*8*

78 1 0
                                    

*8*

First Time

"Magpapasundo ka ba mamaya?"

Natigil ako sa paglagay ng mascara sa pilikmata ko nang marinig ang boses ni Jude sa gilid ko. Nilingon ko siya doon at agad na umiling. Aro told me he will take me home after the Regale kaya hindi na kailangan pang may sumundo pa sa akin. I'll just used the privilege of dating Aro Chua for now.

"Hindi na Jude. Madaling araw na siguro ako uuwi dahil may after party pa mamaya sa Samanyana." I said talking about that beach na ilang minuto lamang ang layo sa school.

Ang sabi ng mga taga-media sa school nagsagawa daw sila ng after party doon sa Samanya at libre lahat ng nandoon. Malapit na rin kasi matapos ang second semester at finals na sa susunod na buwan kaya magpa-party daw sila ng libre.

"Pupunta ka doon? Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganoon?" Mapanuya niyang tanong kaya padabog kong nilagay sa clutch bag na dala ang lipstick.

"Hindi ako mahilig sa ganoon. I'll just have to go because they need me there." Pagtatapos ko at agad na nagpahatid sa kanya sa gate ng bahay.

Tinanaw ko ang kahabaan ng daanan papasok sa compound namin at nilibot ang pangin baka sakaling nandito na si Aro. I need to be at school as early as I can dahil magfa-finalize pa kami ng mga kasama ko doon.

Pinailaw ko ang cellphone at nakitang six forty na. Nasaan na ba si Aro? He said he'll pick me up around six. I knew it! Sana pala hindi na lang ako naniwala sa offer niyang iyon. I'm sure makalimutan na niya na dapat pala ay susunduin niya ako dahil iyon ang sinabi niya sa akin.

"Ano? Hindi pa ba dadating ang sundo mo? Anong oras na ah?" Untag ni Jude sa likod ko kaya nilingon ko siya at huminga ng malalim.

"Ihatid mo na lang ako. Baka nasiraan iyon sa daan." Mapait na sabi ko kaya tumango naman siya sa akin at agad na nagtungo sa sasakyan niya.

Good thing may sasakyan siya na ibilin ni Tito Mark sa kanya bago ito namatay. It's an old Fuego car and not that expensive pero at least may masasakyan kami. Mabilis akong sumakay doon at agad nakarating sa eskwelahan.

Bumaba ako doon at nilingon siya sa driver's seat. Tumango siya sa akin at winagayway ang dalang cellphone.

"Tumawag ka kapag kailangan mo ng sundo okay?" He said kaya tumango ako at kumaway sa kanya.

Mabilis akong pumasok sa loob ng campus at narinig kaagad ang malakas na music na nanggaling sa loob ng gymnasium ng school. May ilan na bumabati sa akin habang papasok doon. Hindi naman masyadong mahirap ang tumakbo dahil naka-cocktail dress naman ako at hindi masyadong mataas ang heels ng sapatos ko.

Agad kong nakita si Twinkle na nakatayo sa gilid ng stage kaya kumaway ako sa kanya. She looks pretty in her black and silver long gown.

"Ayos na lahat. Maganda pala talaga ang stage kapag nailawan na!" Excited na sabi niya kaya napangiti ako habang nakatingin sa kabuuan ng stage.

Halos hindi ko na rin marinig ang sinasabi niya dahil naghalo na ang ingay ng mga estudyante sa loob at ang malakas na music galing sa stereo. Napalingon ako sa likod nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko na si Dean Fajardo iyon at bihis na bihis din siya. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Do you have someone to escort you Lyrra? Kailangan mo ng maghahatid sa'yo sa taas." Aniya kaya napalunok ako at natahimik ng ilang sandali.

Iginala ko ang paningin sa paligid at baka sakaling makita ko si Aro sa dagat ng mga tao sa gitna ng gymnasium. Agad akong kinabahan nang mapagtanto na walang maghahatid sa akin sa taas ng stage para umupo doon kasama ang mga mahahalagang tao para sa programang ito.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now