*31*

84 1 4
                                    

*31*

Accept 

"Call me when you need anything okay?"

Si Papa sa pangtalong beses na. Kanina niya pa ito sinasabi sa akin sa bahay at ngayon na nasa sasakyan na kami ay ganito pa rin ang bukambibig niya. Today is our flight papuntang Manila para sa site visit tour ng tatlong araw. School bus ang sasakyan namin papuntang airport sa Bacolod para sa flight for Manila.

"Pa ayos lang. Nandoon naman si Suzie, sa condo niya ako matutulog at makikipagkita rin ako kay Quinn." Sagot ko para matigil na siya sa pag-aalala.

Pagdating namin sa school ay nandoon na ang iba naming kaklase malapit sa gate at nag-iingay na. Lahat ay may bitbit na mga bags at kung anu-ano pa. Kumaway si Twinkle sa akin kaya napangiti ako at kumaway din sa kanya.

Bumaling ako kay Papa at niyakap siya. "Bye Pa. Te-text po kita kapag dumating na kami." I kissed his cheek bago nakihalo na sa mga kaklaseng nagtatawanan.

Dumating si Dean at tatlo pa naming advisers para magbigay ng mga guidlines at instructions. A few more minutes of waiting at pagkatapos ay tumulak na kaming lahat gamit ang school bus ng school papunta sa pinakamalapit na airport dito.

"I hope it turns out fine with you and Aro. Malapit na ang graduation Lyr, you're going to be a summa cum laude at hindi pwedi na wala siya kapag aakyat ka ng stage di ba?" She said trying to cheer me up habang nagbo-board na kami sa eroplano.

I don't even know about that. Pagkatapos ng nangyari noong gabi na iyon ay bumaba kami ni Seven sa Fleurette para magpalipas ng oras. I cried in front of him and I was thankful because he was there for me. Ilang araw pa ang lumipas nang tinawagan ako ni Aro at ipinaliwanag sa akin ang katotohanan sa likod ng mga litrato na iyon.

"Love, it's a photoshoot for a Chinese magazine. Hindi ko alam na ganoon pala ang nilagay nila."

"There's nothing going on between me and Sofia. We did that photoshoot because of the merging of our companies and theirs."

"Let's talk kapag uuwi na ako. I'll be on your graduation. I love you."

Iyon ang mga naalala ko na sinabi niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag doon sa sinabi niya but there's something inside me na hindi matahimik. Hinhintay ko siya na makauwi para malinawan ang lahat. Iyon ang sabi niya, uuwi siya para sa graduation ko.

The experience on the site visit made me realize how I badly wanted to be a civil engineer when I was a kid. I am very fascinated by numbers at first at sumunod na ang pagkamangha sa mga matataas na buildings and I got curious kung paano ginagawa ang mga iyon. Hindi rin matago ang pagkamangha ko sa mga firms na nag-oofer na sa akin ng trabaho kahit malayo-layo pa ang daan na tatahakin ko.

On our third and last day ay naisipan kong makipagkita kay Suzie para sa isang breakfast para ihatid sa kanya ang susi ng kanyang condo. Umalis kasi siya kagabi at ngayong umaga lang nakauwi. I told her to meet me at a coffee shop near our hotel para hindi na ako mahirapan mamaya.

Bumeso siya sa akin nang makalapit na sa mesa ko. "Ate, you look so damn pale. Mag-order ka na nga baka mahimatay ka sa sobrang paghihintay dito sa akin!" Irap niya sa akin.

Nagtawag siya ng waiter at sinabi ang mga orders namin. Nang makaalis na ang waiter ay nilapag ko na sa mesa ang susi ng kanyang condo. Peke siya na ngumiti sa akin habang dahan-dahan na kinukuha ang susi sa mesa.

"I am gonna tell Mama about this Suzie. Saan ka ba talaga galing ha?" Nanliit ang mga mata ko sa kanya.

Hindi siya umuwi kagabi at dito na dumiretso sa coffee shop dahil wala naman siyang susi. Tiningnan ko ang suot niya na ivory colored silk romper. Pumarty na naman yata ito? Alam ba ito ni Mommy at Tito Edmund?

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now