Chapter 12 | Pretentious Artist

37 2 0
                                    

Chapter 12 | Pretentious Artist


"Just tell me how to be different in a way that makes sense."
-Stephen Chbosky, The Perks
Of Being A Wallflower


•••


Sandrew's Pov

Dahil sa tanghali na ako naka gising, after lunch break na lang din ako pumasok, and now I was heading sa subject na contemporary arts. Subject na kahit paano interesado ako, kasi it involve arts. Hindi nga lang ako naka pasok sa klase na 'to kahapon dahil nga nag cutting kami.

Nag text din sa akin si Liam na hindi siya pumasok, dahil may family photoshoot sila para isang magazine feature. Kung ako diyan kay Liam, hindi ako sasali sa photoshoot na 'yan. But knowing Liam who wish nothing but a happy family, na sali na lang siguro siya, para kahit sa picture man lang, may happy family siya. As for Ace, alam kong bibili na naman siya ng magazine na kung saan feature ang mga Breeze, para drawingan ng kung ano-ano 'yung picture nila, sabay asar kay Liam.

Opening the door of contemporary arts class, pumasok ako at buti na lang wala pang teacher. I scan the room to find a vacant chair, then I saw her, the girl from Philosophy class yesterday. Thea yata pangalan niya or Annie? Ewan ko.

May kausap siyang isa pang babae, and then napa tingin siya sa akin and smiled, dahilan para sumulpot 'yung dimples niya. Then she gestured 'yung bakanteng upuan sa kaliwa niya, katabi ng pader, saka bumalik sa pakikipag usap sa kausap niya kanina.

Madami pa naman bakanteng upuan, but I instead went sa upuan beside the girl. Nilapag ko 'yung bag ko sa lapag, saka umupo, then the girl faced me. Naka tingin din 'yung kausap niyang babae sa akin.

"Hello to you too." Naka ngisi kong sabi sa kanilang dalawa, that made both of them chuckle.

"Bakit 'di ka pumasok kanina sa Philo?" Tanong niya.

"Why? Na miss mo ako agad?" Mapang asar kong sabi, that made her friend snort. Napa irap naman siya.

"Of course not! Gusto ko lang sabihin na partners tayo sa report na gagawin doon. Maysado ka." Inis niyang sabi, sabay harap ulit sa kaibigan niya at nag kwentuhan ulit sila, about k-drama yata 'yun sa pag kakaalam ko, kasi they keep on mentioning a guy's name like Gong Yoo, Lee Jung Suk, Park Hyun Sik at kung sino-sino pang kupal na koreano.

Napa smirk at napa iling na lang ako. Pinaupo ako sa tabi niya, para sabihin lang na magka grupo kami sa isang report sa Philosophy, sabay tatarayan ako. Iba 'to.

Ilang minuto lang lumipas, dumating na din ang teacher namin, who called someone in the class para mamahagi ng bond paper. Obviously, gagawa kami ng activity. Papa-drawingin kami ng something na best describes us. Ganito din last year e.

"Good afternood class." Pag bati ni sir Nathaniel, matapos ang pag babahagi ng tag dalawang bond paper, sa bawat estudyante.

"Good afternoon sir." Pag bati pabalik ng klase, except me, and then he proceed explaining kung ano gagawin namin. As expected, pindrawing nga kami ng something na best describe who we are.

Last year, ang pinasa kong art work is isang tuldok sa gitna. E tinatamad ako. But instead na bigyan ng maliit na puntos, Mr. Nathaniel gave me a 10/10. Then I asked him why, at tanda ko pa ang sinabi niya noon, hindi ko yata 'yun malilimutan.

"Other people might think that your work is the lamest of all, but not for me, I love how you interpret yourself, kakaiba. You're the black point here aren't you? While the white ones or the blank paper was the people around you. Iba ka sa kanila, out of place ka, that's why you stand out and you should be happy with that, kasi kakaiba ka sa kanila."

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon