*34*

74 2 0
                                    

Happy New Year!

*34*

Betray

"Congratulations Lyrra! Finally an engineer and architect at twenty three!"

Nakangisi kong tiningnan si Nixon na may hawak hawak na bote ng champagne. Beside him is his girlfriend, Mikaela.

I raised my wine glass to offer a cheers at him and his girl. Ngumiti si Mikaela sa akin at nagtaas rin ng wine glass.

"Congratulations Lyrra." She sweetly said kaya tumango ako sa kanya.

I throw a little party to celebrate in Quinn's house, because today I am officially an architect. Wala rin naman masyadong mga bisita, just some of my friends from school and two of my professors. Ofcourse, Quinn's family is here also. Nakauwi na nga iyong ibang mga bisita at kami na lang ang naiwan dito.

Napaayos ako sa pagtayo nang makita si Tita Helga na papalapit na ngayon sa akin habang karga karga si Paxton sa kanyang mga bisig. She smiled at me. I have known her as a strict woman. Kahit noong mga bata pa lamang kami ni Quinn at madalas ay dinadala niya ako sa bahay nila sa Bohol, his mom would always show me her cold side. Noong una ay hindi ko alam kung talaga bang ayaw niya sa akin o ganoon lang talaga siya makitungo sa lahat.

As time goes by unti-unti ay naging malambot ang tungo ni Tita Helga sa akin. She supported Quinn's idea of hiding us from everyone and I will always thank her for that.

"Quinnito told me you are not sure about going home for Commulus' wedding?" She asked caressing Paxton's back. Tahimik naman na nakatitig lang sa kung saan ang anak ko. Halatang pagod na sa buong araw na ito.

Mabilis akong umiling. Hindi ko pa nasasabi kay Quinn na ayos na ako at uuwi ako para sa kasal ni Commulus at Ciara. Kaya siguro wala rin alam si Tita Helga ngayon.

"Uuwi po ako Tita, hindi ko lang nasabi kay Quinn." Ngumiti ako sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin kundi kay Paxton.

Tumawa si Tita Helga habang tutok na tutok kay Paxton na pinaglalaruan ang ribbon sa kanyang dress.

"No!"

Pagalit na sigaw ni Paxton na nag aamba na baba mula sa pagkakahawak ni Tita Helga sa kanya.

My twins are now five years old and I didn't know how can time passed by so fast. Parang noong nakaraan lang ay hirap na hirap kaming dalawa ni Quinn na alagaan silang dalawa. Thanks to Divina because she was there to help us. And also Tita Helga and Tito Quing. Ngayon ay halos marunong na silang maglakad at nakakausap na minsan.

"Well then, siguro naman ay dadalhin mo ang kambal kapag uuwi na kayo?" Si Tita Helga pa rin habang nilalapag na si Paxton sa isang sofa katabi ni Nixon.

Agad naman na kinuha ni Nixon si Paxton kaya natuon na ang buong atensyon nito kay Nixon at kay Mikaela. They played with Paxton kaya napatingin na sa akin ng tuluyan si Tita Helga.

Tumango ako sa kanya. Well ofcourse, dadalhin ko ang mga anak ko. Iyon nga lang ay hindi pa ako sigurado kung sasabihin ko ba ito kay Papa at Mama. Hindi muna ako tutuloy sa bahay kapag ganoon. I don't know how to plan this stuff so I should probably ask Quinn about this. Maybe he already had an idea.

"Mabuti naman kung ganoon!" Nakahinga ng maluwag si Tita Helga. "Rohan is too old already to babysit." She laughed heartily.

Ngumiti ako at pinaglaruan na lamang ang laman ng wine glass na hawak hawak ko. "Rohan is still a kid, Tita." Wala sa sarili na sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Tita Helga sa akin kaya umayos ako ng tayo at tumikhim para maibsan ang kung ano man ang nararamdaman niya.

"I will bring my kids Tita. Hindi ko pa sila naipakilala kina Papa kaya naisip ko na baka ito na ang tamang panahon para doon." I smiled at her.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now