fourty three**

9.1K 180 6
                                    

(Raikoo POV)

Nagising ako ng madaling araw ng wala si Winter sa tabi namin ni Clyde. Kaya bumangon ako sa higaan para hanapin siya sa loob ng bahay.

"Winter?" tawag ko sa kanya pagkakita ko sa kanya sa veranda.

"Bakit gising kapa Ikoo?" sabi niya sakin ng di man lang lumilingon.

"Nagising lang ako na wala ka sa kwarto." paliwanag ko at umupo sa tabi niya.

"Hinihintay ko lang na bumalik ang shadow mula sa mission na binigay ko." Mission??

"May mission ngayon ang shadow?" tanong ko sa kanya

"Oo simula na ng gyera *smirk* " bigla na lang akong nakaramdam ng takot ng makita ko siyang nagsmirk.

"Bakit di ka sumama?"

"Kaya na nila yun. Isa pa training na din nila ang pagsugod sa kuta ng kalaban. Yun ang kaligayahan nila at alam kong kaya nila ang makakalaban nila." nakangiting sabi niya.

Inaamin ko di ko pa nakitang makipaglaban ang shadow, gamit ang totoong lakas nila pero kung ang isang POISON ang leader nila malamang magagaling sila. Kung ganun lang din sana ako kagaling sana ako ang nagtatanggol kay Winter ngayon. Pero hindi eh siya ang nagtatanggol sakin. Sila ng shadow ang nagbibigay ng proteksyon samin.

"Umiinom ka ng kape ng gantong oras?" tanong ko nung mapansin ko ang isang can ng espresso roast sa table.

"Yan ang pampatulog ko. Bago ako matulog i make sure na makakainom ako ng ganyan."

"Pero diba mapait yan?" mapait naman kasi talaga yun. Pano siya makakatulog?

"Sa dinami dami ng lason na natikman ko nasanay na ang panlasa ko sa pait"

"Kakaiba ka talaga."

"i know."

Natahimik na lang kami pareho di ko alam kung pano ko siya iaapproach. Di ko alam kung pano ko siya kakausapin. Bigla na lang akong naduwag. Para sakin this is the right time to ask pero bakit nakakaramdam ako ng takot?

Bahala na its now or never..

"Winter diba sinabi ko sayong mahal kita." umpisa ko.

"Hmmm" sabi niya sabay nod.

"Pwede ba kitang ligawan? Please Winter can you give me a chance." sabi ko with a pleading voice.

"Ikoo lemme think first. I'm sorry pero love is not in my vocabulary right now. Ayaw kong magkamali ng desisyon na pagsisisihan ko. Mahirap pasukin ang buhay ko. Magulo ang mundong ginagalawan ko. Puro patayan at away ayaw kong may madamay sa kung sino man ang mga ginagawa ko. Sorry." then she left me dumbfounded. Did she just reject me?

Nung makabawi na ako pupuntahan ko sana siya pero may narinig akong nag uusap sa garden. Curiosity kills nga naman kaya nakinig ako.

"Alam kong may nararamdaman ka para kay Raikoo bakit ka nagpapakatanga." sigaw ni teka?? Si Thunder hyung yun.

"Hyung naman wag mo akong pangunahan. It's for the best." sigaw pabalik ni Winter.

"Winter ayaw kong matulad ka sakin na kung kailan handa na ako saka pa nawala. Ayaw kong danasin ng nag iisa kong kapatid ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaya please Winter wake up." pagalit na sabi ni Thunder. Ngayon ko lang siya narinig na seryoso.

"Yun na nga hyung ayaw kong maranasan ang nararamdaman mo ngayon kaya nga umiiwas na ako." sabi ni Winter.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nung marinig ko yun. Kaya ba ayaw niya sakin??

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now