*21*

56 1 10
                                    

*21*

Protect

"Manunuod ka ba ng game ni Quinn mamaya?"

Napalingon ako kay Cirrus na nakaupo sa harap ko. Katabi niya iyong "girlfriend" niya na si Akia Tan. Hindi ko alam kung dapat ba girlfriend ang itawag ko sa babaeng ito. Hindi naman nabanggit ni Cirrus kahit kailan ang relationship nilang dalawa. Ang alam ko lang palagi silang magkasama na dalawa.

"Siguro? Hindi ko pa alam." Wala sa sarili na sagot ko.

It's been weeks since our final exam ended at nagsisimula na ang Interscholastic Athletics kaya madalas ko na ring hindi nakikita si Aro. Either he's on training here sa school or nasa West sila ng St. Xavier. It's okay though dahil halos mamatay matay na ako kakaisip sa mga nakuha kong scores sa exams. Kung kasama pa ba ako sa list of honors sa pagtatapos ng semester.

"You should watch him para kahit papaano matuwa naman siya. You didn't even tell us about you and Pyro Chua. Mas lalong magtatampo iyon." Si Cirrus ulit na pinaglalaruan ang isang rubiks cube.

Kunot noo ko siyang tiningnan. Alam na niya ang tungkol sa amin ni Aro? These past few days ay kami na lang palagi ni Cirrus ang magkasama dahil nasa training ang iba naming mga kaibigan. I wonder if alam na rin nina Nixon ang tungkol sa amin ni Aro?

"A—alam niyo na?" Pagdadalawang isip na tanong ko.

Tumango si Cirrus at ngumiti naman si Akia Tan sa akin.

"It's obvious Lyrra. Everyone here in the campus knows what's going on. Maliit lang ang campus natin." Si Akia Tan iyong nagsalita.

"I got it. What's my time?" Singit ni Cirrus sa pag-uusap completely ignoring mine and Akia's conversation.

"Mas mahina ka lang ng point five seconds." Akia showed him the timer.

Umirap ako at nagday-dream na sana nasa bahay ako ngayon, natutulog sa malambot kong kama. This is useless. Ilang araw na rin nang magsimula ang Interscholastic at wala naman akong gagawin dito ngayon dahil hindi naman ako athlete. I am just here to wait for the dean's listers. Kaya nga siguro nandito rin itong si Cirrus at Akia. They're both in dean's list every end of the semester.

"Mauuna ang basketball mamaya kaya makakanuod ka pa rin ng soccer game ni Chua." Binalingan ko ulit ng tingin si Cirrus na siya namang may hawak ng timer ngayon at si Akia naman ang may hawak ng rubiks cube.

"You'll guys watch?" Tanong ko.

"Sa basketball? Probably yes, just to kill time habang naghihintay ng dean's list hindi rin kasi sinabi kung anong oras ipo-post ang listahan. Kung soccer game, mukhang hindi siguro. Ayaw ni Heanndra na pinapanuod siya namin na naglalaro." Sagot ni Cirrus.

So, that means ako lang mag-isa ang manunuod ng soccer game mamaya?

Tumango ako sa kanya kahit hindi niya naman nakikita iyon dahil nag-uusap na sila ni Akia tungkol sa time ng rubiks cube.

Inirapan ko silang dalawa at napatingin na lamang sa mga dumadaan na mga estudyante sa student lounges. May gaganapin na cheer dance competition mamaya at kasabay yata iyon sa basketball game ni Quinn. Ibig sabihin dalawang gym ang gagamitin ngayon ng school. Kung iisipin wala naman akong kaibigan na sumasali sa cheer dance competition kaya pwedi nang hindi ako pumunta doon.

Then maybe I should really watch Quinn's game na lang?

"Manunuod kami ng cheer dance competition later. Gusto mong sumama?" Tanong ni Akia.

Ngumiti ako at umiling sa kanya. Hindi manunuod si Cirrus sa game ni Quinn?

"Susunod ako sa game ni Quinn. I'll just watch Kehla's performance." Si Cirrus na ang tinutukoy ay ang pinsang babae na nag-aaral sa West ng St. Xavier.

A Double Heart (#2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora