*27*

65 0 0
                                    

*27*

WARNING: SPG

Pain

"Tumawag si Quinn dito kanina, hinahanap ka."

Napaangat ako ng tingin kay Papa na nasa isang hagdanan at inaayos ang ilaw sa balkonahe. Kinuha niya ang ilaw doon at nilahad sa akin. Huminga ako ng malalim at kinuha iyon. Binuksan ko ang bagong karton ng bombilya at iniabot ito kay Papa.

Simula noong nag graduate ang mga kaibigan ko ay naiwan akong mag-isa sa school. Nauna sila na mag graduate sa akin at dagdagan pa na may fifth year ako ay mas lalo akong nahuli.

Quinn went for a medical school in Manila, Cirrus enrolled himself for MBA in California at nagtrabaho naman sa Manila sina Seaver at James while Nixon, umuwi sa kanila sa Bohol. Dati, asar na asar ako sa kanila lalo na noong naging kami na ni Aro. Palagi nila akong binu-bully pero ang tahimik na ng buhay ko sa school ngayon at na miss ko sila.

Almost half of my school memories ay nandoon silang lahat. They are my rock. Kasangga at karamay sa lahat ng bagay. I depend on them too much na sa unang pagkakataon na wala na sila sa school ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sino na ang kasama ko kumain? Umuwi? Mag-aral?

"Tatawagan ko na lang po mamaya, Pa." Tipid na sagot ko kay Papa.

"At saka tumawag din si Suzie, tinatanong kung gusto mo daw ba na sa Maynila mag review para sa board exam mo ng may kasama siya sa kanyang condo."

Nagtagal ang tingin ko kay Papa nang banggitin ang pangalan ng kapatid ko. I reconciled with Mama and her family noong nakaraan. I figure out that whatever reasons I have for hating them it still doesn't change the fact that she's my mother and Suzie is my half sister. I got tired of hating them kaya sumuko na ako at nagpatawad. Masaya sa pakiramdam na gumigising araw araw na wala akong dinadala na pagkamuhi. It made me a better person.

I watched Papa attached the bulb in it's socket at nang matapos iyon ay bumaba na siya sa hagdan. Umupo naman ako sa sofa at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga handouts. Natapos na ang OJT ko sa firm ng mga Maceda gayong malapit na rin magtapos ang isang school year.

Aro will be graduating next month at talagang ako na lang ang maiiwan mag-isa sa school. Busy na silang lahat sa pagpapasa ng mga final requirements para sa graduation kaya halos hindi na kami nagkikita. Naiintindihan ko naman iyon. This will be his final year dapat ay sulitin niya iyon.

Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng mga notebooks ko at dinial ang cellphone number ni Suzie. Sana hindi busy iyon para masagot niya naman. Nag ring iyon ng ilang sandali bago may sumagot. Salamat naman.

"Hello." Maarte na sagot niya sa kabilang linya kaya napairap ako at ngumisi.

"Anong atin?" Bored na tanong ko at niloud-speaker iyon para makapagsulat ako ng mga plates.

Narinig ko ang ingay sa background na para bang nasa isang crowded siya na lugar. Nasaan na naman kaya ang batang ito?

Naramdaman kong naglakad siya sa kung saan dahil biglang nawala iyong ingay kanina. "Ate! Tumawag ako kanina sa bahay ninyo si Tito Marcus ang nakasagot. Kelan ka uuwi sa Batanes?" Tanong niya.

Napangiwi ako sa kanyang tanong. Kailan nga ba ako last umuwi ng Batanes? Noong nakaraan taon? Tama, birthday yata iyon ni Suzie kaya umuwi ako doon. Busy ako ngayon kaya hindi ko alam kung kailan ako makakapunta ulit doon.

"Di ko pa alam Suzie. Masyadong busy sa school dahil magfi-fifth year na ako, di ba?" Wala sa sarili na sabi ko habang iginuguhit ang isang blue print sa harap.

"Ay ganun? Sige. At saka Ate!" Tili niya kaya sinulyapan ko ang cellphone sa tabi ko at kumunot ang noo sa boses niya. Ano nangyari sa kanya? "Nilakad mo na ba ako kay Nicollo?" Natutuwa na tanong niya.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now