*23*

63 1 15
                                    

*23*

Stop

I really believe that moments passed by too fast if you enjoyed it too much. Second semester just started and I am so pumped because one thing is for sure, wala akong babalikan na subjects and I am definitely another step closer to being a license civil engineer.

Napakunot ako ng noo nang makita sa hamba ng pintuan ang hinihingal na mukha ng isang kaklase. Kakatapos lang ng first period namin para sa pang hapon na klase kaya nagkakagulo at maingay ang buong silid.

Nawala siya sa paningin ko nang dinumog siya ng iba pa naming kaklase. Umirap ako at inabala ang sarili sa pagsusulat ng mga notes. Tumayo na rin si Twinkle na katabi ko at nakisali sa usapan ng mga maiingay sa likod.

"Talaga? Anong nangyari? Bakit daw nagkagulo?" Narinig ko sa kung saan.

"Naku, eh paano iyan Aira? Di ba matalik na magkaibigan sina Cirrus at Lyrra Cinco? Itanong na lang natin!" Natigil ako sa pagsusulat nang marinig ang pangalan ko sa usapan.

Dahil nanaman ba kay Aro? Nitong mga nakaraan kasi ay hindi na matigil tigil ang pag-uusap tungkol sa aming dalawa. Ito talaga siguro ang kapalit ng pagiging girlfriend ng isang campus playboy. Ayos lang naman sa akin iyon as long as hindi nila ako gagalawin o sasaktan ng pisikalan.

"Lyrra, totoo bang niloko ni Clicko iyong kapatid ni Cirrus na taga-PolSci?" Walang hiya hiya na tanong noong isa kong kaklase.

Hindi ko nilingon ang nagtanong at nagpatuloy na lang ulit sa pagsusulat. Wala din naman kasi akong maisagot sa tanong na iyon. Well, may sagot ako pero hindi ko alam kong tama ba ang sagot ko sa tanong na iyon.

Halos hindi na makausap ng maayos si Heanndra pagkatapos noong nangyari sa bahay nina Clicko. She organized a party for Clicko dahil nakapasa ito sa admin exam ng PMA pero nauwi sa gulo, suntukan at pagkawala ni Heanndra iyong party. Nalaman naming lahat na pinagpustahan lang pala nina Clicko at Dio si Heanndra.

I asked Aro about it pero wala din siyang alam tungkol doon. Nagulat nga siya na nagawa iyon ni Clicko, they are really close friends and he knew him all along. Hindi daw gawain iyon ni Clicko kaya kung nagawa niya man iyon ay may malalim na dahilan siguro.

But it's too late, lahat yata kami ay hindi na kinakausap ng maayos ni Heanndra. Nagkulong siya sa kanyang kwarto araw-araw at hindi na bumalik pa sa school para ipagpatuloy ang pag-aaral. She's planning to go to California with her mom and that is the last thing I know about her. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang nangyari iyon.

Kaya, yes. If I am to be asked, Clicko did betrayed Heanndra.

"Nagkakagulo ngayon sa caf dahil nagsuntukan sina Cirrus, iyong pinsan niyang si Seaver at si Clicko at Dio!" Deklara ng isa pang kaklase.

Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi nakikipag-away si Cirrus, actually hindi kailanman nakikipag-away ang mga kaibigan ko. What happened? At si Clicko at Dio ang kaaway nila? This must be about Heanndra!

Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa cafeteria ng ganoon kabilis na halos labinlimang minuto pa ang dapat lakarin mula sa building namin papunta doon.

True indeed, pagdating ko doon ay maraming tao ang nagkukumpulan sa bawat parte ng caf. Maingay pero agaw pansin ang sigawan sa malayo na parte ng cafeteria.

Mabilis na nahanap ng mga mata ko si Nixon na nakahawak sa balikat ni Seaver at si Quinn na kinakausap si Cirrus na magulo ang buhok at may dugo sa pisngi. Nakahinga ako ng maluwag at mukhang tapos na pala ang gulo pero bago pa ako makalapit ng tuluyan ay may sigawan ulit na narinig sa buong cafeteria at may kung ano na mga nabasag.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now