*13*

78 0 0
                                    

*13*

Sorry

I spent the whole week doon sa apartment ni Nixon na katabi lang din naman ng unit din ni Quinnito pero dahil nauna siya na umuwi kay Nixon sa Bohol, wala ding tao sa unit niya.

I texted Papa and Jude na ngayong araw ang uwi ko. I also told them na okay lang kahit hindi nila ako sunduin. Tumigil ang sinakyan kong trisikel sa harap ng bahay kaya mabilis din akong bumaba at pumasok sa bahay. Nang makapasok ay agad na bumungad sa akin ang seryoso na mukha ni Papa.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo malapit sa dining table. Napansin ko na nakadamit na siya ng pang-trabaho. Humalik ako sa pisngi niya bago siya tunalikuran para sana pumasok na kwarto ko nang bigla siyang nagsalita.

"Tinawagan ako ng mama mo Lyrra. Alam ko ang nangyari. Hindi ba dapat noong isang linggo ka pa nakauwi? Saan ka pumunta at ngayon ka lang?" Tanong niya at nahihimigan ko na ang galit doon.

Napapikit ako at kinalma muna ang sarili bago siya hinarap.

"I'm sorry Pa, hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Doon po ako nanatili sa apartment ni Nixon sa Centro po." Mahinang paliwanag ko.

Huminga ng malalim si Papa na para bang napakalaking problema nito ngayon. Yumuko na lang ako at inisip na tatanggapin ko lahat ng galit ni Papa sa akin ngayon dahil kasalanan ko naman talaga. Hindi man lang ako nakapag-text sa kanya na ganoon ang nangyari.

"Anak, hindi ako galit dahil ginawa mo iyon sa mama mo. Naiintindihan kita sa lagay na iyon pero sana naman ipinaalam mo kaagad sa akin ang nangyari at sana umuwi ka na lang diretso dito sa atin!" Parang kulog ang boses ni Papa sa huling sinabi.

"Sorry po." Ulit ko pa.

"Akin na ang cellphone mo. Huwag kang lalabas ng bahay hangga't hindi kita pinapayagan Lyrra. Huwag na huwag kang aalma sa gusto ko, naiintindihan mo?" Galit na sabi niya kaya tumango ako.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bag at nilapag iyon sa mesa. Sumenyas siya na umalis na ako kaya para akong tuta na sumunod doon at agad na naglakad papasok sa kwarto ko.

Minsan lang magalit ng ganito si Papa kaya hindi na ako umaalma pa o kahit sumagot man lang sa kanya. He is Papa. Ayaw ko na pinapabigat ang loob niya. He's the only one I have kaya I'll do whatever he wants me to do.

Para akong namatayan sa loob ng kwarto ko. Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang magbasa ng mga libro, magsulat ng kung ano-ano, magpatugtog ng mga kanta at maglaro ng PSP ni Jude. Salamat sa PSP niya at kahit papaano ay may libangan ako dito sa bahay.

That's my routine sa loob ng kalahating buwan. Kalahating buwan! Can you believe it? Para akong taong kweba dahil sa nangyayari sa akin!

Noong isang araw ay sinabi ko kay Papa na kailangan kong pumunta sa school para sa enrollment dahil malapit na ang pasukan. Halos malaglag na lang ang panga ko nang sabihin niya na ginawa na ni Jude ang lahat at enrolled na ako. Bagsak ang balikat ko habang papasok sa kwarto. Ganoon ko talaga siguro ginalit si Papa.

I'll probably have my freedom kapag pasukan na. Napatingin ako sa mesa na nasa tabi ng kama ko at nakita doon ang anklet na ibinigy ni Aro sa akin. Napabalikwas ako nang maalala si Aro. The last time we talked was when I was still in Batanes. He told me we're going to sort things out between us kapag nakabalik na siya galing China. Nakabalik na kaya siya? Damn it! I can't talk to him.

Ilang linggo pa ang hinintay ko bago ko nakuha ang cellphone at kalayaan ko kay Papa. Mabilis kong tiningnan iyon at halos manlumo na lang sa mga texts at missed calls na natanggap ko. Agad kong hinanap ang pangalan ni Aro sa messages ko at binasa kung ano ang mga tinext niya sa akin. Mayroon doon na noong isang buwan pa niya tinext, noong nakaraang linggo, noong isang araw at kahapon.

A Double Heart (#2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt