*29*

74 1 0
                                    

*29*

WARNING: SPG

Miss 

Yes indeed he took me out on a date. Dinner date. Mabuti na lamang at naka-dress ako ngayon kaya sumakto din sa suot niya ngayon. Hindi ko alam kung saan ito na parte ng San Carlos basta ang alam ko, mahigit isang oras ang binyahe namin.

It's a restaurant in a mountain resort at overlooking ang mga maliliit na bahay na gawa sa kawayan. Kita rin pati ang highway na dinadaanan ng mga sasakyan patungo ng San Carlos City. It's also a bit foggy and freezing dahil nasa pinakatuktok ng bukid ang resort.

Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant na open na open at bakal na railings lang ang nagsisilbing pader doon. Sa malayong dako ay maraming mga naglalakihang pine trees at sa bawat gitna ng mga puno ay maliliit na villa na gawa sa kahoy. Pwedi yata itong rentahan kapag gusto mag overnight ng mga bumibisita.

Sa magkabilang gilid ng restaurant ay dalawang malalaking swimming pool na kahit maginaw ngayon ay marami pa rin ang naliligo. Sa labas ng pools ay mga pebbles na at bermuda grass. A mini bar is also there.

Natigil ako sa pagmamasid sa paligid ng maramdaman ang kamay ni Aro na umakbay sa akin. "Are you cold? Bakit ka ba kasi nag-sleeveless?" Medyo suplado na boses niya.

Ngumiwi ako. Malay ko ba na dadating siya ngayon? At hindi naman sinabi na dito kami pupunta edi sana nagbalot ako ng sarili. But I don't mind the cold. The fabric of my dress is a bit thick kaya hindi ako nakakaramdam ng lamig sa lahat ng parte ng katawan ko maliban sa likod at balikat.

Niyakap ko ang bewang niya galing sa gilid. "I'm sorry, I didn't know we'll be in here." Malambing na sabi ko at hinaluan ng sarcasm.

Kumalas ako nang makarating na kami sa napili namin na table. Hinila niya ang upuan kaya naupo ako doon ay ganoon din siya. Nagtawag siya ng waiter at sinabi ang mga orders namin.

"We'll buy a jacket for you. I am sure may pagbibilhin niyan dito." Seryoso na sabi niya habang nililibot ang mata sa paligid.

Tumango ako. Bahala siya. "This place looks nice." Ngiti ko habang tinitingnan ang papalubog na araw. Orange, red and violet colors are ranging on the horizon.

Nilipat ko ang tingin kay Aro sa harap at nakita na mataman siyang nakatingin sa akin. "I bet this place looks so beautiful at night." Ngiti ko.

He smiled at me too. "We'll see about that later," Tango niya sa akin.

Dumating ang mga pagkain na hindi ko ma imagine na pang dalawahan lang dahil sobrang dami noon.

"How's school? You doin good?" Biglang tanong niya habang kumakain kami. Parami na ng parami ang mga tao sa restaurant at pati na rin sa labas.

Uminom ako sa juice ko at saka nagsalita. "Ayos lang naman." Sandali akong natigilan nang maalala ang nangyari kanina.

"You? How are you? The business, Aro is it doing good?" I shifted the topic at baka masabi ko pa ang tungkol kay Sofia.

He pursed his lips and put his fisted fingers on his mouth. Tumikhim siya. "It's doing great baby. I would've never be here if it's not doing good." Mayabang na sabi niya kaya natawa ako.

Sure yeah. Magaling naman talaga siya. Imagine, for six months he lifted everything up. Ganoon ka bilis!

Ngumisi ako. "Buti pinayagan ka ng Daddy mo. I thought he will cage you and won't let you off the hook." Tawa ko, kasi totoo naman iyon.

Noong nakaraan kasi, tinanong ko siya kung kailan niya balak umuwi pero wala siyang definite na sagot sa akin dahil hindi niya maiwan-iwan ang trabaho. Ngayon, ay nandito na siya.

A Double Heart (#2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora