*15*

84 1 0
                                    

*15*

Tumbler

"Quinn, can you tell me what drug is this?" Napatigil ako sa pagbabasa ng libro at binalingan ng tingin si Cirrus na may inabot na bote ng gamot kay Quinn.

Tumigil din si Quinn sa ginagawa at agad na binasa ang mga sulat na nasa container ng gamot.

"Bromazepam?" Kunot noo na basa ni Quinn doon sa bote. Napataas ako ng kilay at agad na hinablot kay Quinn ang container.

Nagulat silang dalawa sa ginawa ko kaya hindi sila nakapagsalita agad. Pinukulan ko ng matalim na titig si Cirrus. I know this drug. Bakit may ganito siya? At isang bote pa?

"This is an anti-axiety drug, Cirrus. Why do you have this?" Takang tanong ko at binalik ito kay Quinnito.

Quinnito nodded na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. He should know. He's a medical student.

"Right. For panic attacks." Aniya at nilapag sa mesa ang container.

Napangiwi si Cirrus at nilibot ang paningin sa paligid na para bang napalakas iyong usapan namin at baka may nakarinig. Hindi lang naman kami ang maingay dito sa library. Kung tutuusin, kami na ang pinakatahimik na table dito.

"Cirrus..." Untag ko sa kanya nang hindi pa rin siya nagsasalita.

Huminga siya nang malalim at hinalamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. Is there a problem?

"This is not mine okay? Napulot ko lang." Pangangatwiran niya kaya mas lalo pa akong nagduda.

Tingnan mo nga naman. Hindi talaga marunong magsinungaling ang isang ito. He's really good in public speaking and debating pero hindi man lang marunong magsinungaling. I'm sure hindi niya napulot ang medicine container na iyon. Kung napulot niya sana itinapon niya na lang, he's not interested in that anyway. Instead, tinanong niya pa sa amin. This means something.

"Holy shit. Is that from...?" Napatingin ako kay Quinn nang magsalita siya at napatakip sa bibig nang matalim siya na tiningnan ni Cirrus.

"From what Quinn?" Kuryoso na ako kaya tuluyan ko ng itinabi ang binabasang libro.

Tiningnan ko si Cirrus na panay ang iwas ng tingin sa akin. What's up with him ba talaga? Simula noong first day of class ay para na siyang namatayan at palaging tulala. He even removed his glasses at nag contact lenses na which he usually doesn't do because he's not used in wearing contact lenses.

"I have to go. Georgina is here." Bulong ni Quinn sa amin kaya napatingin din ako sa entrance ng library. Pumasok na ang iilang mga tuturuan namin para sa tutoring.

"Si Georgina ang tuturuan mo?" Taas kilay na tanong ko. He nodded like a pervert at agad na tumayo papunta kay Georgina na nakaupo sa isang table.

Damn Quinn. I'm sure hindi lang tutorial sa lessons ang itinuturo ng pervert na iyon kay Georgina. Knowing Quinn, hay na ko. I'll just shut up.

"I have to go. Vlida is also here." Deklara ni Cirrus at tumango kay Vlida na pumasok na rin sa library.

Naiwan ako sa mesa namin at napaayos ng upo nang makita si Aro na pumasok na rin sa library. Naka-soccer jersey siya at may dalang malaking duffel bag. He scanned the whole room at nang makita ako ay tumigil siya ng ilang sandali at napayuko. Inayos ko ang sarili at umusog ng kaonti para pag-laanan siya ng espasyo.

Tumikhim siya at umupo sa harap ko imbes na sa tabi ko. The table is round kaya naman medyo malayo siya sa akin. Kahit malamig ang aircon sa loob ng library ay pinagpapawisan pa rin ako.

"Did you found the books I told you to search?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa.

Tumango siya at may kinuha sa bag niya. It's a book for their subject, Criminal Law. Kumunot ang noo ko. I told him to search for three books. Bakit isa lang?

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now