*16*

84 0 0
                                    

*16*

Reject

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. May kaonting pula sa gilid ng labi ko pero hindi naman masyadong halata iyon.

Pasalamat na lang ako at ito lang ang itinamo ko sa nangyari sa amin kanina. Unlike Heanndra na may dalawang kalmot sa kaniyang braso. Hindi ko rin alam kung sino ang nakakalmot sa kanya kanina noong nagkagulo kami.

Napakuyom ako sa aking mga daliri nang maalala kung paano ako minaliit noong si Catherine Ortega. I'm a leech, dumidikit daw ako sa mga sikat na tao sa school kaya nanalo ako sa pagiging council president.

Ayos lang naman sa akin na tapakan niya iyong pagtao ko, but when she questioned that how did I won the school election when I'm just a daughter of a driver?

Iyon ang ayaw ko sa lahat. Ang minamaliit ang trabaho ni Papa. It's a decent job! He's not stealing anything from anyone! And it's not even connected to the fact that I freaking won in the council election. I deserved to be in the place that I am now.

Ganoon talaga siguro mag-isip ang mga tao na katulad ni Catherine ang estado sa buhay. They think you can get everything with popularity, money and looks.

What about intelligence? About your desire to lead and serve people? Hindi pa ba sapat na rason iyon para itulak mo ang sarili mo to step up and do what  really wanted to do? Hindi naman porket hindi ka mayaman at hindi ka sikat ay wala ka ng karapatan na magsilbi sa karamihan.

Catherine and her friends should be thankful dahil nagtitimpi lang ako kanina. Ayaw ko ng gulo dahil panigurado ay papagalitan na naman ako ni Dean Fajardo kapag nalaman niya na ako ang nagsimula ng away. Good thing Heanndra was also there at siya ang may lakas ng loob na pumatol sa mga babaeng iyon.

"Oh, ice pack. Baka kung mapaano pa iyan." Nakangiwi na sabi ni Twinkle habang nilalahad sa akin ang ice pack na ginawa niya.

Tinanggap ko iyon at walang gana na lumabas ng comfort room. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik sa classroom namin. Twinkle keep on talking about something pero hindi ako interesado doon.

"Damn Pyro Chua. Really? Elaine Faleo?" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Twinkle na tumigil din sa paglalakad at nakatingin sa malayo.

Sinundan ko ng tingin kung saan nakapako ang mga mata niya. Aro is talking to Elaine, iyong classmate namin na sobrang competitive pagdating sa academics. She will literally do everything to be on top. People call her weird, you know, the typical girl with thick rimmed eyeglasses, braces and a short hair with a thick bangs.

Nakasandal si Aro sa pader habang nakapamulsa at nakikinig kay Elaine na nagsasalita sa harap niya. Mukhang nahihiya pa si Elaine na hindi ko maiintindihan dahil napapayuko siya sa tuwing tumatama ang mga mata nila ni Aro. Nakikinig naman si Aro sa sinasabi ni Elaine pero napapatigil siya minsan tuwing may dadaan sa harap nila.

"Wala na ba talagang pinipili itong si Aro Chua? Type niya yata lahat ng babae eh." Nakangisi na sabi ni Twinkle.

Nilingon ko siya sa gilid at biglang naalala ang isa sa sinabi ni Catherine kanina. That Aro is my boyfriend. Bakit kaya nasabi niya iyon sa akin? Hindi naman naging kami ni Aro, we just dated but it's not true anyway.
Nahila ang pag-iisip ko at napabalik ng tingin sa puwesto nina Aro at Elaine.

Hindi niya type lahat ng babae na nilalandi niya. Gusto niya lang makipaglaro sa mga iyon kaya ginagawa niya ang lahat para makuha sila. Ano nga ba ang makukuha niya kay Elaine?

Padabog kong tinanggal ang ice pack habang matalim na tinitingnan sina Aro at Elaine. Nabuhay ang iritasyon sa buong sistema ko. Gusto kong itapon sa kanila iyong ice pack na hawak ko at sabunutan si Elaine hanggang sa sabihin na niya na hindi niya type si Aro at nag-uusap lamang sila tungkol sa isang importanteng bagay.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now