*17*

50 0 0
                                    

*17*

Never

"I didn't know that you and Aro dated. Bakit hindi mo sinabi?"

Tumigil ako sa pag-inom ng tubig sa water bottle ko nang magsalita si Cirrus. Sinundan ko siya ng tingin habang inaayos iyong canopy namin na ginamit namin sa nagdaang foundation week.

"Sinabi ko. Kina Quinnito at Nixon." Tumayo ako at pinusod ang aking mahabang buhok.

Lumapit ako sa kanya at kinuha iyong isang tali na nakakabit sa canopy. Pinukulan niya naman ako ng mapanghusgang mga tingin.

"Sa akin, hindi. Kung hindi ka pa niya binigyan ng rosas kanina sa performance nila hindi ko malalaman." Masungit na sabi niya at kinuha ang tali na nasa kamay ko.

Huminga ako ng malamin at napakamot na lang sa noo. Nagtatampo ba siya? Hindi lang naman siya ang hindi ko nasabihan ah? There's also Seaver at James. Hindi ko rin naman inaasahan na gagawin iyon ni Aro kanina. Nagulat nga rin ako na inabot niya sa akin iyong rose na dala niya. He didn't even gave a certain reaction while handling me that rose. Some of the people watching were surprised that he came up to me. Iyong iba naman ay mukhang hindi na rin nagulat.

I just keep on telling myself that it's his way of saying sorry to me dahil doon sa nangyaring pagpapahiya ng mga relatives niya sa akin.

"Hindi iyon seryoso. You know Aro, mas masahol pa iyon kay Quinnito sa paglalaro ng babae. Laro-laro lang iyong ginawa niya sa akin. At saka pa, you're busy with your own love life kaya bakit ko pa sasabihin sa'yo di ba?"

Tumigil siya sa pag-aayos ng tali at matalim akong tiningnan. This guy. Ano kayang nangyari dito this past few months? Mas lalo lang naging masungit at bugnutin si Cirrus.

Noong isang araw ay nabalitaan ko kay Seaver na naaksidente pala itong si Cirrus at nabalian pa ng kamay dahil hinabol daw niya iyong girlfriend niya. Tinanong ko si Quinnito tungkol doon pero tumawa lamang siya at sinabing hindi daw iyon girlfriend ni Cirrus dahil hindi naman daw naging sila noong babae.

Seriously, ang gulo gulo nila minsan kaya hindi na ako nagtatanong sa kanila dahil iba-iba rin naman ang sagot nilang lahat sa akin. I sometimes preferred to figure it out myself.

"Tss. Huwag mong ipasa sa akin ang tanong." Masungit na sabi niya at tinapos na ang pagliligpit ng canopy.

Inirapan ko siya at tumulong na lang sa pagkakarga noon sa sasakyan niya. Kaonti na lang ang mga estudyante na nandito ngayon sa school dahil iyong karamihan ay pumunta sa kabilang eskwelahan para sa practice game ng mga taga Athletic Department.  Syempre, kasama doon sina Aro at ang soccer team ng school. Kaya ngayon, ay kaming dalawa lang ni Cirrus ang magkasama dahil nandoon din sina James, Seaver at Nixon for their swimming practice and of course, Quinnito sa basketball game.

"Are you gonna watch your sister's game later?" Tanong ko kay Cirrus habang nakasakay na sa kanyang sasakyan.

He started the engine at agad na pinalabas ang sasakyan sa campus.

"Hindi gusto ni Heanndra na pinapanuod namin siya habang naglalaro. She'll get conscious kapag ganoon." Seryoso na sabi niya kaya tumango ako at tumahimik na lang.

"So, pwedi ka na bang magkwento tungkol sa inyong dalawa ni Aro?" Dugtong niya nang tumahimik na ang buong sasakyan.

Binalingan ko siya at pagod na tiningnan. Knowing Cirrus, hindi talaga titigil ito hangga't hindi niya nakukuha ang gustong sagot sa mga tanong niya.

"He told me na kaya niyang makuha ang lahat ng babae including me and I don't think he's right about that kaya pumayag ako sa hamon niya na makipag-date sa kanya." Pagso-short cut ko sa mahabang kwento.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now