*22*

67 1 9
                                    

*22*

WARNING: SPG

No Special

I watched Aro talked to Havex in a distance habang nakaupo sa isang mahabang upuan. Sa harap nilang dalawa ay ang Lolo ni Havex na si General Tetangco. His white coffin is covered with the Philippine flag simbolo na isa siyang matapang na alagad ng bansa. Sa malapad na gilid ay maraming puting bulaklak at ilaw.

Ayon sa balita, he was killed in an ambush at maging ang convoy niya na mga pulis ay nasama rin sa ambush. Aro told me that Clicko's bother, Martin was one of the policemen in the ambushed vehicle. Mabuti na lang daw at buhay pa si Martin pero nasa hospital daw ngayon.

Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan silang dalawa na seryoso na nag-uusap. Kanina pa umiiyak si Havex at panay naman ang pagpapatahan ni Aro sa kanya. It must've been so devastating for Havex, lalo na at wala na siyang mga magulang at naiwan siya sa kanyang Lolo at sa kapatid nito.

"Is she okay?" Salubong na tanong ko kay Aro nang makabalik na siya sa upuan namin.

Umiling iling siya at huminga na lamang ng malalim. It's also hard for him, I know. Matalik niyang kaibigan sina Havex at Clicko and seeing a friend breaking down in front of you at wala kang magawa para maibsan iyon ay nakakalungkot isipin.

"She'll be fine. Hajo is the strongest. She was raised in a military household, hindi iyon basta basta mapapatumba." Puno na kasiguraduhan na sabi ni Aro.

Nakahinga ako ng maluwag doon. Mabuti naman kung ganoon. I am not close to her but I really wish her the best of comfort and healing.

After we offered our prayers and talked some things to Havex and Attorney Tres Tetangco, General Tetangco's brother ay agad na rin kaming umuwi. Gusto rin sana namin na pumunta sa hospital para mabisita si Martin pero napag-alaman ni Aro kay Clicko na hindi pa nagigising ang kanyang kapatid at istrikto sa panauhin si Sir Stratus gayong hindi pa nagigising si Martin. Security agency niya kasi ang nakabantay kay Martin.

"Hindi ka pupunta sa victory party ng team ninyo?" I ask him habang nasa biyahe na kami pauwi sa Stefanina.

Dahil nanalo halos lahat ng sinalihan ng school ay may party na inihanda ang school para sa lahat. As usual, ganoon naman talaga ang school every after succesful events nagpapa-party sila.

"I don't have the energy to do so." Pagod na sagot niya sa akin.

Niliko niya ang sasakyan at seryoso ang tingin sa daan. Well, hindi ko siya mapipilit. Mukhang hindi nga ito ang tamang panahon para magparty. Okay lang naman iyon, hindi din naman ako mahilig sa ganoon.

"Bakit? You wanna come?" Dugtong niya nang natahimik ako ng ilang saglit.

Mabilis akong umiling. Gusto ko na rin umuwi at magpahinga.

"No. Umuwi na lang tayo." I smiled slightly after siyang masagot.

Ngumiti rin siya sa akin at dahan-dahan na tumango. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ang huling palayan sa gilid tanda na malapit na kami sa Centro. The sun is settling on the horizon at nag-aagaw na ang kulay kahel at lila sa kalangitan.

"Is your father home now?" Basag niya sa katahimikan namin.

Binalingan ko siya ng tingin at napakunot ng noo. I'm not sure about that? Anong oras na ba? Sinulyapan ko ang wrist watch at nakitang alas singko na ng hapon. Madalas kapag ganitong oras ay nandito na si Papa sa bahay lalo na at Sabado ngayon.

Tumango ako sa kanya.

"I'll talk to him later kapag ihahatid na kita." Seryoso na sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

A Double Heart (#2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant