*19*

48 1 0
                                    

*19*

Won

"Lyrra? Are you okay? You are not eating your food."

Nabitawan ko ang pinaglalaruang tinidor at napatingin sa nagtatanong na si Nixon. Nakakunot ang noo niya at nakangiwi na para bang naghihintay ng mga isasagot ko. Binalingan ko ang iba ko pang mga kasama at nakita na nakatingin na rin sa akin si Quinn. Seaver and James are talking about something kaya sila lang yata ang hindi nakarinig sa tanong ni Nixon.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit.

"Oo naman. I am okay hindi lang talaga ako gutom masyado." Pagdadahilan ko.

Tumango silang lahat sa akin at nagpatuloy sa ginagawa maliban kay Quinn nakataas ang isang kilay habang mukhang pinipigilan na ngumisi.

"What?" Walang boses na tanong ko sa kanya at humalukipkip.

Hindi naman ako magtataka kung alam na ni Quinn ang tungkol sa pagpunta ko sa apartment ni Pyro. Nasabi ko nga noon na mahilig siyang maglagay ng mga invisible tenga at mata niya sa paligid kaya kahit hindi mo na sabihin sa kanya ay alam na niya iyon.

Tuluyan na siyang ngumisi at kinuha ang lunch box ko na nasa gitna ng table namin.

"Ano kaya laman nito? Masarap na pagkain?" Nang-aasar na boses niya.

Tumawa sina Seaver at James habang seryoso naman si Cirrus na nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Sushi ang laman ng lunch box at pinaghirapan ko na gawin iyon kagabi kahit hindi ako marunong. I wanna give those to Aro since he can't do anything to feed himself kapag mag-isa lang siya sa apartment niya. Noong isang araw ay binigyan ko rin siya ng chicken salad at gulay kaya hindi pwedi na galawin ito ng kahit na sino. This is for Aro only.

"Stop it Quinn! This is not for you!" Sigaw ko at inagaw sa kanya ang lunch box.

Tumawa siya at ibinalik ito sa gitna ng mesa.

"Not for me? Bakit? Sino ba pagbibigyan mo niyan?" Nanunukso ulit na tanong niya.

Tumawa si Cirrus at umiling-iling na lamang. May alam rin ba ang isang ito?
Inirapan ko silang lahat at tumikhim muna bago nagsalita.

"An acquaintance of mine." Seryoso na sabi ko at nagsimula na sa pagligpit ng mga gamit sa mesa.

Kanina pa kami dito tumatambay at hindi ko na nabalikan si Twinks sa library.

Tumawa silang lahat maliban kay Cirrus na tipid lamang na ngumiti habang nakikipag-high five kay Nixon.

What's so funny?

"Acquaintance mo na pala ngayon si Aro Chua?" Natatawa na tanong ni Quinn na umalingawngaw naman sa buong cafeteria.

"Hindi ba sinuntok ka nun sa mukha?" Segunda pa ni James kaya nainis na ako.

Wala na akong pakialam kung asarin man nila ako. Expected ko naman na ganito ang gagawin nila sa akin sa oras na malaman nila na nagkakagusto na ako kay Aro.

"He punched me in the lip James at hindi sinasadya iyon. Know the difference." Pagtatama ko at agad na tumayo sa pagkakaupo nang mailigpit na ang lahat ng gamit.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha.

"What? Are you being serious?" Seryoso na na tanong ni Quinn.

Ang pang-aasar na energy niya kanina ay biglang na drain at naubos.

"How many times do we have to tell you about him and Penelope Rodriguez?" Dugtong ni Nixon doon.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now