*25*

56 0 0
                                    

*25*

Convince

"Binabahay mo na ba ito Aro?" Tanong ng Tita Mei niya at matalim akong tiningnan.

"Hindi po. Nagkakamali po kayo." Agap ko.

Nakahinga ng maluwag ang iilang kamag-anak niya na nasa mesa. Tiningnan ko si Aro at hinintay na may idudugtong siya bilang suporta sa sinabi ko para man lang mapatunayan na hindi niya talaga ako binabahay pero tahimik lamang siya.

"Aro, my man! Here you are! We've been looking all over for you." Bumasag ang malakas na tawag ng isang lalaki sa malayo.

Kasing tangkad ng lalaki si Aro at halos magkapareho lang din sila ng katawan. His dimples are showing up habang papalapit na sa amin. Humina ang lakad niya nang mapagtanto na mukhang wrong timing ang pagtawag niya kay Aro. This is probably one of his cousins?

"Uh? Shall I go back later?" Naguguluhan na tanong niya at natawa pa ng kaonti.

"Oh no, Mikhal iho it's fine. Go bring Aro to your cousins." Peke na ngiti ang ipinakita ng Tita Mei niya na para bang kanina ay hindi siya bubuga ng apoy.

Napairap ako sa kawalan. This witch.

"I'm sorry about that. Let's go." Bulong ni Aro sa akin at agad na tumalikod at kinausap ang bagong dating na si Mikhal with no intention of saying goodbye to his family.

"We're going na po. Enjoy the rest of your evening." Mabilis na paalam ko at hinigit na si Aro papalayo doon sa mesa.

The guy Mikhal is walking on Aro's side habang nakapamulsa pero ang tingin ay nakapako sa akin na nasa kabilang side ni Aro. Yumuko at biglang tinamaan ng hiya. Nakarating kami sa table ng kanyang mga pinsan na sobrang ingay dahil puno ng asaran at tawanan. Two girls and one boy are sitting on that table.

"Aro! C'mon pare, where have you been?" Natatawa na tumayo ang isang lalaki. Mas matangkad kay Aro at mukhang mas matanda kumpara sa amin.

"Hi, My name is Agadir, and you are?" Naglahad siya ng kamay sa akin kaya tinanggap ko ito.

"Hello. I am Lyrra." Ngiti ko sa kanya.

Mabilis na binawi ni Aro ang kamay ko sa kay Agadir kaya natawa si Agadir.

"Stop hand shaking her. She's my girlfriend." Suplado na sabi ni Aro at napuno ng tawanan ang buong lamesa.

"I'll introduce you guys, huwag mo akong unahan Agadir." Dugtong ni Aro kaya napataas ako ng kilay. Kanina pa siya ha? These are all his relatives! Hindi naman ako aagawin ng mga ito!

"Love, these are my second cousins. That's Agadir." Turo niya kay Agadir na nakangisi na ngayon sa amin.

"That's Mikhal, his sisters Mahalia and Mayari... " Turo niya sa kay Mikhal na inangat ang dalang champagne glass. Two girls then smiled and wave at me. Kambal yata sila, dahil parehong-pareho sila ng mukha at buhok lamang ang naiba sa kanila.

"Hello! My name is Lyrra." I said in a cute voice.

"Where the hell is Stefano?" Wala sa sarili na tanong ni Agadir habang hinihila ang upuan at para makaupo na. Hinila rin ni Aro ang isang upuan at pinaupo ako doon.

Sinulyapan ako ng babae na Mahalia yata ang pangalan. She smiled at me and offer me a glass of champagne. Tinanggap ko iyon at uminom doon ng kaonti.

"Glad to finally meet you, Lyrra. Sa mga IG posts lang kita ni Aro nakikita dati." Aniya kaya ngumiti na lang ako.

Hindi na siya nagsalita pa at patuloy na lang sa pag-inom ng champagne. Parang buhawi naman na sumakop sa isip ko ang mga paratang ng tiyahin ni Aro sa akin. Is it really my damn fault? Sumasakit ang ulo sa pag-iisip kaya sunod-sunod kong ininom ang tatlong baso ng champagne na nakahilera sa mesa namin.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now