*14*

73 0 1
                                    

*14*

Tutoring

"Ihatid mo na lang ako mamaya sa backstage okay?"

Pamimilit ko kay Nixon. Kakaahon niya lang sa isang mahabang swimming laps kaya hinintay ko muna siya na makakalma at maiangat ang sarili sa tiled floor mula sa malalim na pool na pagmamay-ari ng eskwelahan.

Kinuha ko ang malinis na towel sa tabi ko at inabot iyon sa kanya. Nilingon niya ako at nagpunas muna ng sarili bago tumayo doon sa tiled floor.

Six thirty pa lang ng umaga at pinapunta na ako dito ni Dean Fajardo para sa pag-aasikaso ng program na gaganapin mamaya para sa pagsisimula ng klase sa taong ito.

Maaga rin ngayon si Nixon dahil nakisabay siya kay Quinnito papunta dito school. Ngayong araw rin kasi natapat ang basketball tryouts nina Quinn so to kill his time ay dumeritso siya dito sa pool area ng school.

"Why are you even so afraid of him Lyrra?" Nagtatakang tanong na naman niya ulit.

Padabog akong bumalik doon sa bench kung saan ako nanggaling kanina. Umupo ako doon at inirapan siya na naglalakad na rin habang tumutulo pa ang tubig sa kanyang buong katawan.

"Jesus. How many times do I have to tell you that I'm not afraid of him Nix. Ayaw ko lang na lumalapit siya sa akin." Madiin na paliwanag ko.

I told him and Quinn about me and Aro at halos suntukin ako ni Quinn nang malaman niya iyon while Nixon was just staring at me like he already know all about it.

"Ayan ka na naman sa pagsa-sacrifice mo ng sarili mong kaligahayan Lyrra. Ano? Okay lang ulit na masaktan ka kasi kaya mo naman iyong sakit?" Sumbat ni Quinn sa akin noong sinabi ko sa kanila ang totoo.

Iyon ang palaging naririnig ko sa utak ko tuwing naiisip ko si Aro. Siguro nga ganoon ako mag-isip, na okay lang na ako ang masaktan kasi sa totoo lang kaya ko naman talaga dahil naniniwala  ako na kaya ng panahon na paghilumin ang sugat ng nakaraan kahit gaano pa iyon  kalalim.

"And who the hell cares if hindi kayo pareho ng estado ni Aro? Is there a law that states na dapat pareho kayo ng katayuan sa buhay para maging inlove sa isa't-isa?" Singit naman ni Nixon sa pag-uusap namin ni Quinn.

"In general, wala Nix but with Aro's family, yes there is a law like that. Kaya nga pinagkasundo siya kay Penelope Rodriguez di ba? Because they are equal, and now that she's back, I don't want to interfere anymore." Malungkot na sagot ko sa lahat ng sinabi nilang dalawa.

"Ayaw mo na lumalapit siya? Lyrra, alam kong matalino ka pero minsan pala pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ka, ano?" Natatawa na sabi ni Nixon habang pinapatuyo ang basang buhok.

Tumigil ako sa pagsusulat ng speech na sasabihin ko mamaya sa opening ng program at matalim siyang tiningnan.

"What?" Iritado kong tanong.

"Syempre lalapit at lalapit sa'yo iyong tao, gusto ka noon eh! The only thing you can do is to just ignore him, huwag mong pansinin kapag lumalapit sa'yo. Simple as that, it's not rocket science." Aniya kaya napairap ako.

Wala talagang kwenta kausap ito minsan. Hindi naman ako nakapagsabi kay Cirrus dahil busy yata siya sa mga nagdaang araw dahil tumakbo ulit sa pagiging Governor iyong ama niya at dumating pa mula sa Amerika iyong bunso nilang kapatid na babae na si Heanndra.

"I know! Iyon naman ang ginagawa ko. Just... ihatid mo na lang ako please!" Frustrated na sabi ko kaya napahinga siya ng malalim at tumango sa akin.

"As you wish. Wait here I'll just shower and change into my uniform." Pagpapaalam niya kaya pinakawalan ko na siya para makapagbihis.

Sabay kaming dalawa na lumabas doon sa pool area ng school at agad naming namataan si James na naglalakad papunta sa covered court ng school namin.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now