*4*

87 1 0
                                    

*4*

Second Choice

Halos mapaupo ako sa damuhan sa panlulumo habang pinagmamasdan ang storage room na itim na itim na dahil sa sunog na nangyari noong isang gabi.

Wala akong makita na kahit na ano na buo pa sa mga decorations na ginawa namin dahil puro abo na lang ang nakikita ko.

Who would do something like this? We worked everyday after class for this for the past three weeks tapos ganito lang? Masusunog lang ng ganito? Paano na iyong pera na binayad ng mga students for this event? Nilamon lang ng ganoon?

"I'm sorry Lyrra, there's nothing left. Pina-check na ni Dean Fajardo ang buong boundary pero wala na daw talaga." Nanlulumo rin na sabi ni Conan sa akin, isa sa mga kasamahan ko sa council.

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Parang may bumasag sa puso ko doon sa sinabi niya. Regale is just a week away, paano namin gagawin ulit ang props at decorations kung ganoon na kaonti na lang ang natitirang panahon?

Napasulyap ako kay Dean Fajardo na katatapos lang kausapin ang isang pulis. Tumakbo ako sa kanya at nang makita ako ay nalungkot kaagad ang kanyang mukha.

"Dean..." Halos naiiyak na nasabi ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at humalukipkip sa harap ko.

"The police found out that the reason for the fire is a candle. May gumamit daw sa loob at hindi iyon napatay." Deklara niya sa harap namin at isa-isa kaming tiningnan.

Napakagat ako sa labi ko at pilit na inaalala kung gumamit ba ako ng kandila kahapon. I'm the last one to use the storage room yesterday and I'm one hundred percent sure na walang kandila sa loob noon.

"Now, you have all the keys to the storage room right?" Tanong ni Dean.

Tumango kaming lahat at nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto. I'm not the last one to left the storage room yesterday? May iba pa, at isa iyon sa mga kasamahan namin sa council. We all have access to the storage room dahil may susi kaming lahat.

"Who did this? I'm definitely sure I locked the storage room yesterday before I went out. I swear to God, if any of you did this..." Galit na baling ko sa mga kasamahan na nakatayo lang sa likod ko.

Nanlaki ang kanilang mga mata sa mabilis kong akusasyon sa kanila na nasa tabi ko nakatayo. Sinulyapan ko si Dean Fajardo na tahimik na lang habang nakahulukipkip pa rin na nakatingin sa amin.

"Woah there, Lyrra. Are you saying that the one who burned the storage room is one of us?" Hindi makapaniwala na tanong ni Julio sa akin.

Napalunok ako at binalingan ulit ng tingin si Dean Fajardo. She gave me a go signal na magpatuloy lang sa pagsasalita. This means one thing. Sumasang-ayon siya sa sinabi ko kanina na isa sa members ng council ang nag-iwan ng kandila sa storage room.

"Why would you think something like that, Lyrra? Alam naman nating lahat na mahirap gumawa ng mga decorations na iyon. Bakit naman namin susunugin iyon? We're all excited for the upcoming Regale." Nagtataka na tanong ni Yen.

"I didn't say na sinadyang sunugin. The police officer said, naiwang kandila. Definitely, someone played a fire inside the storage room. Tayo lang naman ang may access sa storage room, di ba?"

"I was the last one who left the storage room yesterday at wala akong nakita ni isang kandila sa loob. Now, tell me who among you did this?" Matigas ang bawat salita na binitawan ko sa harap nila.

Not a single voice heard among them. Napapikit ako nang wala ni kahit isa sa kanila ang nagsalita. Really? Nobody will speak up the truth?

"C'mon Lyrra. Huwag ka naman magbintang ng ganyan sa amin. You have no evidence to prove your accusations." Medyo natatawa na sabi ni Yen dahil mukhang na offend yata siya sa mga sinabi ko.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now