Chapter 30 | Hashtag Finding Liam

27 2 4
                                    

Chapter 30 | Hashtag Finding Liam


"This is our reality
Crazy stupid, you and me"
-5 Seconds Of Summer, Long Way Home


•••


Sandrew's Pov


Sa aming mag kakaibigan, Liam has the worst temper, hot headed, the craziest. Tatakas na nga lang, mag sasama pa ng inosente.

The moment na malaman kong ipapa home therapy si Liam, alam ko na agad na hindi siya papayag at gagawa at gagawa siya ng paraan wag lang matuloy. Isa 'yun sa mga ugali ni Liam, pag ayaw niya, ayaw niya talaga, kapag gusto naman niya, gusto niya. Motto niya yata sa buhay, what Liam wants Liam gets.

Pumunta kami ni Ace sa hospital kaninang umaga, para mag pa alam man lang sa kaniya at mag sorry ulit. Hindi naman namin siya madadalaw doon sa Batangas dahil ayaw ibigay ng kuya niya 'yung address niya doon kahit pinag bantaan at tinakot na namin ni Ace. Kung hindi lang ba naman siya galit sa amin, edi tinulungan pa namin siya tumakas.

Umalis lang saglit kuya niya, pag balik ni Clyde sa kwarto kasama tatay nila, wala na sila ni Tiffany, na pumunta din kanina para mag pa alam daw. Now here we are, looking for the both of them.

I informed Trinity, na tumakas si Liam kasama 'yung kambal niya, kaya kasama namin siya ngayon ni Ace. Nag hahanap din si Clyde, kasama naman ang kuya ng kambal na si James at si Margo, na non biological brother ko naman. Na dinig ko din nag pa cancel si Tyler ng mga meetings niya para personal na hanapin si Liam. Himala naman din na kasama niya si Joan. Nag utos din si Tyler ng mga tauhan para hanapin si Liam. 'Yung mama naman ng kambal stayed on their house at nag abang baka sakaling umuwi si Tiffany. While the twins dad, na pulis nag hanap din kasama ang kapwa niya pulis. Nag banta din ito na kakasuhan ng kidnapping si Liam, dahil minor pa si Tiffany and unfortunately kay Liam, he just turned eighteen.

He's so in trouble. Kung tatakas siya dapat nag solo na lang siya, o kaya binaba niya pride niya at sa amin nag pa sama. Pero, kasalanan din naman namin 'to ni Ace. Kung na puntahan lang talaga siya namin ni Ace that night, wala kami sa ganitong sitwasyon. Malamang tulog pa kami, dahil sa extended party niya sana that was supposed to be celebrated last night. Wala na e, all is done.

But one thing's for sure kung bakit tumakas si Liam. He didn't run away para literal na takasan 'yung balak ng dad niya. He's not dumb not to know that he could run forever, he was doing this, as a message na pag ayaw niya, ayaw niya.

Pina hiram naman kami ni Clyde ng sasakyan niya, kaya may na gamit kami ni Ace at Trinity. At lunch nag stop over muna kami sa isang fast food chain para kumain and now we are on the road again.

"'Yung totoo saan ba talaga tayo papunta?" Tanong ni Ace, na nasa back seat ng kotse.

"Liam's kinda unpredictable, pero baka sa Tagaytay sabi ni Clyde dahil may rest house daw sila doon." Sagot ko, while focusing my eyes on the road.

"Rest house, e ang dami kayang rest house ng mga 'yun. Meron sa Palawan, Laguna, Batanes, Bulacan, Boracay at iba pa." Sabi ni Ace.

"Tingin mo ba makaka punta pa ng malayo 'yun? Naka disable na nga bank account niya diba. Sa ngayon, try na lang muna natin sa Laguna, kasi Tagaytay bound sina Clyde e."

"Anong trip ng kaibigan niyo at sinama pa talaga si Paneng?" Tanong naman ni Trinity, na nasa passenger's seat, referring to Tiffany and Liam.

"Ano namang trip ng kambal mo, bakit sumama kay Liam?" Tanong ko pa balik.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon