Chapter 10 | Holes In His Heart

47 2 0
                                    

Chapter 10 | Holes In His Heart


"The worst things in life comes free to us."
-Ed Sheeran, The A-Team


•••


Sandrew's Pov

Drunk and high. I came home at past four in the morning. Kinuha ko 'yung spare key ko sa bulsa ng pantalon ko, saka binuksan ang pinto and entered. Tahimik ang buong bahay, dahil sa malamang siguro dahil tulog pa sila.

Pag pasok ko sa sala, bukas ang ilaw at naka upo sa sofa si papa, arms cross with a serious face looking at me. Hindi ko na sana siya papansinin at aakyat na sana ako sa taas papunta sa kwarto ko, nang tawagin niya ako.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba kung anong oras na?" Seryoso niyang tanong.

"Anong pake mo? At oo alam ko, hindi ako ganoon ka bobo gaya ng tingin mo." Inis kong sagot.

"Napaka bastos mo talaga 'no." Naka ngisi niyang sabi. "Kanina mo pa pinag aalala na naman ang mama mo."

I rolled my eyes, before answering. "Hindi niyo naman ako anak e, 'wag na nga kayong mag panggap na may pake kayo sa akin. Gagawin ko gusto ko."

"Lumayas ka dito kung gusto mo gawin gusto mo! Wala kang utang na loob." Sigaw niya, standing up.

"Miguel, hun? Nandiyan na ba si Sandrew?" Dinig kong sabi ni mama na pababa ng hagdan and after ilang segundo, she was standing beside me. "Anak, saan ka na naman galing? Amoy alak ka na naman." Nag aalalang sabi ni mama.

Hindi ko siya sinagot, pero nag salita ulit si papa. "Ano pang hinihintay mo? Hindi ka pa lumayas ha?"

"Miguel!" Pag saway ni mama.

"E sakit lang naman ng ulo dala niyan dito e! Kung hindi mo sana inampon 'yan, edi sana wala tayong iniintindi!" Sigaw ni papa, walking away and making his way sa second floor.

I bite my lower lip and form my hands into fist. Hinawakan naman ni mama 'yung braso ko and look at me with apologetic look.

"Hindi niyo ba talaga kilala tunay kong magulang?" Tanong ko. Umiling lang si mama.

Yes, I'm adopted. Hindi ko tunay na magulang 'yung mga tinatawag kong mama at papa na si Sasha at Miguel. Kaya kontra din ako nang sabihin ng seatmate ko sa Philosophy na kamukha ko si Margo na panganay nila, dahil hindi ko naman talaga sila kapatid ng sumunod sa kaniya na si ate Luella.

According kay Sasha, baby pa lang daw ako ng mapulot nila ako sa loob ng basurahan nung nag gagala sila sa park. Sa daming pag iiwanan sa basurahan pa, bwiset. I was about to die in suffocation, pero na dala agad nila ako sa upuan. Nang 'di na nahanap ang nag iwan sa akin o tunay kong magulang, my non-biological parents, Sasha and Miguel Styles adopted me.

I found out I'm adopted, nang maaksidenteng sabihin ni papa na hindi naman niya ako totoong anak para samahan sa father's day program sa school nung grade five ako.

Ever since naman, pinaramdam na ni papa na ayaw niya sa akin, na wala siyang paki sa akin, na hindi ako belong sa pamilya nila. I'm the least when it comes to everything. Anong magagaw ko, e hindi naman niya ako anak. Si mama at ate Luella naman kabaliktaran, kahit papaano naman naramdaman kong meron may paki sa akin dito sa bahay. Pero that wouldn't change a thing na sampid lang ako sa pamilya nila.

Despite being adopted, I still tried to make my non biological family proud and reach out to them, pero non sense 'yun when it comes to Miguel and Margo. Minsan ko pang  pinag ipunan bilhan si Miguel ng relo para sa birthday niya, ganoon din si Margo ng sapatos nung birthday din niya. Tinanggap 'yun ni Margo pero 'di ko naman nakikitang sinusuot niya, si Miguel naman mukhaan niyang 'di tinanggap 'yung regalo ko, saying I can't bribe para matanggap lang ako.

Because of that I learned the hard way. Dahil din sa pagiging ampon ko, binully ako. That's why I became a war freak, basag ulo, para ipag tanggol ang sarili ko, and that's where it all started. Kaya nga din ako nag paka rebelde, dahil hindi ma-hanap lugar ko dito sa bahay, sa pamilya nila. Sa gang na binuo namin ni Liam, na hanap ko kahit papaano. And that's how a rebel in me was born.

Part of me has still this hole, that needed to be filled and that is makilala ang tunay kong magulang. Not to be with them or what, just to simply blame them for everything that happened to me.

"Aalis na lang ako dito." Mahina kong sabi kay mama.

"'Wag mo ng pansinin papa mo, pagod lang 'yun. Ma-tulog ka na lang din, okay?" Malimbing niyang sabi.

"E ayaw naman niya, niyo...ayaw niyo sa akin dito. Ketket lang naman ako sa pamilya niyo." Matagal ko ng gustong umalis dito honestly, halos 'di na din naman ako umuuwi. May head quarters naman akong pwedeng puntahan. Na aawa lang ako kay mama sa tuwing nakiki usap siyang 'wag ka umalis. Marunong din naman ako mag tanaw ng utang na loob. Pero ang totoo niyan, gustong-gusto ko na umalis, para wala na silang problema.

Huminga ng malalim si mama bago sumagot. "Of course you're not. Mahal kita na parang totoo kong anak, believe me. Pero kung gusto mo talaga umalis sa puder namin, kahit masakit para sa akin, sige lang. But atleast tapusin mo pag aaral mo, so you can find a decent job kahit papaano, to secure your future."

I simply nodded, as she gave me a small smile before we both headed up stairs papunta sa kaniya-kaniya naming kwarto. Kwarto ko na puno ng mga art works o paintings ko. Maging ang mga pader, may mga paintings at graffiti. Minsan na din ako na pagalitan ni papa dahil dito, saying na nakikitira na nga lang daw ako, dudumihan ko pa papamahay niya.

Throwing my bag pack somewhere in my room, humiga ako sa kama ko na hindi nag bibihis. I close my eyes, saka huminga ng malalim, trying to sleep. But I end up opening my eyes, starring at the ceiling, na pininturahan ko ng starry night sky.

Tuwing hindi ako maka tulog, I end up often questioning myself: why do life have to be this unfair? Bakit may mga masaya at bakit may mga miserable gaya ko? Bakit hindi na lang lahat masaya. And I get no answer, everytime I ask those questions to myself.

•••

/Sandrew's Portrayer above. Ctto of the gif. :)/

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon