*33*

84 1 0
                                    

*33*

Blessings

Hindi ko alam kung ano ba itong reaksyon na ipinapakita ni Cirrus matapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng mga nangyari noong nakaraan at iyong nangyari kanina. He particularly didn't give a certain reaction. Hindi naman siya mukhang nagulat, siguro ay dahil bago pa siyang makatawag ay naikwento na ni Quinn sa kanya ang lahat.

Galit? Mukhang hindi naman. Siguro ay masyado lamang siyang seryoso?

"You should tell your parents about this Lyrra. In that way matutulungan ka nila sa mga susunod na gagawin mo." He suggested as I watched him gather his things na nakalapag sa mesa kung saan nakapwesto ang kanyang gadget kung saan kami nag-uusap ngayon.

He's probably studying? Nakasalamin siya at balot na balot ang sarili ng jacket at scarf sa leeg.

"I mean of course we can help you too. But you know, iba pa rin kapag alam ito nina Tito Marcus at Tita Errah." Dugtong niya.

Quinn sighed heavily at my side kaya napabaling ako ng tingin sa kanya. He looks problematic and I wanna blame myself for it. He should be in Manila right now, reviewing or doing his school works pero heto siya at sinasamahan ako sa katangahan at kapalpakan ko sa buhay.

"Lalo na at aalis din naman si Quinn sa susunod na buwan. Wala kami diyan para samahan ka kaya sana sabihin mo iyan sa mga magulang mo." Cirrus added again kaya kumunot ang noo ko doon.

Aalis si Quinn? Saan naman siya pupunta?Quinn stood up from sitting in the bed at kinuha ang laptop sa harap ko. "C'mon Cirrus, I am still not sure about that. Lalo na at kailangan ako ni Lyrra ngayon dito. Maiintindihan iyon ni Lolo." Pagod niyang sinabi habang bitbit ang laptop at naglakad ng ilang hakbang bago ito nilapag sa mahabang dresser sa kabilang sulok.

Nanlaki ang mga mata ko. Lolo niya? He needs to do something at utos iyon ng Lolo niya! Hindi maaari ito. I am the one holding him back kaya hindi siya makaalis dito ngayon? Hind pwedi! He needs to do whatever he was tasked to do! Ayoko na mapagalitan siya dahil sa akin!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad papalapit kay Quinn na nakatayo lang habang nakaharap sa laptop.

"Quinn, ayos lang ako dito. Gawin mo ang kailangan mong gawin okay?" Kumbinsi ko sa kanya at binalingan ng tingin si Cirrus sa screen.

He was just there looking at us. Huminga ng malalim si Quinn at hinarap ako. He crossed his arms habang nakasandal sa dresser blocking my view of Cirrus in the screen.

"I will be gone for a long time Lyrra. My Lolo assigned something for me to handle in California. It's a huge vineyard and a winery kaya hindi lang ako araw o buwan mananatili doon. I need to see the plants grow and try to learn how the business will go."

Kumunot ang noo ko. "Paano ang pag-aaral mo?"

He bit his lower lip before answering my question. "I'll continue everything in California." He said and tilted his head a bit to see my reaction.

Napalunok ako doon sa pahayag niya. Hindi lang siya buwan mawawala. Higit pa doon. Para akong binagsakan ng langit at lupa nang mapagtanto ang lahat lahat. It all goes down to me alone.

After all, I will do this alone.

Tumango sa kanya. "You go. Do whatever your Lolo wants you to do."

He groaned at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Narinig ko rin ang tikhim ni Cirrus sa likod ni Quinn kaya tumabi si Quinn doon para makita namin siya.

"My friend Lyr, is an architecture professor in Barcelona. Their school is offering a scholarship to those who are willing to take their examination. She asked me if I know someone who's interested and I thought about you."

A Double Heart (#2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora