Chapter 24 | So You're Like A Bad Boy?

28 2 0
                                    

Chapter 24 | So You're Like A Bad Boy?


"There's a lightning in your eyes, I can't deny
Then there's me inside a sinking boat running out of time."
-One Direction, Ready To Run


•••


Sandrew's Pov


I never do this. Kahit noong mga panahon na nag karoon ako ng girlfriends, hindi ko 'to ginawa. Ang malala pa, bakit ako kinabahan? I'm Sandrew Hayle Styles for fucking sake! Mag so-sorry lang naman ako and that's it. Peace of cake. I've been through worst.

Still in my school uniforms, matapos ang klase at matapos kong bilhin ang mga kailangan ko, dumeretso na ako sa destinasyon ko and now here I am, infront of the extension gate of their house.

Hawak ang bouquet ng sunflower at isang balot ng KitKat sa kaliwa kong kamay, nag door bell naman ako gamit ang kabila kong kamay. Within a minute or two, may nag bukas na ng extension gate sa bahay ng mga Perkins.

It was an old lady, in mid sixties or something. House keeper nila siguro 'to, though hindi ko pa siya nakita nung first time kong pumunta dito, para ihatid 'yung paintings ko.

"Nandiyan ba si Trinity?" Agad kong tanong.

"Oo hijo, kakadating lang. Mang liligaw ka ba niya? Ang gwapo mo namang binata." Naka ngiti niyang sabi.

Okay, given na 'yung gwapo ako pero, "Hindi, kaibigan niya lang po." Natatawa kong sabi.

"Ganoon ba, sige tuloy ka." She opened the gate widely, saka ako pumasok. Pumunta kami sa front porch ng bahay, as I followed her inside.

"Teka, tatawagin ko lang." Sabi ni manang Vergie, as what she introduced herself earlier. Tumango ako, saka siya umakyat sa second floor and I was left in the living room.

Mamaya-maya, I heard footsteps na pababa ng hagdan, may dalawang tahol din ng aso. Trinity and her twin entered the living room, may dalawa ding aso ang naka sunod sa kanila.

"Iwan ko muna kayo." Pag papa-alam naman ni manang Vergie.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Trinity, crossing her arms. Nag pa alam naman si Tiffany papunta sa kusina nila, ka sunod 'yung dalawang aso.

"May dala ka pang ganiyan, you think you can bribe me with that?" Masungit na sabi nito, walking towards me and now we are face to face.

"Hindi naman para sa'yo 'to e, nandiyan mama mo?" Natatawa kong sabi, then she blush sabay kamot sa ulo.

"Nasa kusina. But you can't bribe her too 'no! Kahit favorite flower niya pa 'yan." She said, pouting. Na laman ko lang naman na favorite flower ng mama niya 'yung sunflower, courtesy of Tiffany. Then 'yung KitKat kay Trinity talaga 'to, according again kay Tiffany, favorite nila ng kambal niya 'yung KitKat.

"Oh, 'wag mo ng tanggihan alam kong favorite mo 'yan." Sabi ko, sabay abot sa KitKat. Kinuha naman niya 'yun, as I made my way sa kusina nila, naka sunod naman sa likod ko si Trinity.

"Thank you." Sabi niya, habang binubuksan 'yung balot ng KitKat. "Pero galit pa din ako sa'yo." Dagdag niya, that made me chuckle.

"Mama, nandito 'yung may atraso sa'yo." Sabi ni Trinity, nang makarating kami sa kusina nila. Napa tigil naman sa pag hahalo ng mixture 'yung mama niya at napa tingin sa amin.

"Sandrew," Naka ngiting sabi ni Mrs. Perkins. Tipid ko naman siyang nginitian.

Tumayo naman si Tiffany sa kinakaupuan niyang stool na katabi ng island ng kusina at lumapit sa kambal niya, sabay kuha ng KitKat. They soon exited the kitchen kasama 'yung dalawang aso.

Lost StarsWhere stories live. Discover now