*20*

64 2 7
                                    

*20*

Mine

Anong laro ba ang sinasabi niya ngayon sa akin? Kung tungkol ito sa pustahan na sinimulan naming dalawa noon then this is completely different. Hindi rin ako naglalaro at totoong mahal ko siya at totoo lahat ng sinabi ko sa kanya.

Funny how I thought before na siya ang naglalaro ngayon naman ay parang nabaliktad lahat. Now he thinks I am the one joking around. Kailan ba kami titigil and finally settle everything and just be with each other? Without doubts? Without fears?

"I am sorry for confusing you Aro. If you think of it that way then I am sorry. It's not my intention to make you feel that way." Halos hindi na marinig ang mga sinasabi ko.

He nodded his head at tuluyan na akong tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad pabalik sa kanyang sasakyan. Bagsak ang mga balikat ko nang mapagtanto na katapusan na ito ng pag-uusap namin at wala ng kasiguraduhan kung kailan ang susunod.

Mabigat ang aking mga paa at pakiramdam na naglakad na rin sa kabilang direksyon. Isa-isang tumulo ulit ang mga luha sa mga mata ko at mabilis ko rin itong pinunasan.

"Damn it! How can you just pretend not to love me? How can you just walk away without saying anything? Huh?" Malakas na sigaw ni Aro sa di kalayuan.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ulit siya. Nakatayo lang siya doon habang nakapamaywang at nakakunot ang noo sa akin.

"Ilang beses ko sinabi sa'yo na gusto kita Lyrra. I beg for how many times kasi ganoon kita kagusto! Harap-harapan ko sinabi sa'yo lahat. Pero bakit hindi mo magawa sa akin iyon?" He asked at ginulo ulit ang buhok sa sobrang frustration.

I was confused for a minute. What the hell is he talking about? Then my eyes widened big time when I realized something.

Narinig niya ba lahat ng sinabi ko noon sa apartment niya?

"Wha—at?" Nanginginig na tanong ko kahit alam ko naman ang ibig sabihin noon.

He sighed and looked at me.

"Why can't you say it right now? Bakit kailangan pa dapat tulog ako para masabi mo? I just wanted to hear it from you while I am wide awake looking at you Lyrra. Because we are not starting this unless you tell me those words properly." He said full of authority.

Tinamaan ako bigla ng hiya sa mga sinabi niya. He heard it! Narinig niya ang mga sinabi ko sa kanya! Bigla ay hindi ko na alam ang gagawin sa harap niya ngayon. Some words I am willing to say to him kanina lang ay bigla kong nakalimutan.

Suminghap ako at tinitigan siya ng husto. Nakatingin pa rin siya sa akin at kitang-kita ang sakit sa kanyang mga mata. He bit his lower lip na para bang inip na inip sa paghihintay ng mga dapat kong sabihin.

"But Aro, I am scared. What about your family? Your traditions? What about Penelope? What will the people tell us? Aro, natatakot ako. Paano kapag hindi tayo magtatagal? Paano kapag nagbago ang isip mo? Paano kung di mo na ako mahal isang araw? Aro, I want you so bad, natatakot ako. I'm scared and—"

Umiling siya at tuluyan ng lumapit sa akin. He cuffed my face with his hands and wipe away my tears using his thumbs. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at pumikit habang dinadama ang mga haplos niya sa mukha ko.

God. I want his touch so much. It gives me comfort and I wanna stay like this.

"I need you to say it to me properly because I don't know what to do with these feelings anymore." Bulong niya sa akin.

Tumango ako at tinipon ang natitirang lakas sa katawan. He deserve to hear everything.

"I like you. I love you. I am in love with you." Mahina pero tuloy tuloy na sabi ko. Mas lalo lang akong naiyak while a small smile appeared in his lips.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now