na bubong ng veranda sa second floor. Nagmadali akong bumaba para makita si Winter at agad ko siyang niyakap.

"Winter sorry natagalan ako. Pangako ko sayo sa susunod hindi na kita iiwan ng mag isa. Pangako yan."

Nawalan ng malay si Winter at agad ko siyang binuhat papunta sa kwarto niya. Hiniga ko siya sa kama niya at kinumutan. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"wag mo akong iwan." ang narinig kong sinabi niya.

Napansin ko din na nangingnig ang katawan niya pero wala naman siyang lagnat. Umupo na lang ako sa tabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Winter ano bang nangyayari sayo. Please naman sana maging maayos kana."

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at napahiga ako sa tabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang nahihirapan siya at kailangan niya ng makakapitan. Niyakap ko na lang siya para mapanatag ang kalooban niya.

Unti unti naging mahimbing ang tulog niya. Tatayo na sana ako pero nagulat ako nung hilahin niya ako ulit at this time hindi ako sa kama bumagsak. Sa kanya ako bumagsak at hindi sinasadyang nahalikan ko siya.

Natulala lang ako sa mga nangyayari. Nagising ang diwa ko nung gumalaw ang labi niya. That moment make my body insane. Bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat paggalaw ng labi niya.

Kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko ang nangyayari pero pinigilan ko pa din ang sarili ko at pinutol ang halik. Humiga na lang ako ulit sa kama at niyakap siya.

This day the woman who stole my heart also stole my first kiss. Dahil sa ginawa mo Winter lalo lang kitang minamahal at lalo lang din akong nasasaktan pag nakikita ko siyang naghihirap. Sabihin mo lang Winter kung may magagawa ako para malagpasan mo ang paghihirap na ito. Kahit ano gagawin ko basta wag ka lang maghirap ng ganito.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα