SIMULA

324 7 0
                                    

SIMULA

"You know she can't play with us, right? She's a girl." Napalingon ako sa kanilang tatlo na naglalaro ngayon sa harap ko.

Kung makapagsalita ito ng English parang hindi ito sampung taong gulang lang. Alam ko naman iyon na natural sa kanila na ganoon magsalita. Namamangha lang talaga ako dahil hindi naman ganito magsalita ang mga kabataan na taga dito.

Nakaupo ako sa isang upuan na nakapalibot sa fountain na nasa harap ng malaking bahay ng mga Henzon. Iyong isang lalaki na matangkad at may hawak na bola ng basketball ang nagsabi noon. Kanina niya pa ako tiningnan na para bang binabantaan ako na huwag akong lalapit sa kanilang tatlo. Anak daw siya ng matalik na kaibigan ni Sir Andranno at taga-Bohol sila.

"Sayang at wala dito ang nag-iisang anak na babae ng mga Henzon. Wala kang makakalaro o makakasundo dito dahil puro mga lalaki ang naiwan dito." Narinig ko na naman sa utak ko ang sinabi ni Nanang Melinda kanina.

Ayaw ko naman talagang makipaglaro sa kanila. Mayayaman sila, samantalang ako ay anak lamang ng driver ng mga Henzon. Baka mamaya madumihan ko pa ang mukhang mamahalin nilang mga suot.

Isinama lang naman ako ngayon ni Papa dito dahil walang maiiwan sa akin sa bahay. Ibinilin niya ako kay Nanang Melinda na isang kasambahay din dito. Isa sa mga sikat na pangalan dito sa Stefanina at siguro sa ibang lugar na din ang mga Henzon kaya ganoon na lamang kung tingalain sila ng lahat.

"So what if she's a girl? Nanang Melinda said we should also play with her." Napatigil ako sa pagsusulat ng iilang mga numero sa notebook na dala-dala ko at napatingin ulit sa kanila na nakatayo di kalayuan sa inuupuan ko.

Hindi kami magkaedad dahil matatanda sila sa akin ng dalawang taon. Inayos ng isa iyong suot niyang jacket at agad na lumapit sa akin. Siya ang isa sa anak ng mga Henzon.

"Gusto mo bang sumali sa amin?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Isinara ko ang notebook ko at niyakap iyon habang umuusog ng upo sa pinakagilid para kahit papaano ay may distansiya ako sa kanya.

Bakit niya ba ako kinakausap?

Nakita kong sumunod din ang dalawang lalaki na kasama niya.

"Cirrus, let's go inside the house. Maglaro na lang tayo ng PlayStation doon." Nababagot na sabi noong pinsan niya.
Natigil ako sa pagtingin sa kanya nang dumapo ang tingin niya sa akin. Mukhang ayaw rin ng isang ito sa akin.

"Hindi natin masasali si Lyrra kapag iyon ang nilaro natin." Nagulat ako nang banggitin ni Cirrus ang pangalan ko. Kilala niya ako?

"Eh kahit naman basketball ang laruin natin hindi din naman siya makakasali di ba?" Suplado na sabi noong matangkad na lalaki. Mahilig yata siya sa basketball dahil iyon lang ang bukang bibig niya sa tuwing pupunta ako dito at maabutan ko sila na naglalaro.

"Salamat pero kayo na lang, ayos na ako dito. Magsusulat na lang ako." Sagot ko at nilagay sa kandungan ko ang notebook.

"Huh? Ano naman ang sinusulat mo?" Tanong ni Cirrus na nasa kabilang dulo ng upuan na inuupuan namin.

Binuksan ko ang notebook at tiningnan ang mga numero na naisulat ko. Assignment ko ito sa Math subject sa school. Wala naman akong gagawin dito buong maghapon kaya napagdesisyunan ko na sagutan na lang ang mga iyon.

"Multiplication? Alam ko 'yan, gusto mong turuan kita?" Alok niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Narinig kong umismid iyong matangkad na bata sa gilid ni Cirrus.

"Cirrus c'mon! Let's go inside the house!" Sigaw na ng pinsan ni Cirrus kaya napakamot sa ulo si Cirrus at nilingon ako. He looks torn between staying with me or papasok ba siya sa bahay kasama ng mga kaibigan niya.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now