Chapter 27 | No One Dies Virgin

28 2 0
                                    

Chapter 27 | No One Dies Virgin


“It's just that...I just think that some things are meant to be broken. Imperfect. Chaotic. It's the universe's way of providing contrast, you know? There have to be a few holes in the road. It's how life is.” 
-Sarah Dessen,
The Truth About Forever


•••


Sandrew's Pov


I opened my eyes, and everything was blurry. Sobrang sakit din ng ulo ko, na para bang minamaso. Kahit sobrang bigat ng katawan ko, nag madali akong bumangon at pumunta sa banyo ng kwarto ko and throw my guts out in the toilet bowl. Nang mahismasan ako, pumunta ako sa lababo at nag hilamos, saka bumalik ng pag kakahiga sa higaan ko, closing my eyes again.

Galing kami ni Ace kagabi sa isang frat house party ng isa naming kakilala and as usual, we get drunk and high. Now, hang over is taking over at it's finest. Mamaya, sa extended birthday that our gang will throw for Liam, we will gonna get high, drunk and gonna have fun again. We are going to party like tomorrow will never come.

Kinusot ko 'yung mata ko, opening it fully. Kinuha ko 'yung cellphone sa gilid ng unan ko, para tawagan si Liam. Kakamustahin ko lang how his party last night went, tapos pag uusapan na din namin 'yung para sa party mamaya.

Nang mabuhay na 'yung cellphone ko, I slide down the notification bar at napa kunot noo naman ako habang naka tingin sa screen.

Bespren mong pogi
47 missed calls↙
Bespren mong pogi
53 messages

Something went wrong. Hindi siya tatawag at mag tetext ng ganito ka dami kung walang problema. Binuksan ko 'yung mga text niya, reading it.

Bespren mong pogi:
Tol sunduin mo ako.
11:15 pm

Bespren mong pogi:
Drew sagutin mo 'yung tawag ko punyeta
11:19 pm

Bespren mong pogi:
Sandrew
11:27 pm

Bespren mong pogi:
Hindi to joke time
11:28 pm

I scrolled his message sa pinaka dulo, and his last message was like a hard punch in my chest.

Bespren mong pogi:
Mga wala kayong kwentang kaibigan
12:02 am

That's when I confirmed that's something's not right. Agad kong pinindot 'yung speed dial ko which was Liam, but his contact was out of coverage area. Kaya si Ace naman 'yung tinawagan ko.

"Drew, bilisan mo on the way na ako sa inyo!" Taranta na sabi ni Ace pag sagot niya ng tawag, kaya lalo lang akong kinabahan. Halata din sa background na nasa byahe nga siya.

"What the fuck happened?" Sabi ko, putting on my shoes, storming out of my room.

"Tumawag si Tiffany sa akin dahil hindi ka daw ma-contact, si Liam na sa hospital daw!"

Nag madali akong bumaba. Tinawag pa ako ni Sasha para mag tanghalian, but I just ignored her, saka ako lumabas ng bahay. Binaba ko naman 'yung tawag, shoving my phone in the pocket of my jeans na kagabi ko pa suot, dahil dumating na si Ace sakay ng motor niya. Even him didn't bother changing his clothes.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon