*9*

85 2 0
                                    

*9*

Anklet

"Saan kayo pupunta ni Quinn sa summer?"

Natigil ako sa pagsusulat at napatingin kay Papa na nasa harap ko at kumakain. Binitawan ko ang hawak na ballpen at agad nag-isip kung may nabanggit ba sila Quinn sa akin na plano para sa gala namin sa darating na summer.

Noong nakaraang summer ay hindi kami nakagala dahil may summer classes sila noon. Minsan naman ay doon kami pumupunta sa bahay nila sa Bohol. I don't know this time kung saan.

"Hindi ko pa alam Pa. Bakit niyo po natanong?" Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagsusulat. Tapos na ang final exams at nagsisimula na ang summer vacation.

Tumayo si Papa sa harap ko marahil ay tapos na siyang kumain. Nagkibit balikat ako at napatingala sa kanya nang may nilapag siyang puting sobre sa harap ko. Sumenyas siya na buksan ko ang sobre kaya kinuha ko ito at dahan-dahan na binuksan.

"Wala pa naman kayong plano ngayong summer, baka pwedi mong paunlakan iyan anak." Marahan na sabi niya at agad na umalis sa harapan ko.

Sinundan ko siya ng tingin bago tuluyan na kinuha ang laman noong sobre. It's plane ticket to Batanes and some paper bills. Kahit wala itong pangalan ay alam ko na kung kanino galing iyon kaya mabilis ko itong ibinalik sa loob at itinabi ang sobre.

"Okay lang Pa. Dito na lang ako sa bahay ngayong summer." Matigas na sabi ko at agad na niligpit ang mga gamit sa mesa.

"Hindi mo na nga tinanggap ang pag-papaaral niya sana sa'yo sa kolehiyo pagtapos tatanggihan mo rin itong oportunidad na makapunta sa Batanes. Ayaw mo ba makita ang nanay mo?" Si Papa na lumapit ulit sa harapan ko.

Bumagsak ang balikat ko at nilunok ang mga gustong sabihin. I'm talking to Papa right now at ayaw ko na sumasagot sa kanya ng pabalang.

Ayaw na ayaw ko rin na umaayaw sa mga gusto niyang mangyari kaya siguro ibinigay ito ni Errah kay Papa para siya ang magkumbinsi sa akin na papuntahin ako sa Batanes. She knows that I won't even say no when it comes to Papa.

"Ibinigay niya iyan sa akin noong isang araw. Gusto niya daw na siya na mismo ang magbigay sa'yo, pero alam niyang hindi mo tanggapin iyan..." Mahinahon na paliwanag ni Papa.
Binigay sa kanya? Ibig sabihin nagkita silang dalawa?

"Binigay? Nagkita kayo ni Errah, Pa?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin kaya napakurap kurap ako.

"Hindi iyon sadya. Sumama ako kay Governor Andranno sa isang meeting niya sa Iloilo at nagkita kami doon. Ipinabot niya lang sa akin iyan."  He defended himself nang mabasa sa mukha ko ang pagdududa.

"She knows I won't accept it kaya sa'yo niya binigay. Hindi din talaga siya titigil noh?" Sarcastic na sabi ako tuluyan ng iniligpit ang mga gamit.

Narinig ko ang mabibigat na hininga ni Papa kaya napatigil ako at tumango sa kanya.

"Pupunta ako Pa, para sa'yo. Sana lang hindi magkagulo doon kapag dumating ako. Paki-inform na lang siya na ayaw ko sa kanya." Madiin na sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin pa ni Papa.

How pathetic. Kahit kailan hindi ko talaga maiintindihan ang ginagawa ni Errah. She left me na parang hindi niya ako anak, hindi niya man lang naisip na kailangan ko ng nanay tuwing lumalaki ako? And now that I don't need her in my life, umaakto siya ngayon na parang nanay ko. Where the hell was she when I needed her?

At ngayon papuntahin niya ako sa Batanes para makasama at makipag-plastikan sa kanya doon buong summer. She knows I hate her at ayaw na ayaw kong nakakausap o kahit nakikita man lang siya. Tingnan natin kung hanggang saan iyang pagiging mabait niya sa akin. I'm sure kapag naging okay na kami, iiwan niya na naman ako. That's why no way in hell I'll be good to her because she doesn't deserve it.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now