*26*

59 0 0
                                    

*26*

Attractive

The car ride home was a blur. I didn't say anything while Aro was driving because I pretended to be asleep the whole ride. When we arrived at his mom's house we still didn't talk much. Nag-ayos lang kami at agad ding nagpahinga. Probably because we are both tired from all the what abouts on that party.

I woke up with a throbbing head in a Sunday morning. The liquor I drunk last night para palakasin ang loob ko ay nauwi sa wala. Now, I have to gather all the courage I have para kumbinsihin si Aro. Wala ng alak na tutulong sa akin para palakasin ang loob ko.

Umupo ako ng ilang sandali sa kama dahil sa sakit ng ulo. Binalingan ko ang katabing espasyo sa kama at nakitang wala na si Aro doon. Ilang sandali pa akong umupo doon at ininda ang sakit ng ulo bago napagdesisyunan na tumayo na at mag-ayos. I took a bath and change into a new set of clothes. I seldom sleep here kaya mayroon ako ditong damit na naiwan. Pagkatapos mag suklay ng buhok ay bumaba na ako sa hagdan.

Agad na umatake sa ilong ko ang bango ng mga niluluto sa baba. Tumigil ako sa huling baitang ng hagdan at pinagmasdan si Aro na nakatalikod na walang saplot sa ibabaw habang busy sa niluluto niya sa kusina. His hair is a bit damp at medyo magulo iyon. The drawstring from his grey sweatpants is not tied and it's loosely hanging. Godness! His back muscle is freaking flexing while flipping pancakes on the freaking pan.

Stop drooling Lyrra! Para namang hindi mo ito katabi matulog minsan! Topless pa nga iyan pagnanatulog minsan. Get a hold of yourself at baka iba ang breakfast mo ngayon! You're loosing it again!

Napalunok ako sa mga maduduming iniisip. Napaayos ako sa pagtayo at tumikhim nang tumigil si Aro sa ginagawa niya at tinaasan ako ng kilay. Nagkatinginan kaming dalawa habang naglalakad na ako papalapit doon sa mesa. Ngumiti siya at umiling habang dinadampot niya ang itim na t-shirt sa gilid at isinuot iyon.

Napasimangot ako. Now he's not topless anymore. Sayang naman.

Itinuon ko na lang ang pansin sa mga pagkain na nakahain sa mesa. There's bacon, eggs, fried rice and a pitcher of orange juice.

"How are you?" Basag niya sa katahimikan ko. Nilingon ko siya ulit at nakatalikod na siya habang tinatapos ang pancakes at nilagay ito sa isang plato.

Hinawakan ko ang ulo ko at inalog alog iyong kaonti. Hindi ako okay. Masakit ang ulo ko at inaantok pa ako. Mabuti na lang talaga at Sunday ngayon, kahit nag iinternship kaming dalawa ni Aro ay pareho pa rin naman ang schedule namin sa regular na school days.

"Here. Drink this. Ayoko na umuwi kang masakit ang ulo mo." Aniya at nilapag sa harap ko ang isang basong tubig at isang aspirin tablet.

Kinuha ko iyon at mabilis na ininom. Sinundan ko siya ng tingin na umupo na sa harap ko at nagsimula ng lagyan ng fried rice at dalawang bacon strips ang isang plato. Napasapo ako sa noo nang maalala na hindi ako nakapagpaalam kay Papa na dito ako matutulog sa bahay ni Aro. He's okay with it basta daw ay magpaalam lang ako.

"Crap... " Mahinang mura ko at kinuha ang inabot niyang plato sa akin na nilagyan niya ng pagkain.

Siguradong magagalit iyon mamaya pag-uwi ko. Bakit ba kasi nalimutan ko?

"What is it?" Nag-aalalang tanong niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi at umiling.

"I forgot to text Papa na dito ako matutulog." Ngumiwi ako at nagsimula ng kumain.

"Tinawagan ko kagabi." He said cooly.

Napatigil ako sa pagsubo at tiningnan siya. Tumaas ang kilay ko sa kanya and he just smirked as usual. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nag-uusap ng mga gagawin sa buong araw. Pagkatapos nito ay ihahatid niya na daw ako pauwi.

A Double Heart (#2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu