*11*

73 0 0
                                    

*11*

Villa

Isa-isa kong tiningnan ang mga gamit na dala nang makarating sa labasan ng airport dito sa Basco, Batanes. Nang makita na ayos naman iyong dala kong maliit na maleta ay agad kong hinanap ang sasakyan na sinabi ni Loreta, isa sa mga katulong ni Errah sa kanyang rest house sa Batanes.

Nakita ko sa di kalayuan ang isang matangkad na lalaki na mukhang nasa late twenties na ang edad. Nasa di kalayuan siya at nakatayo sa tabi ng itim na sasakyan. Napataas ako ng kilay nang mabasa ang cartolina na dala niya. It has my name on it and it says, welcome to Batanes.

Sinundan ko siya ng tingin habang itinataas ang hawak na cartolina at nililibot ang paningin sa paligid na para bang hinahanap niya na ako.
Mabilis kong hinigit ang maleta at naglakad patungo sa kanya.

Mainit ngayon dahil summer pero hindi naman nakakasakit iyon sa balat kaya hindi na ako nag-abala pa na mag-suot ng panlaban sa araw. Nang mamataan niya ako ay agad siyang napaayos at tumakbo patungo sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya na makalapit sa akin.

"Miss Lyrra. Good afternoon po! Welcome to Batanes Miss!" Maligaya na bati niya sa akin at walang kahirap hirap na binuhat ang dala kong maleta.

I smiled and thank him. Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa naayos niya ang maleta ko sa likod ng sasakyan at nakaupo na ako sa likod. Tahimik ang buong biyahe pero ilang sandali lang ay nagsalita na iyong driver.

"Ako po si Fritz Miss. Bellboy po ako sa rest house ni Ma'am Errah at Sir Edmund." Aniya kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatingin sa bintana ng sasakyan.

Agad na namuo sa akin ang iritasyon nang marinig ang pangalan nilang dalawa. Naririnig ko pa lang ang mga pangalan nila ay naririndi na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko na silang dalawa na magkasama?

"Nandoon si Edmund sa rest house ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Ay nako, wala na po Miss. Umalis na po siya kahapon papuntang Hong Kong. Si Ma'am Errah lang po ang nandoon ngayon." Aniya.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon. Somehow, nakakagaan ng loob isipin na si Errah lang ang kailangan kong harapin doon at hindi silang dalawa. Alam kong mawawala ako sa sariling katinuan kapag nakita ko si Edmund, kapag nakita ko ang lalaking sumira sa pamilya namin.

Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa tumigil na kami sa harap ng isang malaking restaurant. Nakatayo ito sa medyo mataas na bundok at overlooking ang kulay asul na dagat.

Marami rin ang mga tao na kumakain doon, it's lunch time I guess kaya marami ang kumakain.

This is good. Isa siguro ito sa mga elo-look forward ko sa pagpunta ko dito. At least may pagkakaabalahan akong gawin dito dahil sa totoo lang, ay hindi lang si Errah ang iniiwasan ko dito, pati na rin iyong buong tauhan niya dito.

Dahan-dahan akong bumaba sa sasakyan at kinuha ang maleta na itinabi ni Fritz sa akin. The restaurant is open kaya naman kitang-kita ang mga tao sa loob. Nakita ko sa di kalayuan ang isang babae na nakatayo sa isang table sa loob.

Medyo may katandaan na siya dahil sa kulay ng kanyang buhok. She waved her hands at me like she knew me very well. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Iha! Mabuti naman at nakarating ka ng maayos. Ako si Loreta. Ibinilin ka ng nanay mo sa akin." Masaya na wika niya.

Napatingin ako sa paligid sa sinabi niya. Ibinilin? Kung ganoon wala dito si Errah? Tingnan mo nga naman, minsan lang kami magkita pero wala pa siya dito. Well, that's okay. That means I can do whatever I want nang hindi siya nakikita.

A Double Heart (#2)Where stories live. Discover now