*2*

92 1 0
                                    

*2*

Soccer 

"Lyrra nakipagsuntukan ka ba?"

Napatingin ako sa pinsan kong si Jude na nakatingin rin sa akin habang nasa harap ng salamin at naiinis na tinitingnan ang pasa sa gilid ng labi ko.

Nagamot na ito kanina sa school clicnic kaya hindi na masyadong masakit pero obvious na obvious pa rin talaga. Siguradong magtatanong si Papa tungkol dito kapag nakauwi na iyon.

"Sinuntok ako Jude, hindi ako nakipagsuntukan." Pagod na sagot ko at umalis na sa harap ng salamin. Dumiretso ako sa kusina at umupo sa isang upuan sa dining table.

I scanned the whole table. May ulam doon na adobong manok at pritong isda.

"Ang lakas naman ng kamao ng babae na iyan kung ganoon?" Nagulat na tanong niya habang kumukuha ng baso sa tray at nilapag ito sa harap ko.

"Sino ba may sabing babae ang sumuntok sa akin?" Tanong ko at nagsimula ng kumuha ng ulam at kanin sa hapag.

Natigil siya sa pagsalin ng tubig sa harap ko at pabagsak na binaba ang pitsel na hawak.

"Sinong matinong lalaki ang susuntok sa babae? Sino yan Lyrra?! Susuntukin ko yan bukas sa school ninyo!" Galit na sigaw niya kaya natigil rin ako sa pagnguya ng pagkain.

Nilingon ko ang pintuan sa sala at baka dumating na si Papa at narinig pa ang usapan namin.

"Ano? Makikigulo ka rin sa school namin? Huwag mo ng patulan iyon."
Tinanggal niya ang apron na suot at padabog iyong inihagis sa gilid. Pinagmasdan ko siya na galit na uminom ng tubig at umupo na sa harap ko para kumain.

"Jude, naiintindihan ko naman na galit ka pero kasi gagawa ka lang ng panibagong gulo kapag gumanti ka pa doon." Mahinahon na sabi ko.

"Kahit hindi ako gumanti, gagantihan pa rin iyon nina Quinn." Aniya na hindi nakatingin sa akin at nagsimula na ring kumuha ng pagkain at nilagay iyon sa pinggan niya.

Tumahimik na ako. Hindi mangyayari iyon dahil pinagsabihan ko na sina Quinn na huwag ng gantihan iyong si Chua. May saltik yata iyon sa utak kaya nanununtok ng kahit na sino kapag galit. Ni hindi ko nga kilala iyon eh, ngayon ko lang siya nakita. Marami naman akong kilala na mga students na may lahing Chinese sa school pero ang isang iyon ay hindi ko pa nakikita.

"Sino ba kasi yan?" Tanong niya ulit kaya binigyan ko siya ng nagbabantang tingin.

Alam ko na ang tumatakbo sa isipan ng isang ito. Sa halos pitong taon naming magkasama dito sa bahay ay nakilala ko na siya kaagad. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya naman para siyang kuya kung umasta sa akin.

Fourteen years old siya noong iniwan siya ni Tito Mark dito sa bahay. Si Tito Mark ay nakakatandang kapatid ni Papa sa kanilang ama. Katulad din ni Papa ay iniwan din si Tito Mark ng kanyang asawa, para sumama sa ibang lalaki. Ilang buwan pa lang si Jude dito sa amin ay nabalitaan namin na namatay si Tito Mark dahil sa atake sa puso habang nagta-trabaho sa Maynila.

Naalala ko pa na halos hindi namin noon makausap ni Papa si Jude dahil nakakulong lang siya buong araw sa kwarto niya. Binibigyan din naman siya ng pera ng nanay niya na nasa Barcelona pero ayaw niyang tanggapin. Aniya, pera daw iyon ng lalaki na sumira sa kanyang pamilya kaya malas daw iyon.

Naiintindihan ko si Jude dahil ganoon din ang nangyari sa amin ni Papa. Iniwan din kami ni Errah, iyong nanay ko na sumama sa ibang lalaki na mayaman. Nakakairitang isipin na iniwan niya kami ni Papa para sa pera.

Bata pa ako noon kaya wala akong matandaan noong mga panahon na iniwan niya kami ni Papa but that doesn't mean na hindi ako dapat masaktan kasi wala akong maalala sa nangyari. Wala naman talaga akong pakialaman sa kanya, nasasaktan lang siguro ako para kay Papa. Kasi mabait at masipag naman siya kaya bakit siya iiwan di ba?

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now