*7*

90 2 0
                                    

*7*

One Month

"Because of your hardwork and efforts, natapos ang lahat ng mga gawain natin just in time for the Regale. Congratulations guys, job well done!" Nakangiti na sabi ni Dean Fajardo at umalingawngaw naman ang malakas na palakpakan ng mga kasamahan namin sa council.

Tomorrow night is the night we've all been waiting for, the Regale. Halos buong araw lang ako nakangisi habang pinagmamasdan ang magandang stage sa gymnasium at ang mga upuan na nandoon.

Everything is perfect. Tomorrow will be great, I'm sure of it. As a council leader, I'm just the happiest person right now. Nothing can beat that feeling of fulfilment you felt kapag natapos mo ang isang bagay na pinaghirapan mo.

"Excited ka na ba na maka-date si Julio bukas?" Napalingon ako kay Twinkle na nasa gilid ko nakaupo. It's our vacant time kaya heto ang ibang mga kaklase ko at sobrang ingay.

Ngumiti ako sa kanya. Wala siyang alam tungkol sa nangyaring iyon sa amin ni Julio. Hindi din naman kasi halata na galit ako kay Julio kapag gumagawa kami sa council room. I think Julio understands that I don't want to be near him kaya siya na mismo ang lumalayo sa akin. Probably why everyone didn't notice that.

"Ikaw? Sinong ka-date mo bukas, Twinks?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan ng tingin iyong mga kaklase namin na naglalaro ng uno cards sa teacher's table.

"I'll go with Noel probably. He asked me yesterday." She smiled at me.

I know Noel. He's a Political Science student and also an academic scholar like me. Palagi kaming nagkikita tuwing Sabado para sa tutorials ng school. I think Twinkle and him look good together.

"Uh, Lyrra? May naghahanap sa'yo sa labas." Nilingon ko ang isang kaklase na tinapik ako sa balikat. Kumunot ang noo ko nang itinuro niya ang labas ng pintuan.

"Sino daw?" Takang tanong ko pero nagkibit balikat lamang siya at umalis na sa gilid ko.

Tumayo ako sa upuan at agad na naglakad sa pintuan ng classroom. Everyone are probably having their classes dahil tahimik ang hallway at wala ni isang estudyante na naglalakad. Sumilip ako sa pintuan pero wala akong nakita na tao. Iginala ko ang paningin sa paligid at nagulat nang may humigit sa braso ko at kinaladkad ako sa kahabaan ng hallway.

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko at tiningala kung sino iyon.

Natigilan ako nang ilang sandali nang mapagtanto na si Aro iyon. He's in his uniform at nakaayos pa ang buhok habang seryoso ako na kinakaladkad sa hallway. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan niya ako dadalhin.

"Aro what are you doing? Why are we heading to the boy's comfort room?" Natataranta na tanong ko nang higitin niya ako papasok sa boy's CR.

Halos mapasigaw ako nang makita ang dalawang lalaki na umiihi pa doon. Yumuko ako at naramdaman ang mainit na palad na tumakip sa mga mata ko.

"Shit, Aro. What are you doing man?!" Sigaw ng isang lalaki. Iyon lang ang narinig kong salita at ang sumunod ay iilang mga yabag na palabas ng CR.

Kinalas niya ang kamay na nakatakip sa akin kaya umayos na ako ng tayo at matalim na tiningnan si Aro na halos wala man lang reaskyon sa kanyang mukha. Malakas kong binawi ang braso ko sa hawak niya at matalim siyang tiningnan.

"Ano bang problema mo ha?! Bakit ka ba nanghihigit? At bakit mo ako dinala dito?!" Sigaw ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang batok at huminga ng malalim. Kung makahinga naman siya ng malalim akala mo pasan niya ang lahat ng hirap sa mundo.

"Hindi mo naman siguro nakalimutan na pumayag kang makipag-date sa akin di ba?" He asked kaya bored ko siyang tiningnan.

Ang akala ko ay nakalimutan niya na iyon dahil tatlong araw siyang hindi nagparamdam sa akin at hindi ko man lang siya nakikita sa campus sa tatlong araw na iyon.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now