*3*

95 1 0
                                    

*3*

Jacket

Bored ko na tiningnan ang isang lalaki na nakaluhod sa harap ng isang babae sa fountain area ng school. Some of the guy's friends are lining up horizontally in front of them while holding a signages saying.

"Will you be my date for the Regale?"

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan na tumango na ang babae at tumayo na sa pagkakaluhod ang lalaki. They hugged each other after that.

One thing is for sure, pumayag ang babae sa proposal ng lalaki. They're going together to the Regale.

"Gosh this is an eye sore." Maarte na sabi ni Twinkle sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangiwi siya habang pinagmamasdan rin ang tanawin sa harapan namin. Ito pa nga lang ang nakikita niya nagiging bitter na siya, paano pa kaya kapag dumating na ang araw to celebrate Regale?

Regale is the school's celebration in welcoming the exchange students from Europe. It's done every three years at isa iyon sa malaking event na inaabangan ng buong school. Para siyang prom dahil naghahanap ng date iyong iba sa amin. Although it's not necessary pero talagang mapipilitan kang maghanap ng ka date dahil talagang maiiwan ka kapag wala kang inaya or kapag hindi ka niyaya.

It's also a busy week for us dahil kaming mga taga-council ang main na humahawak at naka-assign sa event na iyon. That's why I don't really know if I'll be able to find my date or if someone will ask me.

"May ka date ka na ba sa Regale?"

Napatigil ako sa pagtingin sa fountain area nang magsalita ulit si Twinkle.
Bumagsak ang tingin ko sa mga cartolina na nasa mesa namin. That, I don't know. Sa dami ba naman ng mga gawain ko ay hindi ko na naiisip iyon. Kung may dadating edi meron kung wala edi wala, di ba?

"Wala pa. Walang may nagtatanong." Wala sa sariling sabi ko habang nagpatuloy ulit sa pag-gugupit sa mga cartolina.

Nanlaki ang mga mata ko nang sikuhin niya ako.

"Kung makapagsalita ka naman akala mo hindi ka napapaligiran ng mga lalaki, ano?" Sarcastic na sambit niya.

I raised my eyebrows at her. Kung sina Quinn ang tinutukoy niya ay wala akong maaasahan sa mga iyon. Malamang sa malamang ay maghahanap iyon ng kanilang mga dadalhin sa Ragale.

"They have their own dates to bring." Sagot ko.

"And it's not really necessary to bring a date right? I'll go alone." Dugtong ko at agad naman siyang natawa.

Paano kami matatapos sa paggugupit nito kung ganito na puro lang siya chika at ako lang itong gumagawa ng mga gawain? I hope the other council members will be done eating their lunch nang dumami kami dito na nagtatrabaho.

"Lyrra you're the school's council president. Hindi pwedi na wala kang ka date. Duh?" She said at pinanlakihan ako ng mga mata at tumawa ulit.

Umiling na lang ako. So what right? I'm gonna be fine. Edi, isasama ko si Jude dito para may ka date ako. People will never noticed anyway. I have an access, I can definitely take him inside without noticing that he's an outsider.

Kumunot ang noo ko nang biglang tumigil di Twinkle sa pagtawa. Tiningnan ko siya at nakatingin na siya ngayon sa malayong dako ng hallway malapit sa mga lockers. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at halos pumitik ang ugat ko sa noo dahil sa nakita.

That guy. He didn't even say thank you to me that I put him on the soccer team to save him and his athletic scholarship.

Aro Chua with a junior girl from my department flirting on the hallway near the lockers. Nakangisi pa si Aro habang pinagmamasdan ng mabuti ang babae na kinakagat kagat pa ang labi.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now