*10*

85 0 0
                                    

*10*

House

Tiningnan ko sa pang tatlong beses ang cellphone ko na kanina pa tumunog sa harap ko. The same name and cellphone number flashed in the screen.

Bakit ba siya tawag ng tawag? I thought he's going to China?

Inis ko na kinuha ang cellphone at sinagot iyon. This is annoying! Why am I even answering his call kung naiinis ako sa kanya?

"Oh?" Medyo galit na sabi ko.

Medyo tahimik pa ang kabilang linya kaya inilayo ko ang cellphone sa tenga at pinagmasdan iyon ng ilang sandali bago ibinalik sa tenga ulit.

"Where are you?" He asked in his always cold tone.

Agad akong napaayos ng upo pagkarinig sa boses niya. This is not good. Boses pa nga lang ang naririnig ko ay natataranta na ako. What is happening to me?

"Nasa bahay. Bakit?"

Huminga siya ng malalim sa kabila kaya napatayo na ako at napasandal sa pader.

"Can I see you for a bit?" Pagdadalawang isip na tanong niya.

Napakagat ako sa labi ko at hindi maintindihan ang nararamdaman.
Bakit ba kasi ako natataranta? Jesus, calm the fuck down, Lyrra. This is just Aro, the jerk who punched you.

"Akala ko ba nasa China ka?" Pag-iiba ko sa usapan.

He laughed sexily kaya napalunok ako. I don't know if he really laughed that way o talagang nababaliw lang ako kaya ganoon ang pagkakarinig ko.

"I'll be going tomorrow that's why I want to see you now. Can you go out?" He said na may halo pa rin ng pagkatuwa.

Mabilis ako na tumakbo sa cabinet sa kabilang sulok ng kwarto ko at agad naghanap ng maisusuot. Nang mapagtanto na hindi ko pa siya nasasagot sa tanong niya ay tumigil ako sa paghahalungkat ng mga damit at tumikhim.

"Lalabas ba tayo? Saan tayo pupunta?" Mahina na tanong ko at agad napasapo sa noo.

"Why? Do you wanna go somewhere in particular?" He asked instead at mabilis akong umiling.

"Wala naman. Para alam ko kung ano isusuot ko."

"Hmmm. You can wear anything you like. Just don't show too much skin." Aniya kaya napatango ako.

"I'll pick you up now." He said at agad ibinaba ang tawag.

Agad akong nag-ayos ng maayos na damit at nagpaalam kay Papa na may pupuntahan lang sa Centro. Pumayag naman siya kaya naglakad ako ng ilang minuto palabas ng compound namin. Ilang sandali pa ako naghintay nang dumating iyong sasakyan ni Aro.

Tumigil siya sa harap ko. Nakangiti siya na lumabas sa driver's seat at umikot para pagbuksan ako ng pintuan sa kabila. Walang imik ako na pumasok doon at agad naamoy ang pamilyar na bango ng kanyang sasakyan.

"Kumain ka na ba?" He suddenly asked habang nagmamaneho.

Binalingan ko siya ng tingin at agad na umiling. Ngayon ko lang naalala na lumabas lang ako nang hindi pa nakakakain. Tumango siya sa akin at tahimik na nagmaneho hanggang sa makarating kami sa Fleurette.

Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mapagtanto na dito kami kakain at baka nandito rin ang iba naming mga kakilala. Ito din kasi ang madalas na tambayan ng mga estudyante. Nobody knows we are doing this at hindi pa yata ako handa na malaman nilang lahat iyon.

Inayos ko ang sarili at nagsimula sa paglalakad. Nakailang hakbang pa lang ako nang makita ang grupo nina Julio na nakaupo sa labas ng Fleurette. Nagkakatuwaan sila at basi sa mga bote na nasa mesa nila ay mukhang kanina pa sila dito.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now