*32*

70 0 0
                                    

*32*

Kid

"Ganoon ka ba ka busy para makaligtaan mong magsabi? Sa loob ng isang linggo, hindi mo naisip na mag text o tumawag para sabihin sa akin ang mga nangyayari sa'yo?"

Sa kabila ng galit at kagustuhan na magwala ay mahinahon akong sumasagot sa kanya. Pagod na akong sumigaw at magalit. May baby ako na dinadala at wala akong time makipag-away at sumigaw sigaw dito. Nakakahiya pa naman iyon.

"You didn't even answer my calls or even reply to my texts!" Madiin niyang sinabi. Frustration is all over his face. "How am I supposed to tell you what I am going through right now?" Nabasag na ang boses niya.

Napakurap kurap ako doon. I told him I need to breathe and he didn't replied after that kaya akala ko ay pumayag siya.

Umiling ako. "I told you I need to cool down, Aro!" Hindi na mapigil ang pagtaas ko ng boses. Mabuti na lamang at walang tao sa labas ng shop.

Ngumisi siya nang nakakaloko as if there's something funny about what I said.

"Really?" May panunuya sa boses niya. "Cool down ba talaga Lyr? Or you are contemplating if you still want me because you are seeing Seven Salvador?" Paratang niya.

Nanlaki ang mga mata ko doon. Kung marupok ang mga mata ko sigurado akong nalaglag na ang eyeballs ko kanina pa. Ano pang pinagsasabi ng isang ito?

Tumawa ako dahil sa paratang niya na walang kabuluhan. "Iyan ba ang nireport sa'yo ng mga tauhan mo? That I am seeing Seven?" Lumapit ako sa kanya para masabi ng maayos ang katotohanan. "Ni hindi ko nga kinakausap iyon eh. Nakita mo ba kaming nag-uusap noon? That was one time, Aro! Hinatid niya ako pauwi at tinahan dahil nakita ko ang pictures ninyo ni Sofia na hindi mo man lang ipinaalam sa akin!" Sigaw ko.

Gusto mo na magkasagutan tayo dito ha? Edi sige! Total ay nandito na naman tayo, bakit pa natin palalampasin ito?

"Damn it." He cursed at lumapit rin sa akin. Isang hakbang na lang ay magdidikit na ang mga katawan namin.

"Dahil kasama ko si Sofia, si Seven ang pinunterya mo ganoon ba? Nag gagantihan ba tayo dito, Lyr?" Madiin na tanong niya sa akin.

Ngumiti ako. How fucked up it's that logic? Apat na taon kaming magkasama at heto siya nambibintang sa akin. Noong nakita ko ang pictures nila ni Sofia ay nagduda ako pero ipinaintindi ko sarili ko na huwag mag-isip ng kung anu-ano at dapat ay pakinggan ko ang paliwanag ni Aro. I didn't conclude because I know him, he will explain his side to me.

Inaasahan ko na ganoon din siya sa akin.

"Hindi, Aro. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan."

Naaninag ko si Sofia na seryoso ang mukha. Papalapit na ngayon sa amin. Her neck cranked as she walked her way to Aro's side. Kung kanina ay mukhang nahihiya siya at hindi makatingin sa akin, ngayon naman ay mukhang bubuga na siya ng apoy ano mang oras.

Umatras ako ng ilang hakbang at kumunot naman ang noo ni Aro sa ginawa ko. My eyebrow shoot up when she held Aro's arm and cling to him like a fucking koala. Nalaglag ang panga ko doon. The audacity of this girl! Hindi niya ba nakikita na nag-uusap kami ng boyfriend ko? How fucking disrespectful!

Matalim niya akong tiningnan samantalang si Aro naman ay mukhang estatwa na hindi makagalaw at blangko lang na nakatingin sa akin.

Why won't he push her just like what he always does when Sofia was trying to hit him?

Mula sa nakakatusok na tingin ay ngumiti siya ng napakatamis kay Aro. "Let's go? Mali-late na tayo sa appointment natin." Malambing na sabi niya kay Aro at hinimas pa ang tanginang braso ng boyfriend ko.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now