*18*

55 1 5
                                    

*18*

Back Together

Pinasadahan ko ng tingin ang buong classroom bago tuluyang pumasok doon. Maingay sa loob dahil wala pang teacher, late siguro dahil nadaanan ko kanina and faculty office at mukhang may meeting sila.

Agad kong nakita si Twinks na nakikipag-usap sa isa naming kaklase. Pumasok na ako at umupo sa tabi niya. Tumigil siya sa pakikipag-usap sa katabi at ngumiti sa akin.

"Ang busy mo na ha! Ngayon na lang kita nakita ulit?" Nagtatampo na sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ko naman itatanggi iyon dahil malapit na ang final term kaya kaliwa't kanan ang mga gawain ko. Kailangan matapos ko lahat ng gawain sa council para sa susunod na linggo ay bakante ako at makakapag-tutok sa pag-aaral.

"Sorry Twinks, alam mo naman malapit na ang final term. Kumusta ka naman?" Pag-iiba ko ng topic habang hinahalughog ang bag para kunin ang ballpen at notebook ko.

"Okay naman. Na-iistress lang ako kay Jamal kasi isipin mo naman bigla niyang sinabi na liligawan niya daw ako? Ano yun? Ulol talaga ang isang iyon!"

Pahisterya na sigaw niya kaya tumawa ako at natigil iyon nang makita ko ang isang bundle ng makakapal na papel na ibinigay kanina ni Teacher Guia sa akin.

Reviewer daw iyon para kay Aro na hindi ko na nakita simula noong nangyari sa amin sa coffee shop. Pagkatapos noong pag-uusap namin ng gabing iyon ay iniwan ko na siya at bumalik na kami ni Corby sa Ground Forest and the rest are blurry.

Apat na beses na rin na hindi siya sumisipot sa tutorials namin kaya hindi ko naibigay ang mga reviewers na binibigay sa akin ni Teacher Guia. Malapit na ang finals at kailangan ko na itong maibigay sa kanya.

"Hoy! Kinakausap kita, nakikinig ka ba?!" Sigaw ni Twinks sa akin at tinapik ako sa balikat.

Binalingan ko siya ng tingin at kumunot naman ang noo niya sa akin. Dumapo ang mga mata niya sa hawak kong mga papel.

"Ano yan?" She asked.

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

"Reviewers ni Aro. Hindi ko pa nabibigay sa kanya. Mukhang absent eh, ilang araw na."

Tumango siya at nag-isip ng ilang sandali. Kumunot naman ang noo ko doon.

"Bakit Twinks?" Tanong ko nang ilang sandali pa siyang hindi nagsalita.

"Hindi mo ba nabalitaan iyong nangyari sa kanila sa Ground Forest? Baka iyon ang dahilan kung bakit absent siya ng ilang linggo?" Aniya na parang wala sa sarili.

Kumabog ang dibdib ko aa narinig. May nangyari sa kanila sa Ground Forest? Kaya ba may mga sugat siya noong nagkita kami sa coffee shop noong nakaraan?

"Ang sabi, nakipag-away daw iyong si Aro at Nicollo sa grupo nina Julio. Ewan, siguro mga lasing lang ang mga iyon kaya nagsuntukan. Alam mo naman sila." Kibit balikat niya habang sinasabi iyon.

Napalunok ako habang isa-isa na pinoproseso ang mga sinabi ni Twinks. Bakit siya nagkipag-away kay Juls? Naalala ko noong tinanong ko siya kung saan nanggaling iyong mga sugat niya ay wala siyang naisagot sa akin.

Nasaan ka ba ngayon Aro? Marami akong kailangan na sabihin at itanong sa'yo.

Pagkatapos ng klase ay naghanap ako ng mga pweding pagtanungan kung saan pumunta si Aro. Pati mga kaklase niya ay isa-isa ko ng tinanong, iyong mga ka team mates niya sa soccer team ay wala ding matinong sagot na ibinigay sa akin.

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad sa mainit na soccer field. Napadako ang tingin ko sa mga estudyante na kumakain ng tanghalian sa mga upuan sa field.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now