*28*

79 1 0
                                    

*28*

Imitate

I woke up early in the morning feeling like shit. First day of class as a fifth year civil engineering student at dapat masaya ako pero para yata akong namatayan. I felt so alone. My friends are not here anymore and my boyfriend is in China. Isang buwan na siya sa China at nagkasya na lamang kami sa text, chat and videocalls.

The first weeks he's away is a shocked to me. Hindi ako sanay at ganoon din yata siya dahil halos kada oras ay panay ang tawag niya sa akin at natigil lamang nang magsimula na siya na maging busy habang ako ay naghihintay ng mga araw bago magsimula ang klase. Pilit kong pinapaalahanan ang sarili ko na para rin ito sa ikabubuti ng lahat. That I should never regret convincing Aro to do their family's thing dahil karapatdapat lang naman na ganoon ang mangyari. Kapag namimiss ko siya ay parati kong isinasaisip ang lahat ng iyon. This will all be worth it in you end, I believe.

"Grabe nakakainggit sina Rhyss! Working girls na talaga ang galawan nila ngayon!" Tili ni Twinkle sa tabi ko.

Natigil ako sa pagmamasid sa mga bagong dating na mga estudyante papasok ng gymnasium. First day of class means a welcome program for freshmen and for the new school year.

Nilipat ang tingin kay Twinkle at dinungaw ang cellphone na hawak hawak niya. "Ano nga ulit ang course ni Rhyss?" Tanong ko nang makita ang picture ng isang babae na naka corporate attire at mukhang nasa isang opisina. Hindi ko matandaan kung sino ang babaeng ito. I am not even interested. I am just trying to make the conversation going.

Sandali siyang nag-isip at lumiwanag ang mukha nang maalala. "Ang alam ko tourism eh." Hindi rin sigurado na sagot niya.

Bored ako na tumango. Whatever.

Unti-unti na dumami ang mga estudyante at naging maingay na ang buong gymnasium. The program started. Nagbigay ng speech ang bagong directors ng school.

"And now let's welcome our newly elected student council president, Miss Sofia Angcao!" Masiglang pagpapakilala ng emcee.

Napaayos ako ng upo sa narinig. Sofia Angcao is the new council president? Kailan pa? I was not aware of what's happening before. Wala rin akong maalala na ibinoto ko siya? Sinundan ko ng tingin si Sofia na lumabas sa galing sa likod ng stage patungo sa gitna. Malakas na palakpakan ang narinig sa paligid.

"She's the new council president?" Tanong ko sa kawalan.

"Yep. Your successor?" Patawang sagot ni Twinkle sa akin kahit hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang tinanong ko doon. "Sayang nga at di ka na pwedi tumakbo noh? Di bale, engineering pa rin naman ang uupo ulit!" Masaya na deklarasyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko at binalingan ulit si Twinks sa gilid. What? "She's a psychology student Twinkle. Anong engineering ang sinasabi mo diyan?" Takang tanong ko.

Tumawa siya at umiling sa akin. "Nag shift ng course iyan. Civil engineering din, second year na yata?" Di sigurado na sagot niya.

My jaw dropped at her statement. Hindi ko ma proseso ang kanyang mga sinabi. Sofia is now a second year engineering student and she's now the student council president?

Nagkibit balikat ako at pinilig ang ulo para mawala ang mga iniisip. Ano naman ngayon kung nag shift siya sa engineering course? Ano naman ngayon kung siya ang bagong student council president? Hmmm. Okay. Anyway, good for her.

The school days went by so very slow. Pakiramdam ko mas bumabagal ang oras kapag may nami-miss ka at kapag may inaabangan ka na dumating. Kaya naman para maiwasan ang pagka-miss ko kay Aro ay palagi kong inaabala ang sarili ko sa pag gawa ng mga drafting plates o di naman kaya'y mag advance reading ng mga lessons.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now