*6*

80 1 0
                                    

*6*

Date

"Twinks what happened?" Nagtataka na tanong ko nang makita ang iilang mga estudyante na nagkukumpulan sa hallway ng College of Humanities.

I don't even understand. Kung tutuusin sila ang may pinaka-less na number ng students dahil Political Science at Criminology lang naman ang courses nila pero sila pa itong madalas napapaaway at nasasangkot sa kung ano ano na mga kaguluhan.

"May nag-away daw na dalawang babaeng freshmen at nauwi pa daw sa sabunutan." Medyo hindi rin sigurado na sagot niya sa akin.

Isinara ko ang librong binabasa at tinanaw pa lalo ang hallway nila na kitang-kita dito mula sa kinauupuan namin ni Twinkle.

"Talaga? Bakit daw?" Wala sa sariling tanong ko habang sinusuri kung sino ang mga kakilaka ko na nandoon din at nanunuod sa nangyayari.

Nag-aaway pa rin ba sila? Walang umaawat? Napatayo ako ng mabilisan nang marinig ang malakas na sigawan ng mga estudyante na nagkukumpulan doon. Some are laughing and some are trying to push themselves inside the circle para siguro makanuod rin.

"Shit. Walang umaawat? What the fuck?!" Sigaw ni Twinkle na tumayo na rin at nakatingin doon.

"Lyrra puntahan mo, bilis! Awatin mo!" Dugtong niya kaya napakurap-kurap ako.

Why would I do that? May mga school prefect naman na gumagala dito at nag-aawat sa mga nag-aaway.

"Lyrra bilis!"

Napatalon ako sa sigaw niya sa akin at malakas niya akong hinatak. Mabilis siyang naglakad papalapit doon habang hila-hila ako. Halos hindi na namin makita ang nangyayari at puro sigawan na lang ang naririnig ko sa sobrang dami ng tao.

"Hey! Hey! What's happening?! Guys!" Sigaw ni Twinkle sa gilid kaya napalingon iyong ibang nanunuod sa amin.

Iyong iba ay nanlaki ang mga mata nang makita kami at gumawa pa ng daan para makita namin ang mga nangyayari. Halos malaglag ang panga ko nang makita na halos matumba na sa sahig ang dalawang babae na sinasabunutan ang isa't-isa.
Mabilis na lumapit si Twinkle sa isang babae at inawat iyon. Ilang sandali pa bago ako natauhan at nilapitan din iyong isa na nagwawala pa rin.

"Hoy! Tumigil kayong dalawa ha! Nakakahiya kayo!" Sigaw ni Twinkle na pumagitna sa dalawa.

Napataas ako ng kilay nang malakas na winakli ng babae ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Matalim niya akong nilingon sa gilid habang hinahabol ang kanyang hininga.

"You bitch! Why are you saying that you're dating Aro, huh?! He's dating me!" Sigaw noong babae na nasa harap namin na hinahawakan na rin ni Twinkle ang braso para huwag ng kumawala.

"Because he told me we're dating! Side chick ka lang girl! Huwag kang assumera!" Ganti na sigaw noong isa.

Napairap ako sa narinig na batuhan nila ng mga salita. So, they're fighting because of Aro Chua? He's clearly two-timing these two girls kaya nagkagulo dito ngayon. And where is he? Siya ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang ito pero wala man lang siya dito para umawat?

Unbelievable. Ganoon na ba talaga kalala ang pagiging gago ni Aro at umabot pa sa ganito? He's a type A asshole.

"That's enough! Both of you follow me!"

Nakahinga ako maluwag nang dumating ang isang taga-DO at pinatigil ang gulo. Tumigil na rin sa pag-uusap at pakikiusyoso iyong ibang estudyante at bumalik na sa kani-kanilang mga silid.

"Why are you so silent?" Nilingon ko si Twinkle na nasa gilid ko at sabay kong naglalakad.

We are heading back to our classroom matapos rin kaming papuntahin ng taga-DO at kinausap kung ano ba talaga ang nangyari. Since we don't also know what happened at huli na kami nakapunta doon ay pinakawalan na rin nila kami.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now