Chapter 56 | Goner

40 2 0
                                    

Chapter 56 | Goner


"There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds."
-Laurell K. Hamilton, Mistral's Kiss


•••


Sandrew's Pov

"Galit ka ba sa akin?" Nag tataka kong tanong, following Trinity papalabas ng philosophy class naman that just ended. Hindi na naman niya ako sinagot like all morning.

"Teka lang kasi." Inis ko nang sabi, lightly grabbing her arm para tumigil siya sa pag lalakad. She face me with a scowl on her face.

"Oo galit ako sa'yo." Mataray niyang sagot, crossing her arms.

"Bakit?" I ask with a frown.

"You lied. Alam mo pala na ganoon balak ng walang hiya mong kaibigan sa kambal ko, pero hindi mo man lang sinabi sa akin."

"He's my best friend, our relationship is already stained okay? Ayaw ko lang madagdagan 'yun." Paliwanag ko.

"Edi sana hindi mo na lang kami tinulungan ka gabi, sana tinuloy tuloy mo na lang 'yung pag kunsinti sa best friend mo."

I sigh. "Na iintindihan naman kita that you're only worried about your twin, I did what I did last night kasi alam ko na 'yun 'yung tama, pero sana intindihin mo din naman ako, na kaibigan ko din 'yun and please naman, 'wag mo naman idamay tayo sa kanila."

Her eyes softens and sighs. "Sorry."

I gave her a small smile and pull her into a hug, pero agad naman niya akong tinulak. I look at her in confusion.

"Bawal PDA dito." She said, that made me chuckle.

As I walk Trinity to her next class, hindi naman mawala sa isip ko si Liam. He's obviously mad at me and Ace, lalo na sa ginawa ko kagabi. I literally just turned my back on him. Pero sana maintindihan din niya kung kailan dapat na siyang tumigil. In the same time, nag aalala pa din ako kung anong lagay niya ngayon, I knew well how his mental capacity is.

Matapos kong mahatid si Trinity sa klase niya, I made my way sa next class ko. Habang papunta ako sa sunod kong klase may na daanan akong commotion sa hallway. Then I saw a glimpse of Liam kaya agad ako lumapit kumpulan at sumingit papunta sa unahan. Liam and Ace are beating the hell out of each other.

Ni lapitan ko sila, as I grip Liam's arm to pull him away from Ace, but he yank my hands away and push me, saka sinikmuraan si Ace.

"Liam! Tama na!" Sigaw ko. He stop and hinarap ako. Damn he look like a fucking mess---mess is an understatement, he actually look like a disaster. Gulo-gulo 'yung buhok niya, his eyes were bloodshot ang laki din ng eyebags niya. 'Yung damit na suot niya 'yung suot pa niya ka gabi sa party, tapos may mga mantsa ng dugo. His knuckles were busted open and there are wounds. He also smell of alcohol.

"Ikaw ang tama na! Kagabi ka pa!" Sigaw niya habang dinuduro ako. Mag sasalita pa sana siya, when Ace grab his shoulder para iharap sa kaniya, saka niya sinuntok sa panga.

"'Wag mo akong sisihin kung pinili ng malandi mong nanay na sumama sa walang kwenta ko na ama dahil wala akong alam diyan! Diba, dapat magalit din ako dito? Kasi once again! Pinag palit na naman ng magaling kong ama ang mama ko! Alam mong masama dito? Nanay pa ng pinaniwalaan kong matalik ko na kaibigan!" Sigaw ni Ace kay Liam, habang habol hininga.

Tama ba 'yung na dinig ko? May relasyon 'yung nanay ni Liam at tatay ni Ace? What in the actual fuck is happening here? Can this get more any worse and complicated? Sobra naman akong na awa kay Liam. Matapos 'yung kay Tiffany, ganito pa yata ang sinalubong niya kagabi pag uwi niya sa kanila. That's why he's a disaster.

Lost StarsWhere stories live. Discover now