*1*

138 1 0
                                    

*1*

Twelve 

Umirap ako nang magsimula ng umingay ang buong klase. Kaka-dismiss lang namin kaya naman nagsasaya sila.

As if naman nakakatuwa? Kahit naman sa bahay ay may mga gawain pa rin. Homeworks and stuff kaya kahit uwian na, wala ka pa rin talagang takas.

Or is it just me?

"Ang bagal mo namang kumilos."

Napalingon ako sa hamba ng pintuan ng classroom nang marinig ang nagsalita.
Nakatayo siya sa pintuan habang nakasandal sa pader sa gilid nito. Ang puti niyang uniporme ay bumagay sa itim niyang buhok at sa kulay abo niyang backpack. Inayos niya ang salaming suot at humalukipkip.

"Cirrus!" Sigaw ko at dali daling niligpit ang aking mga gamit.

Inabot niya ang mga dala kong gamit at walang kahirap-hirap niyang dinala ang tatlong libro na malalaki.

"Sinong kasama mo? Ikaw lang?" Tanong ko.

Umiling siya at ninguso ang gilid ng cafeteria.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking naka-basketball jersey.  May backpack na nakasabit sa kanang balikat niya habang ang sa kaliwang kamay naman ay may hawak na bola ng basketball. Nakayuko siya habang kausap ang mukhang isang sophomore na babae. Sa sobrang ikli ng paldang suot ay halos makikita mo na ang panloob niyang suot kung salaking yuyuko man siya.

Nakita ko pang hinampas ng babae ang braso ni Quinn. Napairap ako at hindi namalayang nasa tabi ko na pala si Cirrus. Inayos ko ang sarili at malakas na sumigaw.

"Quinnito!"

Natigil sila sa pag-uusap ng babae at sabay na tumingin sa banda namin. Lumapad ang ngisi sa labi ni Quinn at mabilis na kumaway sa amin. Napawi naman ang ngiti ng babaeng sophomore na kausap niya habang iniwan niya ito at pumunta sa amin.

"What are you doing Quinn? Maawa ka naman sa isang iyon. She's a sophomore..." Mahina kong sabi habang nililibot ang paningin sa paligid.

Alam ko na ang mga galawan nitong si Quinn. Walang pinipiling edad sa mga babaeng papatulan niya. Mapabata man o matanda ay hindi niya pinapalampas.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Cirrus sa gilid ko.

"What? Is it my fault kung sila ang lapit ng lapit sa akin? She asked me to come to her parents anniversary dinner. She wants me to be her date." Medyo proud pa ang boses niya.

Nagkatinginan kami ni Cirrus. Umiling siya sa akin.

"At? You agreed? Quinn, you know na aasa lang iyon sayo! Did you see the way she looks at you?" Medyo tumaas ang boses ko.

Ayaw kong makialam sa mga agenda niya sa kanyang mga babae pero nakakaawa iyong sophomore kanina. Mabenta talaga si Quinn sa mga sophomores at freshmen ng school. Silang dalawa ni Cirrus actually, but Cirrus is a bit serious and snob kaya nahihiyang lumapit sa kanya iyong mga babae.

Nagulat si Quinn pero biglang ring natawa.

"Lyrra, it's not my fault that your best friend is good looking as hell." Aniya at inikot-ikot ang dalang bola at nag dunk sa ere kunwari.

"Besides are you doubting my skills? I won't let her fall, this is just plain deal." He wiggle his eyebrows as if something is up.

I sighed. The fact na hindi mo talaga mapipigilan ang mga babae na magkagusto sa kanya.

Why not right? He's the school's basketball captain, full time scholar, and always a dean's lister in his course. He's so serious when it comes to his studies and basketball pero wala yata siyang balak magseryoso sa mga babae. They are just like his toys na kapag sawa na siyang paglaruan ay itatabi niya na at hindi papansinin.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now